You are on page 1of 7

GROUP 2 (ROLEPLAY)

SCENE 1
Sir Adam: Okay, class dismiss. Don’t forget to do your assignment for tomorrow. Goodbye.
Joneira: *nagmamadaling ayusin ang gamit*
*biglang lumabas ang kanyang tatlong kaibigan*

Irish: Huy teh, alam mo na ba ang chika?


Ella: Kilala mo ba si JK?
Joneira: Sino ba yon?
Niña: Single daw sya ngayoonn
Joneira: Psh, whatever.
Joneira: *madaliang naglalakad papunta sa library*
(nagbubulungan ang mga tao tungkol kay JK sa hallway)

Ivone: Beh, nakita mo na ba yung pogi sa may STE building? Ang pogi ng mga mata nya
Ysabella: Talaga? Baka fake news yan.

Mech: Asan na ba si keme poging lalaking yan? Ba’t antagal?


Gab: Ewan, baka naghahanap pa ng shoti sa kabilang building ha-ha

Irish: Nakita ko kanina si JK, grabe kahit sa malayuan ay naaamoy ko ang bango niyaaa
Niña: Totoo sis! Kapag lumapit sakin yun, nakuuu baka himatayin ako tapos sya na rin ang
magdala sakin sa clinic
Ella: Si JK ang motivation ko pumasok

Joneira: Sino ba ‘tong JK na ‘tona lagi nalang pinag-uusapan? Kasing gwapo ba yan ni James
Reid at bukambibig ng mga tao dito?
JK: *nagmamadali din kasi magmeet-up pa kayo nina Mechi at Gab sa may hallway*

Narrator: Sa kalagitnaan ng pagmamadali ni Joneira at JK ay bigla na lamang nilang nabunggo


ang isa’t isa at sabay na pinagalitan ng isang guro sapagkat hindi pinapayagan ang pagtakbo sa
hallway.

Sir Adam: Wag kayong magsitakbo sa hallway at baka makasagi kayo ng tao
JK: bakit ako? E itong babae ngang to mas mabilis pa sa kabayo kung tumakbo e
Joneira: *pabulong na nagsalita* kapal.

Sir Adam: Mr. Gomez, ayusin mo ang pananalita mo. Hindi porket sikat ka rito at nasanay kang
tinitilian ang pangalan mong JK ay mawawalan ka na ng respeto sa iba.
JK: pasensya na po, Sir. Una na po ako at may pupuntahan lang po ako, hindi ko na po uulitin.
Joneira: Eh? Ito ba yung JK na bukambibig nila? *pabulong na sabi*

Narrator: Namuo ang pagkaasiwa ni Joneira nang makilala niya ang heartthrob ng FFHNAS
campus na nagngangalang JK.
SCENE 2
Joneira Taylor Diaz. Isang babaeng namuhay nang may mataas na pangarap. Ang babaeng
walang ibang inisip kundi ang kanyang pag-aaral sapagkat nais nyang magkaroon ng mas
maayos na pamumuhay kasama ang kanyang nanay.
Jameson Kylo Gomez, o mas kilala bilang JK. Isang lalaking namuhay nang may mataas na
pagkakilanlan. Nagmula siya sa isang mayamang pamilya na siya ding nagmamay-ari ng
paaralang kanilang kinabibilangan.
Nang magtagpo ang landas ng dalawang taong mayroong magkaibang uri ng pamumuhay, ano
nga ba ang posibleng mangyari? O ano nga ba ang tunay na dahilan ng tadhana kung bakit
kailangan pa nilang makilala ang isa’t isa?
Pagkatapos ng pagtatagpong iyon ay hindi na muli nila pinansin ang isa’t isa at nagpatuloy sa
kanilang paglalakad patungo sa paroroonan.
Nang makita na ni JK ang dalawa niyang kaibigan na sina Mechi at Gab ay agad siyang
pinaulanan ng reklamo at mga tanong ng mga ito.

Mechi: Saan ka ba galling at napakatagal mong dumating? Binibilang mo pa ba ang bawat


hakbang mo sa paglalakad? Kanina ka pa naming hinahanap ah.
Gab: Oonga. Kung gusto mo palang ma-late edi sana sinabi mo agad para hindi na kami
naghintay sayo. Masyado mong sineseryoso pagiging perfect record mo sa pagiging late. Late
na nga palagi sa klase, late pa sa meet-up. Saan ka ba kasi galling pre?

Napabuntong hininga naman si JK at bakas ang inis sa mukha nito.


JK: hindi naman kasi ako ang may kasalanan. Nagmamadali na nga akong pumunta dito kaso
napagalitan ako ni Sir Adam at eto pa, meron pang babaeng bumangga sakin kanina habang
nagmamadali akong maglakad. Nakakairita yung mukha niya at nagagawa pang umirap at
bumulong.

Ang kaninang inis na mukha nina Mechi at Gab ay agad napalitan ng mapang-asar na hitsura
matapos ikuwento ni JK ang nangyari. Kumunot naman ang noo nito sa naging reaksyon ng mga
kaibigan.
JK: Anong mga mukha yan? Ang panget nyo naman.
Mechi: Oh come on, JK. Ang tanging dapat pag-usapan dito ay yung babaeng bumangga sayo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroon kang nakasalubong na babaeng hindi
nagkandabaliw baliw at nagtitili sa hallway matapos makita yang mukha mo.
Gab: Omsim. Sino ba yang babaeng yan at mailakad na agad kita. Malay mo, iyan na pala ang
katapat mo at ang true lab mo. *tumawa nang malakas*
Mechi: uyyy name reveal po idol.

Inirapan lamang sila ni JK at nagpasya na silang maglakad nang sabay-sabay patungo sa kanilang
pupuntahan.
SCENE 3
Sa kabilang banda, si Joneira naman ay nakauwi na sa kanilang munting tahanan. Hindi naman
ito kalakihan ngunit masaya naman silang namumuhay nang magkasama. Agad pumasok si
Joneira sa kanilang tahanan at agad na tinawag ang kanyang nanay.

Joneira: Ma, nandito na po ako.

Natagpuan naman ni Joneira ang kanyang nanay na nagtitiklop ng kanilang mga damit. Agad
siyang nagmano dito at nagpaalam panandalian upang magbihis ng damit pambahay.
Iyan si Ginang Ivone, ang nag-iisang nanay ng babaeng si Joneira. Isa itong palakaibigang tao at
talaga namang marami ang nagsasabing napakabuti ng kanyang puso. Ang tatay naman ni
Joneira na siyang asawa ni Ginang Ivone ay bigla na lamang naglaho na parang bula at tila
iniwan ang asawa matapos ipanganak ang dalaga.
Nang matapos magbihis ng dalaga ay nag-usap sila ng kanyang nanay patungkol sa naging araw
niya. Habang nagkukuwento si Joneira ay nakangiti lamang na nakikinig ang kanyang nanay.

Ginang Ivone: Oh? At ano naman ang ngalan ng lalaking iyan na siyang dahilan ng iyong
pagkainis?
Joneira: *napabuntong-hininga* JK raw po ang kanyang pangalan ayon po sa aking mga
kaibigan. Nung napagalitan po kami kanina ay tinawag naman syang Mr. Gomez ni Sir Adam na
sa tingin ko’y kanyang apelyido.

Napatango naman si Ginang Ivone at napangiti na lamang sa hindi malamang dahilan. Nang
matapos ang kanilang kwentuhan ay inutusan naman ni Ginang Ivone si Joneira na bumili sa
tindahan. Agad namang sumunod ang dalaga at pumunta sa isang tindahang malapit sa
basketball court ng kanilang lugar.
Habang siya ay bumibili, ay mayroong isang babae ang biglang sumulpot sa kanyang tabi at tila
may bibilhin din.

Mechi: Pabili nga po. Tatlong malamig na tubig nga po.


Aleng nagtitinda: naku wala kaming panukli sa 500 ineng
Mechi: ayos lang po, keep the change na lang po.

Nanatili namang tahimik si Joneira kahit ang totoo ay nais niyang matawa sapagkat agad nyang
napagtanto na mayaman ang babaeng bumili dahil sa laki ng pera nito. Nang matanggap na ni
Joneira ang kanyang binili at handa na sana syang umalis nang bigla naman syang may
mabanggang tao dahilan para mahulog ang kanyang mga dala.

JK: Ano ba yan, Mechi. Tatlong tubig lang bibilhin mo, napakatagal mo pa, isang gallon ba binili
mo?
SCENE 4
Habang pinupulot ni Joneira ang mga nahulog ay napakunot ang kanyang noo nang marinig nya
ang isang pamilyar na boses. Pag-angat nya ng kanyang tingin ay agad niyang nakita ang mukha
ng taong dahilan ng pagkasira ng kanyang araw noong uwian na. Sakto namang napatingin din
sa kanya si JK at sabay nilang sabi..

“Ikaw na naman?!”

Bumalot ang pagkainis sa dalawang panig at biglang tumaas ang pagkulo ng dugo sa segundong
nagkatagpo ang kanilang mga mata.

JK: *iiwas ng tingin* Una na ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang napatakbo si JK papunta sa kanilang sasakyan


sapagkat hindi na niya alam ang kanyang gagawin.

Gab: Wow, hindi na si JK ‘to pre *tatawa*


Mechi: Hala, teka! Ikaw ba yung babaeng nakabangga ni JK kanina sa hallway? Ganda mo
naman po, ano po bang pangalan nyo?
Joneira: *iniwan ang dalawang magkaibigan nang walang anumang sinabi* *naglakad pauwi,
nakasimangot*
Gab and Mechi: *hinahanap si JK*
Gab: Nasan na si JK?
Mechi: uhm- ano bang iniisip non at bigla na lang tayong iniwan? Dala-dala ko pa tong pinabili
nya!

(Sa bahay ni JK)


JK: *umuwing padabog at pumasok patungo sa loob ng kanilang bahay nang hindi man lang
nagtatanggal ng kanyang sapatos*
Ysabella: *kunot ang noo* JK, sapatos mo.
JK: *hindi pinansin ang sinabi ng nanay at paspasang umupo sa couch*

Narrator: Nagkaroon ng malaking pangamba ang magulang ni JK na si Ysabella at Dustine nang


mapansin nila ang kasungitan ng anak.

Dustine: Mahal, hindi kaya kailangan nating kausapin si JK? Mukhang nabubusy na talaga tayo
sa trabaho at hindi na natin siya masyadong napapansin.
Ysabella: Oonga mahal, sa totoo lang, kanina ay muntik ko na syang masigawan sapagkat hindi
man lang nya ako tinignan at pinansin.
Dustine: *pats Ysabella*
SCENE 5
Sa kabilang banda naman ay pupunta ang magkakaibigang Irish, Niña at Ella sa bahay ng
kanilang kaibigang si Joneira upang doon magpalipas ng gabi.

Ella: Uyyy overnight tayooo sa wakas


Niña: yes naman, marami akong chika tungkol kay JK
Irish: spill the tea, anteee
Joneira: Oh, nakita ko na naman kayo. Pasok na, naghanda si Mama ng banana cake para sa
inyo
Irish, Niña at Ella: Mahal ka namin Tita Ivone! *nag-heart sa kamay*

Pagkaupo ng magkakaibigan ay agad nagkuwento si Niña patungkol kay JK

Niña: Beshies, alam nyo ba, doon pala naglalaro ng basketball sina JK, dito mismo sa barangay
natiiiinn
Irish: Talaga ba? Hindi na ako makapaghintay na maglaro sya ulit!
Ella: Magdadala na ba ako ng pom-poms para i-cheer siya?
Joneira: Sa totoo lang, nakita ko sya kahapon sa tindahan, parang yung mga nakuwento nyo sa
akin nung nakaraan na mabait at gentleman ay hindi naman totoo. Iniwan ba naman nya bigla
mga kaibigan nya doon sa tindahan. Di ko kinaya mga teh.

Nagpatuloy ang usapan ng magkakaibigan buong magdamag. Papasok na naman ang araw ng
pasukan. Kailan kaya darating ang tadhana na puno ng mahika? Ang dalawang panig nga ba ay
magkakaroon ng tiyansang mag-isa? Lunes. Panibagong linggo, panibagong kwento.

Sir Adam: okay class, pakibuksan ang inyong mga libro sa pahina 89

Napansin naman ni Sir Adam na mali ang binuksang pahina ni Joneira sa kanyang libro kaya
sinita niya ito.

Sir Adam: Bakit nasa pahina 171 ang libro mo Ms. Diaz?
Joneira: pasensya na po Sir, nagkamali lang po

Labis ang kahihiyan ni Joneira sa pagsita ng kanilang guro at tila ba labis ang lalim ng kanyang
iniisip kaya’t makikita rin ang labis na pag-aalala sa mga mata ng kanyang mga kaibigan

Irish: Teh, ayos ka lang ba?


Joneira: Hindi ko rin alam..
SCENE 6
Narrator: Maraming agam-agam ang nabuo sa puso ni Joneira, apuhap ang sagot sa mga
katanungan tungkol sa lalaking si JK. Totoo nga kaya ang naiisip niyang masama ang pag-uugali
ni JK? Ano nga ba talaga ang mayroon kay JK? O sino ba talaga sya?

Joneira: *hingang malalim* hays, hindi ko na talaga alam

(Sa tindahan ni Aling Nena)


Ang magkakaibigang sina JK, Gab at Mechi ay nag-uusap usap rin tungkol sa kanilang buhay.

JK: *habang kumakain ng tinapay* Sa totoo lang, medyo naguguluhan na rin ako sa daloy ng
buhay ko mga pre. Parang may kulang sa puso ko na kailangan lagyan ng laman.
Gab: Ayos lang yan pre, wag kang mag-alala nandito lang naman kami sa tabi mo, kain lang tayo
ng tinapay
Mechi: Tama! Ako ang laging tagabili ng tinapay ni Aling Nena kaya wag ka nang magdrama
riyan at di bagay sayo
JK: *napangiti*

Paparating rin si Joneira sa Lovi’s Bakeshop ni Aling Nena upang bumili ng butter na gagamitin
ng kanyang nanay. Napansin nya ang tatlong magkakaibigan ngunit hindi na nya ito
pinagtuunan ng buong pansin at nagpatuloy sa kanyang pagbili.

Joneira: Aling Nena, pabili nga po ng butter. Salamat po.

Aling Nena: Sige lang ineng..

Muling lumibot ang mga mata ni Joneira hanggang sa mayroon syang makitang pamilyar na
mukhang nakatulala lamang sa kawalan. Agad naman syang napaiwas ng tingin nang mapunta
rin sa kanya ang tingin ng lalaki. Ang hindi malamang bilis ng tibok ng kanyang puso ay bigla na
lamang nangyari.

Joneira: kalmahan mo Joneira. Hindi Pwede

Bigla namang may tumapik sa kanyang balikat na syang dahilan ng kanyang pagkagulat. Nang
lumingon sya sa kanyang likuran ay bumungad sa kanya ang mukha ng taong nasa isip nya
ngayon. Tinaas naman ni JK ang dalawa nyang kilay na tila nagtataka sa biglang pagtulala ni
Joneira.

JK: Oh? Anyare sayo? Alam kong gwapo ako pero hindi mo naman ako kailangan sundan
hanggang ditto

Agad namang napalitan ng pagkainis ang reaksyon ni Joneira dahil hindi nya nagustuhan ang
sinabi ng lalaki.
SCENE 7
Joneira: pinagsasabi mo? Para sabihin ko sayo, malapit lang dito ang bahay namin kaya
talagang pupunta ako rito. Pangalawa, hindi ka gwapo. Pangatlo, baka ikaw ang sumusunod
sakin dito. Una sa tindahan tapos dito naman
JK: *sarkastikong tumawa* nagpapatawa ka ba? Bakit naman kita susundan e hindi naman kita
type?

Inirapan lamang ni Joneira si JK at kinuha na mula kay Aling Nena ang binili. Aalis na sana sya
nang bigla na naman syang hawakan ni JK sa kamay dahilan para matigil ang kanyang pag-alis.

JK: Alam mo bang wala pang babaeng naglakas-loob na talikuran ako?


Joneira: Nugagawen ko?

Sasagot pa sana ulit si JK nang sabay silang masilaw sa tila isang liwanag na nagmula sa kanilang
harapan. Nakita naman nila ang presensya ni Mechi na syang kumuha ng litrato nila habang
magkahawak ang kanilang kamay.

Mechi: Forda holding hands na pala ang mga ferson. Bakit hindi mo man lang kami sinabihan,
JK?

Agad namang hinatak ni Joneira ang kanyang kamay upang mabitawan ito ni JK saka
nagmadaling umalis sa kanilang harapan. Napabuntong-hininga na lamang si JK sapagkat unti-
unti na nyang napagtanto na may namumuo nang kakaibang damdamin sa kanyang puso
matapos nyang paulit-ulit na makita si Joneira. Patuloy naman ang ginawang pang-aasar sa
kanya ng dalawa nyang kaibigan.
Sa kabilang banda, si Joneira naman ay walang tigil ding tinukso ng kanyang mga kaibigan
tungkol sa ikinuwento nyang nangyari sa kanya.

Irish: Sis! Ikaw lang pala magpapalambot sa JK na yun!


Joneira: Che, tigilan nyo nga akoo
Ella: Grabe naman yon sis. Baka hindi ka na maligo nyan sa hawak ni JK, kinikilig na talaga ako sa
inyooo
Joneira: tigilan nyo nga ako
Niña: uy uy, alam naman naming kinilig ka din sa paghawak ni JK sayo. Pero aminiinnn, gusto
mo sya ‘no?
Irish, Niña at Ella: JonSon for the win!

Narrator: Patuloy ang tawanan at asaran ng magkakaibigan tungkol kay JK at kay Joneira. Bawat
segundo’y nag-aabang ang kanilang mga puso, nag-aabang kung saan na ba papatungo. Takot
ang dalawa na aminin ang nais banggitin ng kani-kanilang tuliro, takot na baka ang isa ay
mapahiya lang kung aamin ito.

You might also like