You are on page 1of 3

“Ang Ballpen ni Jonathan”

ni: Yvan Jordan Garcia

Sa malayong lugar ay may lalaking nagngangalang Jonathan, siya ay matulungin at


masipag. Isang araw ay may nakita siyang isang matandang naghahalungkat ng makakin sa
basurahan kaya naman inabutan niya ito ng makakain ng hindi nagdadalawang isip.

Nagulat ang matanda dahil hindi niya lubos maisip na mayroon pang ganoong klaseng
kabataan. Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang matanda na ibigay sakaniya ang isang
ballpen, hindi lamang basta basta ang ballpen na iyon. Sapagkat ang ballpen na iyon ay simple
lamang pero maganda. Yung tipo na mapapahalagahan mo ang bawat sinusulat mo gamit siya.
Pero ito ay kakaiba, sa bawat sinusulat ko ay nabibigyang buhay niya.

"La, laanhin ko po ito? Marami naman ho naming akong ganito," May galang na sabi ni
Jonathan sa matanda.

Ang ballpen ay maganda at kulay itim. Hindi ito pinipindot o kung ano man dahil may
takip ito na kakulay din ng katawan ng ballpen. Ngumisi si Lola bago nagwika

“Hijo, hindi lamang iyan isang panulat. May espiritu at mahika ang panulat na iyan. Sa
bawat isusulat mo na hiling ay magkakatotoo. Sa bawat tamang ginagawa mo na mabuti ay may
katumbas na hiling na maaari mong gamitin saan man," Napatango sa sinasabi ni Lola si Jonathan.

"Lola naman eh. Hehehehe kain ka nalang po heto na ang ballpen," natatawang sabi ni
Jonathan at inabot ang panulat sa matanda pero itinulak niya ito pabalik kay Jonathan at kumagat
ng tinapay. Napabuntong hininga ang matanda at tumingin muli kay Jonathan.

“Pero tatandaan mo hijo. Kailangan mo malaman kung kalian naging bisa ang hiling. Dahil
sa bawat mali mong paniniwala ay matatagalan pa muli ang panahon bago mo makamit ang
hiling," Tinawanan na lamang ni Jonathan si Lola.dahil hindi kasi siya naniniwala. Kaya napaisip
siya na
‘Baka gutom lang talaga si lola at pati ang ballpen ay ginaganito niya,' napangiti si Jonathan
at natutuwang tumango sa sariling sinasabi. At nang muling lingunin ni Jonathan si Lola para ibalik
ang ballpen niyang may 'Espiritu at Mahika.'

Doon nakita ni Jonathan na wala na pala siya. Natakot siya noon at umuwi nalang. Baka
kasi nananaginip lang siya ng gising. o kaya ineengkanto na siya dahil maghahating gabi na nga
noon.

Pinagmasdan niya pa ang ballpen nang may mapansin siyang nakasulat doon isang
salitang na nakasulat sa ibang lenguwahe.

‘ME KENI ME KENI DUGDUG DOREMI’ ang nakasulat doon.

Hiniling ni Jonathan na magkaroon siya ng maganda at bagong telephono. Ilang araw pa


ang lumipas at hindi na ginagamit ni Jonathan ang ballpen. Ang hiling niya kasi ay hindi natupad.
Pero dahil sa isang ganap ay hindi siya makakapaniwalang may mahika talagang taglay ang
panulat.

At ng siya ay nasa paaralan na nakalimutan niyan mayroon silang proyekto na kailangan


ipasa ngunit ang binatang si Jonathan ay walang pera pambili, kaya naman humiling ito sa ballpen
na bigyan siya ng pambili ng gamit para sa kanyang proyekto

Napatulala na lang ang binata dahil sa mga nangyari at ito ay bumilib at naniwala sa
nahikang taglay ng ballpen.

At mula noon ang binata ay tumulong na sa mga mahihirap at ginamit ang kanyang
mahiwagang ballpen sa kabutihan.

WAKAS…..

You might also like