You are on page 1of 3

Filipino Version: Ang Aking Mirasol

Isang araw may isang lalaki na naglalakad sa pasilyo ng


eskwelahan. Nagngangalan itong, Jett. Palagi siya na mag isa, at ang
mundo sa paligid nya ay tila madilim, isang walang katapusang
kalituhan ng kawalan ng pag asa at pagkabigo. Biglaang may
bumangga sa kanya. Isang magandang dilag na bumibighani sa
mata ng mga estudyante. Ang babaeng ito ay nagngangalang Aya,
isang labing walong taong gulang na babae na laging masigla,
kabaligtaran niya. Nanghingi ng paumanhin si Aya, at sila ay
dumiretso sa sarili nila na class

Kinabukasan, kumakain si Jett, at napansin ni Aya na lagi itong


magisa. Kaya naman, nilapitan niya ito. at tinanong kung may
kaibigan ba ito?, sinabi naman ni Jett na sanay na siyang mag isa at
di masyado lumalapit sa ibang estudyante, nabigla si Aya nang
masabi ni Jett iyon, kaya naman tinanong ni Aya kung pede siya
nalang ang maging kaibigan nito kahit siya ang pinaka popular na
estudyante na may madaming kaibigan at sobrang busy sa pag-
aaral. Walang sinagot si Jett sa kanyang tanong at biglang umalis
dahil may aasikasuhin daw ito, Sabi nalang ni Aya na magkita sila
sa garden ng eskwelahan, pagkatapos ng kanilang klase. Dumating
ang oras, at hinintay ni Aya na dumating si Jett, at sa katagal niya
na naghintay, hindi pa din nagpakita si Jett. Inisip ni Aya na baka
nakalimutan lang niya at nag decisyon si Aya na umuwi na lang. Sa
sumusunod na araw, hinanap ni Aya si Jett at hinarap niya ito. Nag
sorry si Jett at sinabi niya na may emergency at kinailangan niya
umuwi agad agad. Pero nakita ni Aya na parang intensyonal na
iniiwasan siya ni Jett. Patuloy niya parin siya kinakausap at
nilalapitan dahil gusto niya na paliwanagin ang buhay ni Jett at
tulugan siya. Bakit niya ako kinakausap? ginagawa niya ba to para
lang sa pakikiramay? Ito ang mga tanong na nasa isip ni Jett.
Habang lumilipas ang panahon, pinapatuloy na samahan ni Aya si
Jett, at onti onti ay lumalapit sila sa isa’t isa. Nagsisimula na mag
open up si Jett kay Aya tungkol sa mga kalungkutan at trauma
niya. Isang araw biglang tinanong ni Aya kung gusto nito lumabas
at pumunta sa mall sa Sabado, tinanong naman ni Jett kung isang
date ba daw ito? Sabi naman ni Aya, wala lang daw kasi iniisip niya
na hindi ito lumalabas ng bahay kapag katapusan ng linggo, Natawa
si jett at pumayag naman ito. Magkalipas ng ilang araw, Sabado na
at nagkita sila sa mall. Nagtanong si Jett kung saan sila pupunta,
sabi naman ni Aya, kakain muna sila ng hapunan, pumayag si Jett
dahil nagugutom rin siya, Kumain sila sa Jollibee, dahil doon Bida
ang saya, kumain at nag kwentuhan silang hanggang sa nagconfess
si Jett kay Aya, sinabi na mahal niya si Aya at gusto siyang
makasama habang buhay, pero iba ang reaksyon ni Aya, tumayo ito
bigla at bumilis ang pagalis niya sa jolibee, hindi na siya nag paalam
kay jett, bastang tumakbo ng mabilis at iniwan si Jett. Dalawang
Araw na nakalipas at Lunes na, hindi nakita ni Jett si Aya sa
eskwelahan, Kaya naman nagtanong si Jett sa mga kaklase ni Aya
kung ano nangyari sa kanya subalit sinagot ng mga kaklase niya na
wala silang kilala na kaklase na ang pangalan ay Aya, Hindi naman
naniwala si Jett sa sinabi ng mga kaklase ni Aya, kaya hinanap ni
Jett si Aya kung saan ito nakatira, subalit mabigo ang plano niya
dahil sinabi ng mga nakatira sa barangay ni Aya ay hindi nila ito
kilala at walang babaeng Aya nakatira sa barangay na ito. Hindi pa
rin naniniwala si Jett na guni-guni niya ito kaya bumalik siya sa
jolibe kung saan sila kumain at tinanong kung nakita nila si Aya,
subalit di alam ng kahera kung sino siya, Nalulungkot at nawawalan
ng pagasa si Jett, nang makauwi si Jett, naiisip na niyang
magpakamatay dahil nawal ang kaniyang minamahal sa buhay at
wala na daw siya magagawa para sa mundong ito, Sapagkat may
isang boses na bumulong sa kanya, nang tumalikod si Jett, Nakita
niya si Aya, pero Sinabi ni Aya na imahinasyon niya lang ito at di
daw siya totoo, pero madaming tanong si jett sa kanya, bat pa daw
niya ginulo ang buhay nito, at bat siya pa ang pinilit, Ang sagot
naman ni Aya ay, walang nilalang sa mundo na ito ay nararapat na
maging isa sa buhay, dahil sa kinabukasan darating iyon para sayo,
pero hindi ako iyon, sagot niya, kailangan daw niya maniwala at
maghintay ito para siya dumating, bago siya mag paalam kay Jett,
tinanong ni Jett kung minahal ba siya ni Aya, Sinagot ni Aya oo, at
di daw niya makakalimutan ang kanilang maliligayang araw
magkasama sa mga pinagdadaanan niya at sabi rin niya na
babantayin kita at gagabayin kita arw-araw, pagkatapos sabihin ni
Aya iyon, bigla nalang siya nawala sa paningin ni Jett, Umiyak ng
malala si Jett at hindi niya makakalimutan kung paano nabago ang
kanyang paningin sa buhay
Magkalipas ang isang Taon, Bagong taon, Bagong buhay, Madaling
Araw na at nasa klase na si jett na habang naghihintay ng guro may
isang magandang dilag na pumasok sa silid-aralan, Tinanong ng
babae kung ano ang pangalan niya dahil wala pa siyang nakikilala
at pakiramdam ng babae na nagkita sila dati, hindi makasagot si
jett at itoy ngumiti nalang. At dyan nagtatapos ang Kwento

You might also like