You are on page 1of 2

ANG KULTURANG MAY MALASAKIT SA

SILID-AKLATAN AY MAKAKAMIT

Kilala si Anna sa kanyang pagging mabuti at may malasakit sa kanyang kapuwa,


higit pa ditto, siya rin ay tanyag sa kanyang napiling propesyon, ang pagiging guro dahil
sa natatanging kabutihan at tapang at buong pusong pagtuturo niya sa kaniyang mga
estudyante. Sa bawat araw ng kaniyang pagpunta sa paaralan isang nakakabighaning
ngiti at maligayang damdamin ang mamumutawi sa kaniyang pagkatao. Sa
pagkakatao’y nagsimula na ang kaniyang klase sa kaniyang mga mag-aaral. “Alam niyo
ba class kung ano ang kahalagahan ng pagbabasa?” tanong niya sa kaniyang mag-
aaral na pawang matiim na nakikinig sa kaniya ngunit walang sumagot sa kaniyang
tanong. Upang mas maintindihan ninyo ang tungkol ditto nais kung ibahagi sa inyo ang
kuwento ng aking lola noong ako’y bata pa.

Noong unang panahon, kung saan nagsasalita pa ang mga bagay, isang
makapangyarihan at maipluwensiyang kaharian ang pinamumunuan ng Hari at Reyna
sa kaharian ng Lawrecia. Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae na pawang laki sa
layaw na ang pangalan ay Elsa.

Araw-araw tinuturuan ng reyna ang prinsesa sa pag-aaral ng mga aralin sa silid-


aklatan. Sa kasamaang palad, ni kailan man ay hindi natoto sa kadahilanang sinisira at
binabasura ang lahat na mga libro na kaniyang nakikita. Galit nag alit ang mga libro sa
prinsesa, dahil sa galit sila ay humingi ng tulong sa diyosa ng mga libro upang
parusahan ang nasabing prinsesa, ang mga libro ay naglakbay sa kabundukan ng Ulap
para gawin ang ritwal na magpaparusa sa prinsesa, sa araw na iyon tuluyang
naisagawa ang ritwal na magpapabago sa buhay nito.

Lubos na balakid sa buong kaharian ang sitwasiyon ng prinsesang ni hindi alam


bumasa’t sumulat sa pagkakataon na iyon nagsagawa ng pagpupulong ang mga
nakakataas upang pag-usapan ang tungkol sa prinsesa, sa nasabing pagpupulong
iminungkahi ng nakararami kung paano pamumunuan ng prinsesa ang kaharian kung
ganito ang sitwasiyon nito, labis ang galit ng hari sa nasabing pagpupulong dahil sa
harapan niya mismo siya ay napahiya.

Sinabi ng hari sa kanyang anak na hanggat hindi ito matututung bumasa at


sumulat kailanman ay hindi ito pwedeng tawaging prinsesa at tratuhing ordinaryong tao
lamang hanggat maaari isa lang itong hamak na alipin sa kaharian ng kaniyang amang
hari.
Labis ang lunggkot at pagkamuhi ang nararamdaman ni elsa sa sinapit niya sa
kaniyang ama. Ito ay nagbigay sakaniya ng tapang para harapin ang balakid ng
kaniyang buhay, pumunta siya sa kaniyang silid upang sana ay kuhanin ang mga
librong pinunit niya noong isang araw upang sana ay mapakinabangan pero ni isang
libro ay wala siyang mahanap, umalis siya at naglakbay patungo sa ipinatayong
napakatayog na silid-aklatan sa kaharian ng Payong para kumuha ng kahit isang libro
pagdating niya doon ay isa lang ang naiwang librong nakahanay. Itinanong ni elsa kung
nasaan ang mga libro at bakit isa lang ang naiwan, ang sagot ng libro ay hindi pa
bumabalik ang mga libro galling sa kabundukan ng Ulap, sinabi rin nito kung ano ang
pakay nila sa kabundukan ng ulap, ito ay ang parusahan siya sa tulong ng Diyosa ng
mga libro.

Umalis ang prinsesa at tumungo sa kabundukan ng ulap, para himingi ng


kapatawaran sa mga pinaggagawa niya sa mga libro, pinagtatawanan lamang si elsa
ng mga libro sa kaniyang sinabi, walang magagawa ang diyosa ng libro dahil habang
buhay ang bisa ng sumpa na ipinaratang sa kaniyang mga nasaskupan. Tanging tunay
na malasakit lamang ang lunas sa sumpa na sa kaniya ay pinaratang, sinabi ng diyosa
na hanggat maari ang sarili niya lang ang makakatulong sa kanyang problema.

Araw-araw pumupunta si elsa sa silid-aklatan sa kaharian ng Payong ditto


pinagsisilbihan niya ang mga libro at nililinis ang buong silid aklatan. Labis ang pagod
pag-uwi niya sa kaniyang munting bahay,

You might also like