You are on page 1of 6

KUYA Von Ryan Mosquite

Kuya?

Ibinaling ni kuya sa akin ang kanyang atensyon mula sa ginagawa niyang project.

Bakit? nakangiting tanong niya. Mga nigiting lagi kong nakikita sa kanyang mukha.

Bobo ba ako? mahinang tanong ko. Lagi kasi akong bagsak. Di tulad ni kuya na palaging one point something ang marka. Ako, laging flat five.

Tumawa si kuya sa tanong ko.

Kuya naman

Hindi ka bobo Matt, hinawakan niya ako sa aking mga balikat. wala namang bobo sa mundo eh. Tinamad lang kayo. Ngumiti si kuya. Mga ngiting laging nagbibigay sa akin ng pag-asa.

Matt? bumalik ang aking ulirat sa kasalukuyan sa boses ng aking nobya. Okay ka lang?

Okay lang ako. Naisip ko lang ang aking kuya sagot ko sa aking nobya na katabi ko sa isang taxi. Patungo kami sa aking kuya upang icelebrate ang kaarawan nito.

Ah.. humawak sa aking braso si Jen at sumandal sa akin. Kuwentuhan mo na nga lang ako tungkol sa kanya. Proud ka naman dun diba. Diba sabi mo last kaarawan niya mo siya huling nakikita. Miss mo na siguro iyon. Sige na. Kuwentuhan mo na ako.

Napabuntong hininga ako sa pangungulit ng aking nobya.

Okay, magkukuwento na ako. Medyo malayo pa naman ang byahe para di naman tayo ma-bored

Yehey!!!

Si kuya ay isang Electrical Engineering student katulad ko. Matalino siya at isang nerd. Isa

Sandali lang.. sinapawan ako bigla ni Jen. Nakuwento mo na iyan nuon eh. Yung lovelife naman niya ang ikuwento mo. Anong trabaho niya ngayon, may asawa na ba siya etc. Napayuko ako. Bumalik sa aking isipan ang mga pangyayaring nagpabago sa aking kuya. Mga pangyayaring nagtanggal sa mga ngiti ni kuya.

Matt? nagulat si Jen nang bigla akong natahimik.

Oh.. okay, ikukuwento ko sayo ang lovelife niya.

Thanks beh, mwah

Tulad ng nasabi ko. Si kuya ay isang nerd. Libro ang lagi niyang kasama at pag-aaral ang laging inaatupag. Tambayan niya ang university library. Isa siyang genius. Maraming mga babae ang nagkagusto sa kanya dahil sa talino niya ngunit hindi siya interasado sa kanila. Ika nga ni kuya Woman is behind in every mans downfall

Di kaya, sambat ni Jen. Napatawa lang ako.

Kahit ayaw niya sa babae ay dumating pa rin ang araw na nakilala niya ang dalagang magpapatibok ng kanyang puso.

Talaga?? tumango ako sa tanong niya.

Nasa ikatlong taon siya nuon nang makilala niya si Jen.

Jen? Kapangalan ko pa ha. itinakda talaga kayo ng kuya mo na Jen ang pangalan ng magiging nobya niyo. What a coincidence.

Tumawa ako. Naniniwala ka sa tadhana? tanong ko.

Oo naman. Hmpf. Patuloy mo na nga ang kuwento mo.

Okay. Si Jen ay isang simpleng babaeng tinaguriang Double Kill sa unibersidad naming.

Double Kill? Diba sa DOTA iyon? pagtataka niya.

Oo. Sa DOTA nga iyon. Tinagurian siyang Double Kill dahil laging dalawa ang bagsak niya every sem. Napatawa si Jen.

Naging kaklase ni kuya si Jen at nagtaka siya kung bakit ito palaging bagsak. Tinanong niya ito at napag-alaman niyang hindi pala talaga bobo si Jen. Dahil sa mga family problems ay hindi makapagaral ng mabuti si Jen at palaging absent. Kaya lage siyang bagsak.

How sad lumungkot ang mukha ng aking nobya.

Naawa si kuya at tinulungan niya ito. Mula nun ay lagi na silang magkasama. Magkasama sila parating nag-aaral. Lagi silang masaya sa piling ng isat-isa. Kasabay ng pagbuti ng mga marka ni Jen ay ang pagkahulog ng loob nila sa isat-isa. Naging magkasintahan sila. Opposites really do attract wika pa ni kuya sa akin.

How sweet, kinilig si Jen sa aking kuwento.

Tumingin ako sa labas at aking nakita ang malawak na karagatan na animoy sumasabay sa amin.

Tulad ng isang love story sa isang pelikula ay sinubok ng tadhana ang pag-iibigan nila. Isang gabi, nag-usap si kuya at ang kanyang nobya. Ipinaalam ni Jen kay kuya na titigil na ito sa pag-aaral. Di na daw kayang tustusan ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral. Mamasukang Domestic Helper na lang daw ito sa Hongkong.

Tumingin muna ako sa maamong mukha ng aking nobya bago nagpatuloy sa pagkwento.

Hindi ito matanggap ni kuya. Nasa ikalimang taon na sila. Ilang buwan na lang ay gagraduate na sana sila. Dahil dito ay naglasing si kuya. Nagulat ako ng bigla siyang sumama sa inuman naming magbabarkada. First time niya iyong uminom. Naawa ako kay kuya. Iiwan na siya ng mahal niya.

Ang lungkot naman, humigpit ang pagkakahawak sa aking braso si Jen.

Pag-uwi namin ni kuya sa bahay nang gabing iyon ay isang trahedya ang sumalubong sa amin. Malamig na katawan ng aming ina ang aming nadatnan sa bahay. Pinigilan ko ang aking sarili na hindi maiyak. Inatake si inay. Walang kasama si inay sa bahay ng gabing iyon. Nagtatrabaho si itay kaya walang sumaklolo sa kanya ng atakehin ito.

Nakita kong mangiyakngiyak na si Jen. Hindi ko na sana itutuloy ang pagkuwento subalit

Anong sunod na nangyari?pinunasan ni Jen ang kanyang mga luha gamit ang manggas ng aking suot na t-shirt.

Unang gabi ng lamay, bumisita si Jen upang makiramay ngunit galit na pinaalis siya ni Kuya.

Bakit naman? naibulalas ng aking nobya.

Sinisi niya ito sa nangyari. Kung di lang daw sana sila nag-away ay nakauwi na sana si kuya sa bahay at marahil ay nasalba ang buhay ni inay. Umiiyak na umalis si Jen nung gabing iyon.

Kawawa naman siya. Bat naman nagawa niyang sisihin si Jen.? Napailing si Jen.

Dala lang iyon ng emosyon. Labis na pinagsisihan iyon ni kuya pagkatapos. Mabilis na dumaan ang mga araw. Nagtapos si kuya. Samantalang tumungo naman ng Hongkong si Jen. Naging malungkutin si kuya. Lagi siyang tahimik at nawala ang mga ngiting laging makikita sa kanyang mukha. Naawa talaga ako kay kuya. Sarili niya kasi ang sinisisi niya sa pagkawala ng dalawa, ang pagkamatay ni ina at paglisan ni Jen. Nagsumikap ako sa pag-aaral sa pag-aakalang sasaya si kuya pag akoy nakatapos. Kaarawan ni kuya at isang regalo ang aking inihanda para sa kanya. Ang aking diploma. Ngunit napayuko ako.

Ngunit ano?

Ngunit malungkot pa rin siya. Di ito sapat. Halos maisigaw ko ito. Dahil dun ay tinanong ko siya kung anong magpapasaya sa kanya.

Anong sagot niya Matt?

Simple lang ang sagot niya Jen; Iisa lang ang birthday gift na aking inaasam-asam. Ang muling makapiling ang dalawang babaeng pinakamamahal ko.

Tumahimik ang loob ng buong taxi. Ang tanging maririnig ay ang boses ng dispatcher sa radio. Binasag ni manong drayber ang katahimikan.

Andito na po sir, mam

Pagkatapos magbayad ay bumaba kami ng taxi. Muli kong nasilayan ang unibersidad kung saan nagtapos kami ni kuya.

Ang laki ng school niyo ha. pagkamangha ni Jen. Dito pala natin icecelebrate ang kaarawan niya.

Dito tayo dinala ko siya sa likurang bahagi ng unibersidad. Doon, mas namangha si Jen sa kanyang nakita. Tanaw na tanaw sa pangpang ang napakalawak na karagatan at ramdam na ramdam naming ang malamig na simoy nito.

Ang ganda!!! bumitiw siya sa akin at tumungo sa nag-iisang malaking punong-kahoy doon. Wala pa ata ang kuya mo Matt?

Di mo tatapusin ang kwento ko? tanong ko. Ngumiti siya.

Sige, tapusin mo. Sumandal ako sa malaking puno samantalang sa kabila naman sumandal si Jen.

Apat na taon ang nakalipas mula noong mamatay si inay ay dumating ang araw na nagkitang muli si kuya at si Jen. Kaarawan iyon ni kuya at nakita namin si Jen na papalabas sa isang mall. Patawid na ito at ng makita ni kuya ay sabik na tinawag niya ito. Napatigil si Jen sa pagtawid at napalingon sa direksyon namin ni kuya. Dahil dito ay hindi napansin ni Jen ang isang rumaragasang trak na patungo sa kanya. Kitang-kitang namin ni kuya ang paparating pangangib sa kanyang minamahal kaya dali-daling tumakbo si kuya at agad na itinulak si Jen palayo sa daanan ng trak.

Nakaligtas si Jen? pag-aalalang tanong ng aking nobya. Tumango ako. Buti na lang..

Subalit si kuya ang nahagip ng trak malungkot na dugtong ko.

Ano?!! bulalas ni Jen.

Tumilapon si kuya ng ilang metro. Konting galos lang at bukol sa ulo ang sinapit ni Jen. Pero si kuya napuruhan si kuya. Dahan-dahang dumaloy ang aking mga luha sa aking pisngi. Wala man lang akong---

Hindi ko na nagawang tapusin pa ang nais kong sabihin. Napaupo ako at niyakap ako ni Jen. Natawag ang pansin ni Jen sa nakaukit sa puno na kanina ay natatabunan ko. Isang hugis puso na may nakaukit na pangalan sa loob. Jeff love Jen.

Parang pamilyar ang lugar na ito Matt noh inosenteng wika ni Jen.

Special ang lugar na ito Jen, wika ko sa aking sarili. Sa karagatang iyang isinaboy ang mga abo ni kuya dahil special ang lugar na ito para sa kanya. Talagang pamilyar ang lugar na ito para saiyo sapagkat tambayan niyo ito ni Kuya. Dito kayo nuon nag-aaral. Nakalimutan mo ang lahat ng ito dahil sa aksidenteng iyon. Nalimutan mo ang lahat ng sakit at pait dahil amnesiang iyan.

Ang mga huling kataga ni kuya ang dahilan kung bakit narito ako para mahalin at alagaan ang babaeng pinakamamahal ni kuya.

Bi-bi-nigay rin ni Lord ang birthday gi-gift na inaasam-asam ko. Ma-makikita ko na si inay at na-nayakap kong muli si Jen. A-ala-gaan mo siya Matt. I-i-ipangako mo iyan---- at nakita ko sa huling pagkakataon ang ngiti ng aking pinakamamahal na kuya.

Wakas

You might also like