You are on page 1of 2

Tibok – Tibok

May isang dalagang nagngangalang Milagrosa Jane Asturia o mas kilala sa palayaw na
MJ. Isa siyang simpleng babae na nangangarap na maging isang doktor kaya naman kumuha sya
ng kursong narsing bilang hakbang patungo sa kanyang pangarap. Ang kaniyang ama na si
Danilo ay dating OFW ngunit siya ay nagkaroon ng malalang tuberculosis kaya naman
kinailangan niyang umuwi ng Pilipinas. Siya na lamang ang nagiisang katuwang sa buhay ni MJ
dahil maagang namatay ang kaniyang ina sa panganganak. Siya ang nagsisilbing inspirasyon ni
MJ sa buhay lalo na sa pag-aaral dahil nais niyang magamot ang kaniyang ama.

Isang araw, nakatanggap si MJ ng tawag kung saan nakarinig siya ng balitang lubusan
niyang ikinalungkot. Hindi niya naipasa ang scholarship exam. Nadurog ang kaniyang puso at
napanghinaan na ng loob. Hindi niya sukat akalain na babagsak siya dahil pinaghandaan niya ito
nang mabuti. Nakita siya ng kaniyang ama habang umiiyak kaya naman dinamayan siya nito.
“Anak, huwag kang sumuko. Naniniwala ako sa iyo. Lumaban ka lang.” Ang mga salita ng
kaniyang ama ay sapat na upang siya ay mabuhayan muli ng loob. Sumubok muli at naghanap
ng ibang scholarship. Nagtugpay siya sa paghahanap at ito na lamang ang nag-iisang paraan.

Ilang araw ang nakalipas, pumunta ang kaniyang matalik na kaibigan na si Sarah sa
kanilang bahay upang imbitahin siyang mag-aral sa Café 24/7, isang coffee shop na malapit sa
kanilang tahanan. Dali-dali naman niyang inihanda ang kaniyang mga libro at iba pang gamit
upang samahan si Sarah. Nagpaalam siya sa kaniyang ama at umalis. Sinimulan na nila ang pag-
aaral hanggang sa unti-unti nang umaalis ang mga tao. Kinailangan na rin umalis ni Sarah at
nagpaiwan naman si MJ. Hindi niya namalayan na siya na lamang pala ang natira doon. Bibit ang
isang tasa ng kape, mayroong isang matandang babae ang lumapit sa kaniya na kaniya namang
ikinagulat. Nakipagkwentuhan siya sandali at inabot ang bibit na kape. “O siya sige, Iha. Libre ko
na ‘yan sa iyo, future doktora.” Napangiti naman siya at tila ba nabawasan ang kaniyang pagod.

Kinaumagahan, habang siya ay nasa biyahe pauwi ay nakaramdam siya nang mabilis na
pagtibok ng puso ngunit hindi niya na ito inisip dahil nagmamadali na siya. Pagkarating niya ng
bahay ay dali-dali siyang gumayak. Dumating na ang araw na kaniyang pinaghahandaan.
Habang siya ay nageexam, ramdam na ramdam niya pa rin ang kaniyang tibok ng puso.
Pagkatapos ng exam ay nilapitan na siya ni Sarah. Masakit ang kaniyang ulo at duda niya na
dahil lamang iyon sa puyat. “Yung heartbeat ko nga rin, sis kanina pa mabilis. Baka dahil lang
talaga ‘to sa kape pero pakiramdaman mo.” Kaya naman inilapat niya sa kaniyang bandang
dibdib ang kamay ni Sarah. Habang nakapila sila sa Jollibee ay nabanggit ni Sarah na biglang
nawala ang sakit ng kaniyang ulo at bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso ni MJ. Habang
sila ay nasa daan pauwi ay muli na naman naramdaman ni MJ ang mabilis na pagtibok ng
kaniyang puso. Pagkababa, nakita nila ang isang batang lalake na umiiyak at inuubo. Nilapitan
nila ito upang kumustahin at mapatahan. “Salamat po, Ate. Napakabuti po ng inyong puso.” At
inilapat ang kaniyang kamay sa bandang dibdib ni MJ. Bumalik na muli sa normal ang tibok ng
kaniyang puso. Pagdating ni MJ sa bahay ay umidlip. Nagising siya sa isang tawag. Naipasa niya
ang scholarship exam. Habang siya’y papunta sa kuwarto ng kaniyang ama, nagtataka siya kung
bakit bumibilis na naman ang tibok ng kaniyang puso. Ibinahagi niya ang mabuting balita sa
kaniyang ama. “Nagbunga ang iyong sipag, anak. Proud ako sa iyo, aking doktora.” Umubo si
Danilo nang tuloy tuloy at siya namang ikinabalisa ni MJ. Hinawakan niya nang mahigpit ang
kamay ng kaniyang Ama at inilapit ito sa kaniyang dibdib habang nagpipigil ng mga luha. Tumigil
sa pagubo si Danilo at nakahinga nang maluwag. Sa kabila ng pagpapasalamat ni MJ ay ang
kaniyang pagtataka kung paanong bumuti ang kalagayan ng mga tao sa paligid nya. Tila ba isang
misteryo o milagro ang mga nangyayari.

Sa labis na pagkabagabag ng kaniyang loob ay bumalik siya kinabukasan sa Café 24/7.


Hinanap niya ang matanda ngunit wala siya roon.Tinanong niya ang isang lalake na si Marco,
apo ng matandang babae.Si MJ pala ang hinahanap na dalaga.Ang matandang babae ay
nanghihina at nagpapalakas sa kanilang bahay. Nagpuntaa sila doon.Nilapitan niya ang matanda
at ikinuwento ang mga hiwaga na kaniyang pinagdaanan mula nang inumin niya ang kapeng
ibinigay ng matanda.“Agad kong nakita sa iyo ang busilak na puso at kalooban.Isa kang
mabuting anak sa iyong ama kaya ikaw ang napili kong bigyan ng kapangyarihan.”Nagulat si MJ
sa kaniyang nalaman at naiyak sa tuwa.Kaya naman upang gumaling na rin ang matanda,
hinawakan niya nang mahigpit ang kaniyang kamay at inilapat sa kaniyang dibdib. Bumangon
ang matanda at niyakap siya nang mahigpit.Wakas.

You might also like