You are on page 1of 52

Pag-uwi ni Florante sa Albanya

Aralin 11
Talasalitaan
 Pakay- balak
 Hirang- Napili
 Dalampasigan- baybayin o tabing-dagat
 Hukbo- Digmaan
 Pangamba- Takot
 Matuwid- Wasto o Maayos
 Nuno- Ninuno o Kanunuan
 Umayon- Pagbigay
 Banayad- Magalang
254
Bininit sa busog ang siyang katulad ng tulin ng
aming daong sa paglayag,
Kaya di naglaon paa ko’y yumapak
Sa dala,pasigan ng Albanyang syudad.
255
“Pag-ahon ko’y agadnagtuloy sa kinta,
Di humihiwalay ang katotong sinta;
Paghalik sa kamay ng poon kong ama,
Lumala ang sakit nang dahil kay ina
Paliwanag:
254
Mabilis ang kanilang biyahe patungong albanya.
255
Agad pumunta si Florante sa kinta (cottage).
Naalala niya ang kanyang yumaong ina at
siya’y nalungkot. Nagmano si Menandro sa
ama ni Florante.
256
“Nagdurugong muli ang sugat ng puso,
Humigit sa una ang dusang bumugso;
Nawikang kasunod ng luhang tumulo:
‘Ay, Ama!’ kasabay ng bating ,Ay, bunso!
257
“Anupa’t ang aming buhay na mag-ama,
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa; kami ay
dinatnang nagkakayakap pa niyong embahador
ng bayang Krotona.
Paliwanag:
256
Naalala ni Florane ang pag tawag nya sa
kanyang ama at pagtawag sa kanya. Sinabi ni
Florante “Ay,ama!”at sinabi ng kanyang
ama”Ay,anak!”
257
Naabutan ng ambasador ng Krotona ang
magkayakap na mag-ama
258
“Nakapanggaling na sa Palasyo Real at
ipinagsabi sa hari ang pakay; dala’y isang sulat
sa ama kong hirang, titik ng monarkang
kaniyang biyenan.
259
“Humihinging tulong at nasa pangamba ang
Krotonang Reyno’y kubkob ng kabaka; ang
puno ng hukbo’y balita ng sigla Heneral
Osmalik na bayaning Persya.
Paliwanag:
258
Dala ng ambasador ng Krotona ang isang liham
para kay Duke Briseo, ama ni Florante. Ang
hari ng Krotona ay biyenan (father-in-law) ni
Duke Briseo.
259
Nanganganib ang Krotona at humihingi sila ng
tulong. Pinaliligiran ang Krotona ng hukbo ni
Heneral Osmalik na taga Persiya.
260
“Ayon sa balita’y pangalwa ito ng Prinsipe
niyang bantog sa sang mundo
Alading kilabot ng mga gerero, iyong
kababayang hinahangaan ko.”
261
Dito napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad; aniya’
“Bihirang balita’y magtapat, kung
magkakatotoo ma’y marami ang dagdag.
Paliwanag:
260
Kwento ni Florante: “Ayon sa mga balita,si
Heneral Osmalik ay pangalawa sa tanyag at
sikat na Aladin,isang gerero (warrior) na
kinatatakutan ng maraming gerero,at
hinahangaan.
261
Napangiti si Aladin sa kwento ni Florante.
Mahinahon niyang sinabi na bihira namang
tama o buo ang mga bali-balita, at kahit na
totoo ang balita, maraming nadadagdag pa sa
kwento.”
262
“At saka madalas ilala ng tapang ay ang
guniguning takot ng kalaban;
ang isang gererong palaring
magdiwang,mabablita na at pangingilagan.
263
“Kung sa katapanga’y bantog si Aladin, may
buhay rin namang sukat na makitil; iyong
matatantong kasimpantay mo rin sa kasam-
ang-palad at dalang hilahil.”
Paliwanag:
262
Sinabi rin ni Aladin kay Florante na ang
katapangan ay napapalaki sa isip ng isang
kinakabahang kalaban. Ang habang nananalo
ay isang gerero, lalong tumitindi ang
pagkwento ng iba tungkol sa kagalingan nito,
kaya lalo siyang iniilagan o iniiwasan ng ibang
mga manlalaban.
263
Pinaaalahan din ni Aladin si Florante na kung
naging sikat ang matapang na si Aladin,
tandaan din ni Florante na may pagkakataong
muntik nang mamatay si Aladin. Hindi rin
magtatagal ay malalaman ni Florante na pantay
din silang dalawa ni Aladin sa kamalasan at
sakit.
264
Sagot ni Florante .”Huwag ding maparis ang
gererong bantog sa palad kong amis; at sa
kaaway ma’y di ko ninanais ang laki ng dusang
aking napagsapit.
265
“Natanto ni ama ang gayong sakuna sa
Krotonang Baya’y may balang sumisira, Ako’y
isinama’t humarap na bigla sa Haring Linseong
may gayak nang digma.
Paliwanag:
264
Sinabi ni Florante kay Aladin na sana hindi
maranasan ni Aladin ang Kasamaang-palad ni
Florante. Ayaw niyang maranasan ninuman ang
kaanyang sinapit. Kahit sa mga kalaban ni
Florante, Ayaw niyang maranasan nila ang
dusa ni Florante.
265
Nagpatuloy sa kwento si Florante. Nang
malaman ni Duke Briseo ang banta sa
Krotona , sinama niya si Florante kay Haring
Linceo. Nakasuot sila ng pandigma.
266
“Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan ng
palasyong batbat ng hiyas at yaman ay
sumalubong na ang haring
marangal,niyakap si ama’t noo’y
kinamayan.
267
“Ang wika’y ‘O Duke,ang kiyas na ito ang
siyang kamukha ng bunying gerero; aking
napangarap na sabi sa iyo magiging haligi
ng seatro ko’t reyno.”
Paliwanag:
266
Bago pa sila makaakyat sa hagdan ng palasyo,
sinalubong na ni Haring Linseo yung dalawa.
Niyakap niya si Duke Briseo, at kinamayan
niya si Florante.
267
Sinabi ni Haring Linseo kay Duke Briseo na
kamukha ni Florante yung gererong nasa
panaginip ng hari, na siyang magtatanggol sa
kaharian.
268
‘Sino ito’t saan nanggaling na syudad?’ ang
sagot ni ama...’ay bugtong kong anak na
inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang
sa isang basalyo’t alagad.
269
“Namangha ang hari at niyakap ako,
‘Mabuting panahon itong pagdating mo;
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo sa
Bayang Krotonang kinubkob ng Moro.
Paliwanag:
268
Tinanong ng hari kung sino yung binata, at kung
taga-saan siya. Sinabi ni Duke Briseo na anak
niya si Florante.
269
Namangha si Haring Linseo. Niyakap niya si
Florante, at ginawa siyang Heneral ng hukbo
na tutulong sa Krotona.
270
‘Patotohanan mong hindi iba’t ikaw ang
napangarap kong gererong matapang na
maglalathala sa sansinukuban ng
kapurihan ko at kapangyarihan.
271
‘Iyong kautangan paroong mag-adya nuno
mo ang hari bayang Krotona; dugo kang
mataas ay dapat kumita ng sariling dangal
at bunyi ng giyera.’
Paliwanag:
270
Sabi ng Haring Linceo kay Florante-Patunayan
mo na ikaw ang matapang ng gerero sa aking
panaginip,na magsasabi sa buong ng kapurihan
at kapangyarihan ng Haring Linceo.
271
Pinaliwanag ni Haring Linceo na ang hari ng
Krotona ay nuno (ancestor)ni Florante. Kaya
may dugong bughaw si Florante (royal
blood),at kailangan niyang makamit ang
dangal at bunyi sa giyera.
272
“Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,
umayon si ama,kahit mapait man, na agad
masubo sa pagpapatayan ang kabataan ko,t di
kabihasaan.
273
“Ako’y walang sagot na naipahayag kundi
Haring poo’t nagdapa sa yapak; nang aking
hahagkan ang mahal na bakas,kusang itinindig
at muling niyakap.
Paliwanag:
272
Dahil tama nga naman ang sinabi ni Haring
Linceo,pumayag si Duke Briseo (kahit masakit
sa kanyang kalooban),naipadala si Florante sa
giyera,kasi napakabata pa nito,at kahit hindi pa
siya dalubhasa sa patayan
273
Walang magawa si Florante kundi sabihin ang
Haring poo’t habang dumapa siya sa paanan ng
hari. Hahalikan na niya sana ang mga paa ng
hari, ngunit itinindig ng hari si Florante at
muling niyakap.
274
“Nag-upuan kami’t saka nagpanayam ng
balabalaki’t may halagang bagay,nang sasalitin
ko ang pinagdaan sa Bayang Atenas na
pinanggalingan.
275
“Siyang pamimitak at kusang nagsabog ng
ningning ang talang kaagaw ni
Venus-
Anaki ay bagong umahon sa bubog, buhok ay
naglugay sa perlas na batok.
Paliwanag:
274
Makipagkwentuhan si Florante tungkol sa
naging buhay niya sa Atenas.
275
Biglang may nakita si Florante na
napakagandang babae.
276
“Tuwang pangalawa kung hindi man langit ang
itinapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buko ng ninibig pain ni
Cupidong walang makarakip.
277
“Liwanag ng mukha’t walang pinagibhan kay
Pebo kung anyong bagong sumisilang;
katawang butihin ay timbang na timbang at
mistulang ayon sa hinhin ng asal.
Paliwanag:
276
Pakiramdam ni Florante nasa langit siya
pagkakita nya sa magandang babae.
277
Ang mukha daw ni Laura ay parang maliwanag
na mukha ni Febo.
278
“Sa kaligayaha’y ang nakakaayos-
Bulaklak na bagong winahi ng hamog; anupa’t
sinumang palaring manonood, patay o himala
kung hindi umirog.
279
“Ito ay si Laurang ikinasisira ng pag-iisip ko
tuwing magunita, at dahil sa tanang himutok at
luha-itinotono ko sa pagsasalita.
Paliwanag:
278
Ang taong hindi matutuwa kay Laura ay walang
buhay ng bangkay, o kaya’y mahina ang ulo.
279
Siya si Laura. Hindi makapagsalita si Florante.
At minsa’y naluluha pagkakita niya sa
magandang babae.
280
“Anak ni Linceong Haring napahamak,at
kinabuhusan ng aking pagliyag;
Bakit itinulot, Langit na mataas na mapanood
ko kung di ako dapat!
281
“O Haring Linceo, kung di mo pinilit na sa
salitaan nati’y makipanig, ang buhay ko disi’y
hindi nagkasakit ngayong pagliluhan ng anak
mong ibig!
Paliwanag:
Si Laura ay anak ng isang hari na si Haring
Linceo.
281
Nagbago na ang buhay ni Florante.Hindi na ito
maibabaliksa dati ngayon at nakita na niya si
Laura.
282
“Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil, aywan ko
kung ano’t lumimot sa akin! ang palad ko’y
siyang alipusta’t linsil, di laang magtamo ng
tuwa sa giliw.
283
“Makakapit kaya ang gawang magsukab sa
pinakayaman ng langit sa dilag? kagandaha’y
bakit di makapagkalag ng pagkakapatid sa
maglilong lakad?
Paliwanag:
282
Hindi magtataksil si Laura, sabi ni Florante sa
kanyang kaibigan.
283
Hindi raw kayang magtaksil ang isang taong
napakaganda.
284
“Kung nalalagay ka,ang mamatuwirin,sa laot ng
madlang sukat ipagtaksil,dili ang dangal mong
dapat na linga- mahingit sa walang
kagandaha’t ningning?
285
“Ito ay hamak pa bagang sumansala na
karupukan mo at gawing masama, kung ani
ang taas ng pagkadakila, siya ring lagapak
naman kung marapa.
Paliwanag:
284
Kung ikaw ay nasa dagat at ika’y natukso ng
pagtataksil,ano ang gagawin mo kapag ang
iyong dangal ay nanaig sa pagkawalan ng
kagandahan?
285
Hindi raw papayag ang karangalan na gumawa
ng masama.
286
“O bunying gererong naawa sa akin, pagsilang
ng iyong nabagong bituin, sa pagkakita ko’y
sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong sa ina
ko’y hain.
287
“Anupa’t ang luhang sa mata’y nanagos ng
pagkaulila sa ina kong irog, natungkol sa
sinta’t puso’y nangilabot, baka marapat sa
gayong alindog.
288
“Hindi ko makita ang patas na wika sa kaguuhan
ko’t pagkawalang –diwa, nang makiumpok
na’y ang aking salita, anhin mang tuwiran ay
nagkakalisya.
289
“Nang malutas yaong pagsasalitaan ay wala na
akong kamaharlikahan; kaluluwa’y gulo’t
puso’y nadadarang sa ningas ng sintang bago
kong natikman.
Paliwanag:
288
Hindi na makap-isip nang tuwid si Florante.

289
Nagdeliryo na ang puso ni Florante. gayong
natikman na niya kung paano masunog ng pag-
ibig ang kanyang puso.
290
“Tatlong araw akong piniging ng hari sa palasyo
real na sa yama’y bunyi ay di nakausap ang
punong pighati na inaasahang iluluwalhati.
291
“Dito ko natikman ang lalong hinagpis, higit sa
dalitang naunang tiniis; at binulaan ko
ang lahat ng sakit kung saan kahirapang mula
sa pag-ibig.
Paliwanag:
290
Nilibre sila ng hari nang tatlong araw. Pero hindi
man lang tiningnan ni Florante si Laura.
291
Mas matindi pa ang sakit dulot ng pa-ibig, kaysa
sa sakit dala ng lungkot sa pagkawalan ng ina.
292
“Salamat at noong sa kinabukasan,hukbo ko,y
lalakad sa Krotonang bayan, sandaling pinalad
na nakapanayam ang prinsesang nihag niring
katauhan.
293
“Ipinahayag ko ng wikang mairog, ng
buntunghininga, luha at himutok, ang
matinding sintang ikinalulunod
magpahanggang ngayon ng buay kong kapos.
Paliwanag:
292
Sinuswerte si Florante ang nagkaroon siya ng
ilang sandali kasama ni Laura, nung araw bago
tumungo sa Krotona ang hukbo.
293
Sinabi ni Florante kay Laura na iniibig niya si
Laura. May kasama pang iyak at buntong-
hininga.
294
“Ang pusong matibay ng himalang
dikit,nahambal sakin malumbay na hikbi;
dangan ang kaniyang katutubong bait ay
humadlang disin sinta ko’y nabihis.
295
“Nguni’t kung oo’y di naman binitiwan,
naliwanagan din sintang nadirimlan
at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng mat hiyang
perlas na sa mata’y nukal.
Paliwanag:
294
Parang bibigay na ang matibay na puso ni Laura.
Pero nanaig pa rin ang kaisipan ni Laura.
295
Wala siyang sinabi kay Florante. Ngunit may
isang patak ng luha na bumagsak mula sa
kanyang mata.
296
“Dumating ang buaks ng aking pag-alis sino ang
sasayod ng bumugsong sakit? Dini sa puso
ko’y alin ang hinagpis na hindi nagtimo ng
aniyang kalis?
297
“May sakit pa kayang lalalo ng tindi sa ang
sumisinta’y mawalay sa kasi?
Ginuguni lamang di na ang mangyari, sukat
ikalugmok ng pusong bayani.
Paliwanag:
296
Kinabukasan, aalis na si Florante. Masakit ang
kanyang kalooban. Konsuelo na lang niya na
hindi nasasaktan gaano ang puso niya sa ala-
ala ng kanyang yumaong ina.
297
Ano pa raw ang mas masakit pa kaysa sakit
dulot ng pagkakahiwalay sa taong minamahal.
298
“O, nangag-aalay ng mabangong suob sa
dakilang altar ni Cupidong Diyos, sa dusa ko’y
kayo ang nakatatarok noong mangulila sa
Laura kong irog!”
Paliwanag:
298
Nag-alay ng mabangong suob sa altar si
kupido,at sana madinig niya ang lungkot at
pangungulila ni Florante ksy Laura.
Pag-unawa sa binasa
1.Anong kaharian ang humihingi ng
tulong kay Haring Linceo nang
dumating si Florante?

2.Paano nakilala ni Florante si Laura?

3.Ilarawan ang naging reaksyon ni


Florante nang makita niya si Laura?
4.Kung ikaw si Duke Briseo,ihahandong mo
rin ba ang iyong anak sa pamahalaan
upang ipagtanggol ang kaligtasaan ng
ibang bansa?bakit?

5. Sino ang mga naging tauhan sa Aralin


11?

6.Habang nagaakyat ang dalawa,sino ang


nagsalubong sa kanila?
7.Hahalikan na sana ni Florante ang paa ng
Hari ngunit anu ang ginawa ng Hari sa
kanya?

8.Saan pumunta si Florante ng maalala nya


ang kanyang yumaong na ina?
9.Sino ang dumala ng liham para kay Duke
Briseo na ama ni Florante?

10.Bakit nanganib ang Krotona?ipaliwanag


11.Sino ang pangalawang tanyag at sikat na
Aladin?
12.Ipaliwanag ang naging reaksyon ni
Florante pagkakita niya kay Laura?

13.Kung kayo si Florante anu ang iyong


maramdaman kapag ikaw ay mawalan ng
ina?

You might also like