You are on page 1of 3

Erica, Ang Ikatlong Kwento Ang Maldiaga ay isang community ng mga taong nakalimutan na kung paano umibig.

Isang lugar na walang foreplay when they make love, they just do it. Pero with tenderness para lang magkaanak. Hindi naman sa walang emosyon ang mga tao sa Maldiaga. Hindi lang talaga sila romantic. Kapag hindi sinasadya ay nabanggit mo ang salotang love, titingnan kang parang weird ng mga kabarkada. Sa orphanage na nilakhan ni Erica, noong bata pa siya, may isang nerd na nagkwento sa kanyang nabasa na patungkol sa pag-ibig. Ngunit binully lang ito kaya nawalan na ng meaning sa kanya ang love except hatred. Dahil sa nangyaring ito ay mas nacurious si Erica tungkol sa isang matandang babaing laging pinagtsitsismisan sa Maldiaga. Ito lang daw ang tanging tagaroong nakalabas at nakapunta sa kabilang mundo. Nagbalik din daw ito ng Maldiaga pero bago namatay ay naghihingalong tumingin sa kung anuman sa malayo, itinaas ang mga kamay, at saka sinabing I love you . . . Dahil dito ay maraming tao ang mga nangalumata. Kailanman ay walang nakaalam kung kanino pinatungkol ng matandang babae ang kanyang mga huling salita. At iyon ang goal ni Erica, ang madiskubre ang misteryo ng matandang babae. Kaya isang gabi ay pumuslit siya sa lumang mansion ng matandang babae. Doon ay may nakita siyang DVD. Nakalagay sa ibabaw ng bala ang titulo Pag-ibig. Pinanood ni Erica ang DVD. Doon ay nagkekwento ang matandang babae sa harap ng camera. She never regretted daw to leave Maldiaga para pumunta sa kabilang mundo at matutong umibig. Sabi pa ay, Kakabog ang dibdib m. Kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot. Kapag naramdaman mo ang tatlong K habang kaharap ang isang lalaki, umiibig ka! Nagkwento ng nagkwento ang matandang babae ng tungkol sa pag-ibig. Hindi matahimik na naglalakad si Erica ng gabing iyon. Gusto niyang maranasan ang naranasan ng matandang babae. Gusto niyang iwan ang Maldiaga. Isang araw na sobrang desperado ay napadpad siya sa harap ng sapa sa dulo ng Maldiaga. Parang hinihigop ng sapa si Erica. Nilalabanan niya ito pero malakas ang paghigop ng sapa. Bago pa nakasigaw ay nilulon na siya ng sapa.Lumangoy siya ng lumangoy hanggang sa nakarating siya sa pampang. Naisip nito na baka iyon na ang kabilang mundo. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa isang flower shop na ang pangalan ay Love my Flowers. Doon ay nakilala niya si Mrs. Baylon. Sinabi ni Erica sa kanya ang pakay niya kaya siya nagpunta sa lugar na iyon. Gusto niyang matutong umibig. Si Mrs. Baylon ay isang byuda. May kaibigan din siyang kapareha niya, sina Elizabeth at Sari. Mabilis na nagkasundo ang dalawa. Nakilala niya din dito si Jake, ang anak na lalaki ni Mrs. Baylon. At sa lalaking ito gusto niyang matutong umibig. Kaya pinag-aralan niya kung paano ma-inlove kay Jake. Pero kahit ano pang gawin nito ay di pa rin siya pinapansin ni Jake. Unlike

Mrs. Baylon, Jake is promiscuous. Dahil merong isyu sina Mrs. Baylon at Jake na kung ano ang gusto ni Mrs. Baylon ay automatically na ayaw na ni Jake, isang araw ay pinalitan ng byuda ang kanyang stratehiya. Bilang boto siya kay Erica na makalutuyan ng anak niya, sinabihan ni Mrs. Baylon ang anak na wag ng ligawan si Erica. Halos mapatili si Erica sa tuwa noong minsang niyaya si ni Jake na mamasyal sa Maynila. Binigyan siya na babala ni Mrs. Baylon na huwag niyang isusuko ang Bataan dahil kabisado na niya ang ugali ng kanyang anak na inuuwi sa townhouse ang babae atsaka magkekwento ng kung anu-anong angst sa buhay na gawa-gawa niya lang para bumigay ang babae. Nang dalhin ni Jake sa Maynila si Erica ay may event sa Baywalk, ito ay ang Lovapalooza na sponsored ng isang produktong toothpaste. Doon ay madaming mga mag-partner ang nagsabaysabay na naghahalikan na kinainggitan naman ni Erica. Naawa si Jake kay Erica atsaka at that time lang niya naramdaman iyon sa isang babae. Kaya naman niyaya na lang siya ni Jake sa isang coffee shop sa Malate. Doon ay may nagti-taping ng teleserye. Kinuha silang ekstra ng baklang assistant director. Di nagtagal ay pinakiusapan na lang sila ng baklang assistant director na umalis sapagkat naaagawan niya ng eksena ang mga lead star. Kagaya ng sinabi ni Mrs. Baylon ay dumaan nga sa townhouse sina Jake at Erica. Nagkwento si Erica ng tungkol sa Jake. Nangyari din ang pag-kekwento ni Jake ng mga gawa-gawang kwento niya kay Erica. Pero hindi niya ito maituloy. Kaya naman sinabi niyang imbento niya lang ang kwento nito tungkol sa kanyang Daddy at niyaya si Erica na ihatid na niya. Nainlove na siya kay Erica. Kaya mula noon, bago pa man maisip kung ano ang gusto ni Erica ay ibinibigay niya agad. Naisip ni Erica kung pag-ibig na nga ba ito. Para kay Jake siguroy oo, pero para kay Erica ay hindi. Wala pa rin siyang maramdaman kapag sinasabi na ni Jake sa kanya na mahal siya nito. Isang gabi sa townhouse ni Jake ay finally nag-make love sila. Di nagtagal ay nagsimula ng makaramdam si Erica ng mahinang indayog sa kanyang katawan. Napaisip si Erica kung yun na nga ba ang tatlong K. Napangiti na sana siya sa kasiyahan pero di din nagtagal ay nagbagsakan ang mga gamit. Lumilindol ng mga panahong iyon. Sa bahay naman nila Elizabeth ay nagagawan ng mga natapong abo ang tatlong biyuda. Matapos ang malungkot na insidente ng lindol ay nanaginip si Erica. Napanaginipan niyang nakabalik na ulit siya sa Maldiaga. Dahil dito ay she decided to be honest with Jake. Isang araw ay sinabi niya na wala pa rin siyang nararamdaman para dito at sinabi ding ganoon talaga silang mga taga-Maldiaga kahit na gusto niya ng ma-inove. Natawa si Jake. All this time ang akala niyay gawa-gawa lang ni Erica ang Maldiaga dahil nahihiya siya sa pinanggalingan niya. Niyakap ni Jake si Erica at sinabing Erica belongs to him. Napaiyak si Erica. Pinangakuan niya si Jake na matututo din itong magmahal. Para tulungan si Erica na matutong mainlove si Erica ay kung anu-ano ang ginawa ni Mrs. Baylon na paraan. Nang matunugan ni Mrs. Baylon na wala pa ring epekto ang lahat ay inudyakan na niya si Jake na magpropose na siya kay Erica sa darating na birthday party ni Jake.

Kinonsensiya ni Mrs. Baylon si Erica. At walang nagawa si Erica kundi ang tumango lamang. Sa mismong event ng birthday ni Jake nandun ang mga daging ex ni Jake. Nagpropose na nga si Jake kay Erica. Pero sa kasamaang palad ay hindi tinanggap ni Erica ang proposal ni Jake. Saka umalis. Pumunta siyang Baywalk. Kinausap niya ang dagat doon at sinabing ibalik na siya sa Maldiaga. Naglakad-lakad siya hanggang sa nakita niya ang assistant director sa taping noon. Walter ang pangalan daw nito pero Mary ang tawag sa kanya. Kinwento din sa kanya ni Erica ang tungkol sa Maldiaga. Dahil dito ay na-cheer up niya sa Mary Walter. Isang taon mula noon, nagging Host si Erica ng isang programa na nag-aadvise sa mga umiibig. Paborito din siyang endorser. Pero, pagkatapos ng lahat, kapag gabi bago siya matulog ay may lungkot pa din siyang nadarama. Isang araw sa kanyang dressing room ay sinabi sa kanya ni Mary na may naghahanap sa kanya. Si Mrs. Baylon iyon pero mas maiksi na ngayon ang buhok. Sumakay sila sa kotse ni Mrs. Baylon at doon ay naramdaman pa din ni Erica ang pagiging warmth ng balo. Kinamusta niya si Jake dito pero hindi sumagot si Mrs. Baylon but instead hinagod na lang siya sa likod niya. Gabi na ng nakarating sila sa beach resort. Tumakbo sila papunta sa malaking bahay. At doon ay nakita niya ulit si Jake. Nakita niya ito sa kwarto, parang estatwang nakaupo lang sa may bintana. Kinwento ni Mrs. Baylon kay Erica kung anong nangyari kay Jake. Nang gabing tinanggihan niya ang proposal ay hinanap ng hinanap daw siya ni Jake. Nagtanong tanong daw ito kung nasaan ang Maldiaga sapagkat siya ay nagbabakasaling nasa Maldiaga na si Erica. Isang araw daw noon ay kinwento niya kay Jake ang unang pagkikita nila ni Erica. Mula noon, lagi na daw lumulusong sa dagat si Jake. Drive daw ng drive. At tuwina ay bumabalik daw na bigo. Pero di pa din daw ito tumigil. Hanggang isang araw ay natagpuan na lang daw siyang palutang-lutang sa dagat, walang malay. Sabin g doktor, ay baka daw naaksidente at naapektuhan ang spinal cord kaya nagkaganyan na daw siya ngayon. Umiyak na humingi ng tawad si Erica kay Jake. Ginive-up ni Erica ang kanyang trabaho at ibinuhos lahat ng oras kay Jake. Minsan ay awang-awa na sa kaniya si Mrs. Baylon. Sinabihan siyang iwan na sila at maghahire na lang ito ng nurse pero umiling lang si Erica at saka sinabing kulang pa. Nagpatuloy ang pagsisilbi ni Erika kay Jake. Alam ni Erica na pinagkukuwentuhan siya ng mga taumbayan pero wala siyan pakialam lalo na ngayon na natuto na siyang umibig. Isang hapon pagkagaling sa dalampasigan ay nagmake-love sila. Dahil doon ay biglang nabuhay si Jake. Nagyayakapan sila ng bigla silang naglelevitate hanggang sa umabot sa may kisame. Saka sila bumagsak. Sumigaw si Erica na nakatingin sa itaas at sinabing make it last.

You might also like