You are on page 1of 3

Simula ng bata pa lang si Mary Ann kasama na niya palagi ang tatay, di niya nakilala ang kanyang ina

dahil pag ka panganak pa lang sa kaniya ay nag pantay na ang paa nito, niya kahit na sila ay isang kahig
isang tuka ay ginagawa ng kanyang tatay ang lahat ng makakaya bilang isang jeepney driver at pagsasaka
bilang side line upang kahit sa anak man niya lamang makita niya na may kinalabasan ng kanyang mga
pinag buhusan ng pawis at dugo.

Tuwing umaga palaging hinahatid ni Dalton si Mary Anne sa eskwelahan niya na may abot langit ang
ngiti.

Joey : Mag pakabait ka nak ah mamaya susunduin kita!

Jay Anne : Bye papa!

Pagkatapos niyang ihatid si Mary Anne sa eskwela nag uumpisa na siya mag maneho sa syudad. Tunay
na magaspang ang palad ni Dalton sa pagtatrabaho sapagkat doon siya kumakayod para sa anak niya at
sa sarili.

Khian : Oh anak gudlak mag aral ka ng mabuti ah!

Jay Anne : Kinakabahan ako papa

Joey : Anak wag kang kabahan mataba ang utak mo at matapang na rin kagaya ng mama mo, tandaan
mo nak mas makikilala mo ang sarili ngayong hayskul ka na.

Labis na lumiwanag ang puso ni Joey habang pinagmamasdan niya si Mary Anne na pumasok sa bago
niyang eskwelahan, pero sa totoo lang alam niyang mabibigat na pagsubok pa ang nag hihintay sakanya

Nadiskubre ni Mary Anne ang bagong mundo niya sa hayskul kung saan nakabuo siya ng mga bagong
kaibigan

Sarah : Ang angas angas naman ng phone mo Sam

Sam : Hay nako alam ko, binili ng mommy ko from Canada at bagong bago pa limited edition

Sarah : Grabe ka na talaga, pero btw plano na rin namin na pumunta ng Canada sa darating na bakasyon

Sam : Wala ka atang kibo ngayon Mary Anne?

Jay Anne : Ay ah nakikinig lang ako sainyo

Sarah : Hindi ba’t mag aapat na taon na yang phone mo? Bakit hindi ka pa bumili ng bago?

Jay Anne : Uhhh ayaw ko pa kasi palitan kasi espesyal parin naman ito sa akin pero bukas makikita niyo
bago na ito

Sam : Dapat lang na bumili ka na ng bago para pareparehas tayong mag kakaibigan
Khian : Oh kamusta ngayon anak?

Sarah : Papa lahat ng kaibigan ko may limited edition na selpon bilan mo na rin ako papa nang hindi ako
nang liliit sakanila sigina

Khian : Hindi ba’t masyado namang mahal yun? Sige bibilan kita pero yung mumurahin lang

Sarah : Eh gusto ko po yung limited edition gaya po nung ginagamit ni Sarah at ni Sam basta papa please
gusto ko po nun!

Isinanla ni Dalton ang kaniyang mga relo at alahas na matagal na niyang pag mamay ari sa kagustuhan
na bilin ang kagustuhan ni Mary Anne.

Both : wahh ang ganda ng phone mo Mary Anne

Sam : Teka sino ang naghahatid sayo araw araw Mary Anne?

Jay Anne : Siya yung ano, yung jeepney driver ko tara na nga!

Nagbago ang lahat nung araw na iyon sa narinig niya galing sa anak, nagmaneho si Joey na may mabigat
na pakiramdam sapagkat inaakala niya na Jeepney driver lamang siya para sa iba at hindi ama ni Mary
Anne. Madalas ang mga gabi na natutulog si Joey na walang laman ang tiyan sapagkat ang pera para sa
pagkain niya ay napupunta para sa mga kagustuhan ni Mary Anne.

Nakatungtong na si Mary Anne sa kolehiyo kung saan kinakailangan niya ng mga libro at allownace na
sasagutin muli ng kanyang ama.

Khian: Ale Ale mag kano ko po pwedeng isanla sa inyo to?

Junize: Ikaw nanaman? Ahh yan ba? pwede na yan sa limang libong piso.

Khian: ganon ba? Ala na bang mas tataas jan?

Junize: anim na libong piso hanggang jan na lang kung ayaw mo eh sa iba ka na pumunta.

Nag isip ng matagal si Dalton, hindi dahil sa halaga ng alahas kundi dahil sa gaano kahalaga ito sa kanya
ito ang ibinigay niyang regalo sa ina ni mary ann nung silay mag kasintahan pa lamang.

Inihanda na ni Dalton ang mga gamit ni Mary Anne sa unang araw para sa kolehiyo, kasama na rin doon
ang baon na may lutong pagmamahal ni Dalton bago pa nito ihatid ang anak.

Khian: Anak palagi mong tatandaan-

Jay Ann: Opo, itay Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.

Khian: Mabuti naman at natatandaan mo pa.


Jay Ann: Eh yan naman po kase palagi ang sinasabi niyo kapag ako’y de hatid de kalesa niyo para na nga
po kayong sirang plaka eh

Khian: ahh ikaw na bata ka ahh marunong ka na ng ganyan hayaan mo at di kita susunduin mamaya

Jay Ann: Tay naman po di kayo mabiro

Magsisimula na ang klase ngunit hindi mapakali si Mary Anne sa kakahalungat ng bag sa kadahilanang
hindi niya mahanap ang isang libro na gagamitin niya sa oras na iyon, agad nitong tinawagan ang ama
upang ibuhos ang galit sa pagkalimot na ilagay ang libro sa bag. Agad namang inihabol ni Dalton ang
libro habang nagpapatakbo ng napakabilis sa daan para lamang maihabol ito sa oras. Hindi namalayan
na may kasalubong na pala kaya’t iniliko niya ito nang may maraming puwersa at naibangga ang jeep sa
malapit na poste na ikinasira nito.

Sam : Mary Anne yung driver mo sa labas naaksidente!

Nakita ito ni Mary Anne at bilisang lumapit sa hirap na hirap na humingang ama habang hawak hawak
ang librong inihabol kay Mary Anne. Namuo ang mga luha at kalungkutan sa kanyang mga mata nang
makita iyon at agad na tinulungan ang sugat sugat na si Dalton.

Jay Anne : Pasensya na po papa hindi ko na pabibigatin pa ang kinalalagyan niyo

mahal ko po kayo papa patawarin niyo po ako napakasama kong anak.

Khian : Hindi ka lang naging mabuting anak sa akin, nag iisa ka lang para sa akin

At sa pagkakataong iyon hinarap niya ang mga kaibigan niya.

Jay Anne : Hindi ko siya driver, siya ang papa ko at pinagmamalaki ko siya.

(Moral story)

You might also like