You are on page 1of 5

Page |1

SAMPU
Ni Jason A. Romero

Tauhan: Jane - naiwan sa Pilipinas ng dalawang taon at kalahati.


Marco - Nagtrabaho sa ibang bansa.

Tagpuan: Sa isang tapat ng KTV Bar


Eksena: Nag – iinuman ang dalawa dahil sa muli nilang pagkikita makalipas
ang isang taon.

Jane: putang inang kanta yan… ang sakit sakit pakinggan bwisit
Marco: asus nakaka relate ka lang kaya ka nagkakaganyan. Ang ganda kaya…
Jane: anong maganda dun??? Puro kasinungalingan. Kaya pag nakita ko yan
si jonalyn viray nakoooo.
Marco: ano gagawin mo? Sasaktan mo? E wala ka naman magagawa e wag ka
ngang bitter…
Jane: magtatanong ako… kung ano yung isang totoo sa sampung sinabi nya…
tsaka hindi ako bitter…
Marco: bitter ka kaya… halatang halata sayo… bitter
Jane: wow sige ipamuka mo pa sa akin na bitter ako… hindi nga ako bitter…
Marco: ito naman, nagbibiro lang kanina ka pa kasi apektado…isang taon na
ang nakalipas wala ka pa ring pinag bago… ikaw nga talaga si Jane si
Jane na laging nag eemote sa mga kantang may hugot…
Jane: iisa lang naman talaga ako nohh… at wala ng hihigit pa charooottttt…oo
nga isang taon na pala…by the way kumusta ka na pala? Kailan ka pa
bumalik?
Marco: Ok lang, kadarating ko lang nung nakaraang linggo.
Jane: ahhhh may balak ka pa bang bumalik sa ibang bansa?
Marco: wala na muna siguro…
Jane: ahh basta nakakainis talaga ang sakit lang kasi… alam mo yun? Yung
pakiramdam na ughhhhh…
Marco: (Tatawanan) alam mo ang OA mo talaga kahit kailan… simpleng kanta
lang…

Written and Directed by Jason A. Romero Maikling Dula: Isang Pag-aaral sa Eksena
Page |2

Jane: Simpleng kanta pero makahulugan at nandito (turo sa ulo) nandito (turo
sa dibdib)
Marco: Naniwala ka pa kasi…
Jane: kaya nga nandito pa ako…
Marco: ang hirap kasi sayo pinaikot mo ang mundo mo sa salitang sinasabi
nya.
Jane: dahil yun naman ang gusto natin, panghawakan ang mga sinasabi nya
kaya nga tumagal.
Marco: pinanghawakan mo ang mga salitang binitawan na nya…
Jane: ang galing kasi natural, bihasa, dalubhasa, sanay na sanay kaya
naniwala ako sa mga sinabi nyang hindi totoo.
Marco: Sanay na sanay dahil totoo naman ang mga salitang binibitawan niya
sayo. At naniwala ka rin naman dun…
Jane: siguro nga naniwala ako sakanya, dahil mahal ko at naramdaman ko rin
naman na mahal nya ako.
Marco: naaalala mo yung mga matatamis na salitang galing sakanyang bibig…
Jane: sobra, abot langit ang ngiti, at kilig ko sa bawat matatamis na salita…
Ewan ko bakit ba ganyan… lagi na lang akong sinasaktan pero kahit
ganun nandito pa rin ako TANGANG TANGA pa rin sa mga sinasabi at
patuloy na naniniwala sa mga sinasabi kung tama pa ba…
Marco: bakit kasi kailangan pang alamin o bilangin ang tama at mali sa mga
sinasabi niya. Mahalaga pa ba kung totoo o hindi? Mas kailangan pa ba
nating piliin ang mapait na katotohanan o ang masarap na panaginip
lang?
Jane: sana nga nalaman ko agad… dahil mas gugustuhin ko ang masakit na
katotohanan kaysa sa kunyaring masayang relasyon na
kasinungalingan.
Marco: baka naman kasi may pag kukulang tayo kaya…
Jane: nang iwan… hindi naman ako nag kulang sa text, tawag, chat, video
calls, o baka naman may nahanap na dun.
Marco: pinilit naman niyang labanan kaso nahulog na rin sya…
Jane: siguro nga Long distance relationship means no relationship…
Marco: ang layo kasi…kaya hinahanap nya yung personal na nakakasama nya
na parang kayo dati…

Written and Directed by Jason A. Romero Maikling Dula: Isang Pag-aaral sa Eksena
Page |3

Jane: sabihin mo malandi talaga kayong mga lalaki… ang kati kati nyo… alam
nyo na palang malayo at hindi nio kaya ang LDR sana nakipaghiwalay
na kayo agad agad mga fuck you kayo…
Marco: sa panahon naman ngayon marami na rin ang nagmamahal at
nasasaktan. Kadalasan nagigising na din sa katotohan pero yung alaala
nyang naiwan ay naitabi sa puso’t isipan.
Jane: sa panahon ngayon nagising ako sa katotohanan na galit at sama ng
loob ang natirang alaala.
Marco: wag sanang galit ang mangibabaw sa lahat ng alaala dahil may
pinagsamahan pa rin kayo at sa mga araw na magkasama kayo hindi
sama ng loob o galit ang naramdaman mo noon kundi kaligayahan.
Jane: bakit kailangan pang may masaktan o paghiwalayin kung pwede
namang magmahalan, saya at sarap ang maranasan.
Marco: hindi ko masasagot yan… dahil ang alam ko pinagtagpo pero hindi
itinadhana; pinagtagpo sa maling oras o panahon kaya pinag layo. Hindi
sya ang tamang tao para sayo…
Jane: hindi ko pa ba pa oras? Hindi pa ba ang panahon? At hindi pa ba ikaw
ang tamang tao na para sa akin?
Jane: 2010 to 2017 pitong taon na pinaniwala mo ako,,, Marco.
Marco: naging masaya naman tayo noon.
Jane: masaya dahil naniwala at kumapit ako sa mga sinabi mo.
Marco: hindi pa ba sapat ang mga paliwanag ko sayo?
Jane: mga paliwanag na ano???
Marco: kaya nga bumalik ako para sabihin sayo…
Jane: sabihin sa akin? Na pinalipas mo muna ng isang taon?
Marco: dahil natatakot ako… nagkasala ako sayo… pinagmuka kitang tanga,
niloko kita… ginago kita at higit sa lahat baka hindi mo ko mapatawad
dahil sinaktan kita.
Jane: hindi ba’t yan naman ang gawain mo? Ang saktan ako pero dahil mahal
kita nag bulag bulagan ako para sayo… tang ina ka…
Yung kanta??? Sa Sampung sinabi mo saakin noon isa lng ang totoo?
Putang ina Marco…
Marco: Tumigil ka na… maniwala ka sa akin na minahal kita at saka Sampu lang
ang binilang mo … tandaan mo pitong taon tayo magkarelasyon, sampu
lang ang natandaan mo?

Written and Directed by Jason A. Romero Maikling Dula: Isang Pag-aaral sa Eksena
Page |4

Jane: pitong taon nga pero ang dalawa at kalahating taon facebook na lang
ang nag uugnay sa atin. Oo sampu lang ang pinanghawakan ko sa
relasyon natin… biktima ako ng salitang mahal kita at minahal kita... iisa
-isahin ko sayo…
Marco: Tumigil ka na…
Jane: Isa, Tumigil ka na sa pag iyak dahil sabi mo ako lang naman ang mahal
mo.
Marco: Tapos na…
Jane: dalawa, Tapos na ang pag tingin mo sa iba dahil sabi mo dumating na
ako sa buhay mo.
Marco: ayaw ko na…
Jane: tatlo, ayaw mo na akong pakawalan dahil sabi mo iba ako sa mga naging
ex mo.
Marco: ikaw lang naman…
Jane: Pang apat, ikaw lang naman at wala ng iba sabi mo noon.
Marco: maniwala ka kasi…
Jane: Pang lima, sabi mo maniwala ako kasi pinagsisihan mo ang makipag
chat at makipag date sa iba nung nasa ibang bansa ka…
Marco: totoo yan…
Jane: Pang anim, Totoo yan, pangako hindi kita iiwan… magpapakasal na tayo
pagbalik mo yan ang sabi mo
Marco: hindi ako nang iwan…
Jane: Pang pito, Hindi ka nang iwan dahil sabi mo ikaw ang iniiwan…
Marco: Wag ka ng umiyak…
Jane: Pang walo, Wag ka ng umiyak dahil hindi ka nag papaiyak ng babae.
Marco: Promise…
Jane: Pang siyam, promise mahal na mahal kita Jane ikaw lang…
Marco: Pero…
Jane: PANG SAMPU… pero…
Marco: (Tutunog ang phone) hello Babe… oo ready na ako,,, may dinaanan lang
ako... at may tinapos lang ako… see you… I love you…
Marco: Pang sampu, Pero dati na lahat yan, isang taon na ang nakalipas simula
nang hindi ako mag paramdam sayo…nakaraan na yan…

Written and Directed by Jason A. Romero Maikling Dula: Isang Pag-aaral sa Eksena
Page |5

Jane: dahil ang totoo hindi mo na ako mahal…


Marco: may mahal na ako ngayon closure lang hinihingi ko sayo, sa ating
dalawa…
4 years na kami ngayon, Ito nga pala invitation… ikakasal na ako
sakanya…

***

Written and Directed by Jason A. Romero Maikling Dula: Isang Pag-aaral sa Eksena

You might also like