You are on page 1of 4

ANG BISKLETA NI JAY

Si Jay ay isang mag aaral sa mababang paaralan ng Santo Juan at siya ay mahilig sa
bisikleta na nagdala sa kaniya sa tagumpay ng kaniyang pangarap. Tahimik lamang
siya at mapag-isa, walang masyadong kaibigan at nakapukos lamang ito sa kaniyang
pag-aaral. Nakahiligan ni Jay na mag bisikleta dahil noon bata pa siya ay tinuturuan
siya ng kaniyang ama na yumao na sa kadahilanang isang kompetesyon sa bisikleta.
Ang ina ni Jay ay isang Doctor at wala itong masyadong oras para sa kaniya. Isang gabi
ay nag aral si Jay para sa kanilang paparating na pagsusulit. Dumating ang ina nito at
agad itong tinanong “Jay? kamusta sa paaralan niyo? nangunguna ka pa ba? o gusto
mong itapon ko ang bisikleta mo?. hindi iyan nakakatulong sa pag-aaral mo”. Tahimik
lang si Jay dahil wala namang pababago as tuwing uuwi ang ina nito galing sa
trabaho,ni hindi nga ito kinamusta.

Maagang gumising si Jay para sa kanilang pagsusulit. Gumising siya na wala na ang
ina nito at hinulaan na lang nitong nasa trabaho na naman. Maaga nitong natapos ang
pasulit sa kanila kaya naman ay nauna na siyang umuwi sa iba pa niyang mga kaklase.
Agad nitong kinuha ang bisikleta at umalis na.

Habang nagbibisikleta ito ay nakita niya ang mga grupo ng kabataan na may mga
kaniya-kaniyang mga biskleta at dahan dahan itong papalapit sa mga grupo upang
saksihan ang kasiyahan doon. “ang ganda naman ng bisikleta mo, magaling ka ba
diyan?” tanong ng isa sa mga kabataan na nilapitan niya. Tahimik lang si Jay at patuloy
na nanonood sa mga naglalaro ng bisikleta. “siguro hindi ka marunong, hindi ka
magaling at hindi sa iyo ang bisikleta na iyan” sabi ng isa sa kasama. “siguro nakaw
iyan?” pasigaw na sabi ng isa sa kasamahan.

“hindi ako magnakakaw, ang bisikleta na ito ay sa akin at magaling ako” biglang
pagsalita ni Jay.

“pakitaan mo kami bago kami maniwalang magaling ka”.

Agad na naghanda si Jay at humarap sa mga tao. “kung tunay kang magaling ay
talunin mo ako, unahan tayong makarating sa tindahan na iyan” pagbanat naman ng
katunggali ni Jay.

Nag handa sila sa paligsahan, at hindi naman nabigo si Jay at nanalo ito. “talagang
magaling ka nga” paghanga ng katunggalian nito. Napansin ng isang manonood ang
kahanga-hangang si Jay at agad itong nilapitan. “bata, ang galing mo” pagbati nito.
“Salamat po” tanging sagot ni Jay.

“teka, pamilyar ang bisikleta mo, alam mo bang may kilala akong sikat na sumasali sa
kompetisyon sa pagbibisikleta?”

“talaga po?”

“alam mo? isa akong manedyer sa mga kompetisyon sa bisikleta, baka intersado ka at
maaari mo akong tawagan.” sabay bigay ng papel na may numero nito at umalis.

“Mr.Juanito Alfonso?” pagbasa ni Jay sa pangalang nasa papel.

Madilim ng nakauwi si Jay at hindi nito inasahan na maagang naka uwi ang ina nito at
agad naman siyang sinalubong ng sampal.

“gabi na at ngayon ka lang? gawain ba ng isang mabuting estudyante iyan? saan ka ba


nanggaling? huwag mong sabihin na naglalaro ka na naman ng bisikleta?” deretsong
tanong ng ina nito na nagagalit.

“nay? hindi po, napadaan lang po ako sa plasa at naaliw po ako sa mga tao doon”
depensa nito sa sarili.

“kumusta ang pasulit niyo? tama ba lahat ng naisagot mo? siguraduhin mo lang na
wala kang mali at baka mahulog ka sa unang listahan sa magagaling na estudyante”
sabi ng ina nito at umalis ng bahay.

Si Jay ay masunuring anak at kahit ayaw niya ang pinapagawa ng ina nito ay ginagawa
niya pa rin. Matutulog na sana si Jay nang may narinig siyang mga tao sa labas ng
tarangkahan ng bahay nila.

“akala naming tulog kana” sabi ng isa sa kasamahang nasa labas.

“teka, baka nagtataka ka na, ako nga pala si Yan, siya naman si Dom, Dominic”

“anong ginagawa niyo dito?”tanong ni Jay

“gusto ka sana naming maging kaibigan” sabi ni Dom

“gusto rin naming isali ka sa grupo namin sa bisikleta para makasali tayo sa
paligsahan” sabi ni Yan

“Hindi ako interesado d’yan” malamig na sagot ni Jay


“lamig mo naman” sabi ni Dom

“narinig namin yung kanina, pasensya at hindi naming iyon sinasadya”


pagpapaumanhin ni Yan

“sinusundan niyo ba ako?” tanong ni Jay

“pasensya na, kailangan kasi namin ng isang kasama sa grupo namin kasi umalis ang
isa naming kasama na nakalaro mo kanina dahil nahiya siyang natalo mo siya” sabi ni
Dom

“may kompetesyon kaming sasalihan at hindi kami matatanggap kung kulang kami ng
isa, nais sana naming ikaw muna pumalit, kinakailangan namin ng pera kasi
pagpapagamot ng Lola namin, magkapatid kami ni Dom at sa Lola kami lumaki, yong
nakalaban mo kanina si Vin ‘yon, pinsan namin, gusto niya sumali sa kompetesyon
para pag nanalo kami ay paghahatian namin kase bibili siya ng kompyuter”
pagpapaliwanag ni Yan.

Naawa si Jay dahil hindi nito naranasang naghirap sa pera dahil mayaman sila. Ito ang
unang pagkakataon na susuway si Jay sa ina nito. Dumating ang ilang linggo ay
naghanda sila para sa paligsahan. Lumalalim na rin ang pagsasamahan ng tatlo at
nagging malapit na magkaibigan ito. Sekrito ang pagkakaibigan nila dahil alam ni Jay
na magagalit ang ina nito sa kaniya.

Isang araw ay nalaman ng ina ni Jay na sinusuway ang mga utos nito kaya
napagpasyahan niyang hindi makakalabas ng bahay si Jay ng isang lingo. Nais na
inuunawa ni Jay ang nararamdaman ng ina dahil alam niyang natatakot lamang ang ina
na maaksidente siya sa pagbibisikleta kagaya nang nangyari sa ama niya na
naasksidente sa pagbibisikleta na siyang dahilan sa pagkawala nito. Nag aalala na ang
mga kaibigan ni Jay dahil akala nila ay hindi sila makakasali sa paligsahan na
gaganapin na sa sabado. Huwebes nang kinausap ni Jay ang ina nnito, pinaliwanag
niya lahat at nangako itong hindi pababayaan ang pag-aaral nito. Humingi ng tawad
ang ina ni Jay sa nagawa nito dahil natakot lamang sa posiblenng mangyari. Ngayon ay
naiintindihan nito na idolo ni Jay ang ama nito at namana niya nag galing ng ama nito
sa pagbibisikleta.

Araw ng paligsahan, isa sa kalaban nila si Vin na namumuno sa sarili ntong grupo.
Hindi sila pinansin hanggang sa pagsimula ng laro. Mainit ang laro sa manunood dahil
sa galing ni Jay sa pagbibisikleta. Nakita ni Jay na nanunood ang ina nito kaya masigla
itong bumisikleta, masaya si Jay sa paglalaro at nang matapos ang laro ay hindi nabigo
sila Jay dahil sila ang nanalo. Labis ang tuwa ng magkakaibigan at simula noon ay
sumusuporta na nag ina ni Jay, na isabay nito ang pasyon at pag-aaral. Laking tuwa at
pasasalamat ni Jay sa kaniyang bisikleta at sa yumaong ama dahil tinanaw niya itong
suwerte at gabay.

---------------------------wakas-------------------------

You might also like