You are on page 1of 3

SCENE 8

JK: Hindi ko pa rin maunawaan, hindi sya ang tipo kong babae. O siguro normal lang ito dahlia
first time ko magkaroon ng crush? Kailangan ko na bang umamin? Hays, bahala na. Pogi ako
pero baka di rin ako magustuhan non, sungit-sungit na babae don pa ko nagkagusto. Hays,
anong klaseng pagtatagpo ba to tadhana?

Kinabukasan, naglalakad si Joneira sa hallway ng kanilang paaralan, malalim ang iniisip tungkol
sa kung ano nga ba ang tunay nyang nararamdaman para kay JK.

Joneira: Ha-ha. Sana naman hindi ko na makita si JK ngayon, saang lupalop ba kasi ng mundo
nagmula yon at kailangan ko pa syang makilala?

Nagpatuloy sa paglalakad ang babae hanggang sa may makabangga na naman siyang tao.

Joneira: Ay grabe na talaga oh. Mukha ba kong magnet at palagi nalang akong nabubunggo ng
kung sino?! *inis na sabi*

Ang inis niyang mukha ay napalitan naman ng pagkagulat nang makita nya si JK na sya namang
kumukurap ngayon sa kanyang harapan, tila nagulat din sa kanyang presensya. Namuo ang
napakatagal na katahimikan sa pagitan ng dalawa hanggang sa nagpasyang magsalita ang isa.

JK: pasensya na

Kumunot naman ang noo ni Joneira sa binitawang salita ng lalaki.

Joneira: ano namang nakain mo at natutunan mo nang humingi ng pasensya ngayon? At sakin
pa talaga?
JK: *napakamot sa ulo* ewan ko rin hehe
Joneira: *napairap* bahala ka nga dyan

Aalis na sana ang dalaga nang tawagin naman ni JK ang kanyang pangalan

JK: Joneira, sandali lang..


Joneira: *lumingon* ano na naman? Didiktahan mo na naman ba ako tungkol sa walang
babaeng may lakas ng loob na talikuran ka?
JK: *umiling* hindi naman e. Sungit talaga neto
Joneira: ano ba kasi yon?
JK: Ano..may gusto akong..uhm
Joneira: *naghihintay pero nainip na* ewan ko sayo, dyan ka na nga *aalis na sana*
JK: may gusto ako sayo!
SCENE 9
Natigilan naman ang babaeng si Joneira at tila nagpaulit-ulit sa kanyang tenga ang apat na
salitang binitawan ng lalaki. Muling namuo ang katahimikan sa pagitan ng dalawa at ang
tanging naririnig lamang ay ang malakas na tibok ng puso ng isa’t isa. Magpapatuloy pa din sana
sa paglalakad si Joneira nang magsalita na naman si JK.

JK: Ano ba yan, Joneira. Magwo-walk out ka na naman riyan na parang wala kang narinig.
Buong gabi kong pinaghandaan yung sasabihin ko tapos walk out lang matatanggap ko, salamat
ah.
Joneira: *bumuntong hininga* ano ba naman kasi yan, aga aga bigla kang sisigaw na gusto mo
si ano-
JK: Ikaw nga kase, ikaw nga yung gusto diba?
Joneira: Oo na! Ulit-ulit?
JK: oo na, sige na. Basta nasabi ko na, baka pwedeng ano naman…
Joneira: ano?
JK: pwede kang ligawan?
Joneira: ha? Pinagsasabi mo hoy?
JK: seryoso ako, Joneira
Joneira: ikaw ang bahala. Sige na, paalam na

Nagmamadali namang umalis si Joneira habang si JK naman ay unti-unting napangiti sapagkat


nagawa na nya ang pag-amin sa taong tinitibok ng kanyang puso
At ginawa nga ni JK ang kanyang sinabi kay Joneira. Bawat araw ay ipinapakita nya sa babae ang
kanyang tapat na pag-ibig dito at tila wala naman syang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng
mga taong hindi sang-ayon dito. Patuloy rin ang panunukso ng kanilang mga kaibigan sa kanila.
Ngunit kung mapapansin ay tila nagdadalawang-isip si Joneira kung saan nga ba patungo ang
kanilang nararamdaman para sa isa’t isa. Ngayon lang naman kasi naranasan ni Joneira ang
maligawan ng isang lalaki at kailanma’y hindi sumagi sa kanyang isipan ang pagkakaroon ng
nobyo sapagkat ang tanging gusto lamang nya ay makamit ang kanyang pangarap para sa
kanilang dalawa ng kanyang nanay. Ilang araw na tila hindi siya makatulog nang maayos
sapagkat iniisip niya ang mararamdaman ng lalaki kung sakali mang sabihin nya ang nais niyang
iparating. Kinabukasan, ay nagpasya siyang kausapin si JK patungkol dito upang hindi na
magtagal pa ang kanyang panliligaw at hindi na ito muling umasa pa.

Joneira: *hinila si JK upang makapag-usap sila* JK, may nais sana akong sabihin sayo
JK: Ano yun?
Joneira: *huminga ng malalim* paano kung..sabihin ko sayong itigil mo na ang panliligaw mo?
JK: Teka, parang alam ko na yan e. Sasabihin nyo na itigil na ang panliligaw kasi sinasagot nyo na
kami. Ganun yon diba?

Bakas naman sa mukha ni Joneira ang pag-aalala na baka masaktan nya ang damdamin ng lalaki
sa kanyang sasabihin, ngunit gayun pa man, nagpasya pa din syang magpatuloy.
SCENE 10
Joneira: JK, gusto kita..lahat ng ginawa mo, lahat ng yon ay mahalaga para sakin. Pero mas
mahal ko ang pangarap ko..at nais ko sanang tumigil ka na sa panliligaw dahil hindi ko
kailanman maipapangakong dadating ako sa puntong mamahalin din kita sapagkat para
sakin..masakit mang sabihin ngunit imposible itong mangyari.

Pagkatapos bitawan ni Joneira ang mga salitang ito ay unti-unting napagtanto ni JK na hanggang
doon na lamang ang kanilang tadhana. Na kailanma’y hindi posibleng mangyari na magkaroon
pa sila ng mas malalim na relasyon bukod sa pagkakaibigan.

JK: Pero pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan, hindi ba?

Daisyree: *pinatay ang TV* Ano bay an, ang pangit naman ng palabas na ito. Bakit naman
kailangan pang iwanan ni Joneira si JK para sa pangarap kung pwede namang sabay nilang
abutin ito? Kung ako yan, di ko gaganyanin si JK
*Tumutunog ang cellphone*
Daisyree: Oh? Napatawag ka?
Irish: Sis, meron daw birthday party na gaganapin sa Baguio City bukas, samahan mo kooo.
Kasama naman natin sina Ella at Niña.
Daisyree: Oo na, sige na

(sa Baguio City)


Niña: uyyy daming pogiii
Ella: wala naman e. Pero parang gwapo yung nasa photo frame doon sa bandang malayo, sino
ba yon?
Niña: ano ba yan sis, si Albert Einstein yoonnn e
Ella: lah? Joke lang pala
Daisyree: punta lang ako CR mga sis
*makakabungguan si JP*
Sorry po – sabay nilang sabi
*mapapatingin sa isa’t isa, pilit inaalala kung kilala ba nila ang isa’t isa
Daisyree: Pasensya na po at nabunggo kita ngunit maaari ko po bang malaman ang pangalan nyo?
JP: Ayos lang, pasensya na rin. Ako nga pala si JP. Ikaw naman si?
Daisyree: Daisyree. Pasensya na rin kung napatitig ako sayo, kamukha mo kasi yung lalaking bida sa
napanood kong palabas
JP: teka, hulaan ko pangalan ng mga pangunahing tauhan dyan
JK at Joneira – sabay na sabi nila at tumawa

Narrator: Nabitin ba kayo? O naguluhan? Anuman ang inyong naramdaman ay isa lang ang masasabi ko,
para sa’kin, ipinapakita lamang ng kwentong ito na kung hindi mo man nagustuhan ang naging kapalaran
ng mga tauhan sa iyong napanood na palabas, maaari mo pa ding maranasan ang kakaibang mahika ng
tadhana na siyang mag-iiwan ng magandang alaala.

You might also like