You are on page 1of 2

ARGUMENTO

• Palaging nag aaway ang aking dalawang matalik na kaibigan dahil sa isang laro na Mobile
Legends. Si Renz ay ang palaging nag bubuhat sa aking kaibigan na si Reden, sapagkat s'ya ay
mahina, palagi silang nag tatalo pag sila ay nag lalaro dahil sa kahinaan sa pag lalaro ni Reden,
minsan ay namumura na nito si Reden.

DESKRIPTIB

• Pagsanjan Falls ay matatagpuan sa lalawigan ng Laguna, ang talon ay isa sa mga pangunahing
atraksyong panturista ng rehiyon. Ang tatlong-patak na talon ay naaabot sa pamamagitan ng
isang river trip sa dugout canoe, na kilala sa lugar na "Shooting the Rapids", na nagmula sa
munisipalidad ng Pagsanjan.

PERSUWEYSIB

OREO UBE MACCHIATO

• Ang OREO UBE MACCHIATO ay isang milkshake na abot kaya, hindi masakit sa bulsa, at
paniguradong uulit pa. Kaya ano pang hinihintay mo? Bili na.
NARATIB

• Sa isang sulok ng isang silid matatagpuan ang binatang si Jake. Hawak niya ang kanyang
telepono upang bisitahin ang kanyang social media asscount. Ang lahat ng kanyang nakikita sa
kanyang social media account ay masasayang kaganapan na taliwas sa kanyang nararamdaman.
Si Jake ay nag-iisa na lamang sa buhay ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang
aksidente. Siya ay nahirapan ng sobra sa pag aadjust. Na dumating sa punto na pakiramdaman
niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Simula ng mawala ang kaniyang magulang ay tila
sunod-sunod na ang mga malulungkot na pangyayri sa kaniyang buhay. Kawalan ng totoong
kaibigan, break ups, bagsak na mga grado hanggang sa mawalan na ng gana si Jake na
mabuhay. Subalit kahit na ganun, lubos ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang tita at sa pamilya
nito na tinulungan siya sa kanyang pinakamababang panahon sa buhay.

Tumayo si Jake sa kanyang kinauupuan at binitawan niya ang kanyang telepono. Napagisip-isip
ng binata na kailangan niya ng kalimutan ang masalimuot na mga pangyayai sa kaniyang buhay.
Pumunta siya sa kaniyang maliit na kusina upang kumuha ng tubig. Pagkatapos ni Jake na
inumin ang tubig ay sinimulan niya ng maghanda para sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Hindi
makapaniwala ang kaniyang mga katrabaho sa pinapakitang aksyon ng binata. Positibong
hangin ang bumabalot kay Jake na hindi nakaligtaang pansinin ng mga tao sa paligid.

Pagkatapos ng kaniyang trabaho si Jake ay naglakad pauwi tungo sa kaniyang tinitirhan ng


makasalubong niya ang dating kaklase na si Carla. Sila ay nagkamustahan at nag-usap ng mga
dating pangyayari noong high school pa sila. Pagkatapos ng pagkikita ng dating magkaklase ay
naghiwalay na sila sa isang kanto. Nagpatuloy na si Jake sa paglalakad pauwi. At habang siya ay
naglalakad hindi niya napansin na mandurukot na minamanmanan siya. Inatake ng mandurukot
si Jake. Kinuha ang kaniyang telepono pati na rin ang wallet niya, subalit nanlaban ang binata na
nagdulot ng pagkakasaksak niya sa tagiliran. Kumaripas ng takbo ang mandurukot kasabay ng
kaniyang telepono at wallet. Napahandusay sa semento si Jake at mga maliit na daing ang
maririnig mula sa kaniyang bibig. Bago bawian ng ulirat si Jake ay may narinig siyang isang boses
na isinisigaw ang kaniyang pangalan. Mabuti na lamang at hinabol ni Carla si Jake upang kunin
sana ang kaniyang numero. At dahil dito nakita niya si Jake na nakahandusay. Dali daling
tumawag ng saklolon ang dalaga at agad ring nadala si Jake sa ospital.

Lubos ang pasasalamat ni Carla ng sabihin ng doktor na maayos na ang kalagayan ng binata at
walang organ ang natamaan. Hinintay ng dalag ang pag gising ni Jake at napagdesisiyonan na
ipagtapat ang kaniyang matagal na nararamdaman sa binata. Pagkamulat ng mata ni Jake ay
agad na lumapit si Carla at yinakap ito. Pinagtapat niya rin ang kaniyang nararamdamn na
sinuklian rin ng binata.

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay naging magkasintahan ang dalawa. Kanilang kinalimutan ang
mga hindi magandang pangyayri sa kanilang buhay at pinagpatuloy ang lalakbayin ng sabay
tungo sa kaunlaran.

You might also like