You are on page 1of 6

IKAW AT AKO

By: Bougart O. Pallarcon

Jake: Gwapo, mabait, marespeto at maalalahanin..

Rosario: Maganda, mabait, at mapagmahal.

Bruno: Kaibigang tunay ni Jake.

Aling Nena: Matandang tindera sa munting tindahan

Magbubukas ang tabing sa harap ng tindahan ni Aling Nena na may mesa at naguusap
na magkakaibigan habang naghihintay ng tindera si Rosario.

Rosario: Tao po! Aling Nena, nandyan po ba kayo?

Aling Nena: Sandali lang, may inaayos pa ako.

Rosario: Sige po

Aling Nena: Oh Rosario! Ikaw pala yan, anong bibilhin mo?

Rosario: Bibili po ako ng pepsi, kasi kanina pa po ako nauuhaw ehh. Magkano po pala
ang pepsi?

Aling Nena: Sampung piso lang.

Rosario: Sige po, pakilagyan na din po ng straw.

Aling Nena: Okey

Bruno: Uy best! Si Rosario oh.

Jake: Saan

Bruno: Ayan oh! Sa harap mo.

Jake: Wow! Ang ganda na niya. Sana balang araw makakausap ko siya at maipagtapat
ko sa kanya ang aking nararamdaman.

Bruno: Bat di mo kaya kausapin?


Jake: Nahihiya ako eh.

Bruno: Hay nako! Ka lalaki mong tao nahihiya ka? Sayang ang pagkakataon oh.
Diskartihan mo na.

Jake: Nahihiya nga ako ehh.

Bruno: Akong bahala sayo.

Jake: Okey

Bruno: Hi Rosario

Rosario: Hello

Bruno: Gusto ka nga palang kausapin nitong best friend ko. Si Jake nga pala.

Rosario: Parang familiar ang mukha mo. Parang nagkita na tayu noon.

Jake: Oo, nagkita na tayu noon. Noong mga bata pa tayu.

Bruno: Magkakilala kayu noon, pero ewan lang ngayun.

Rosario: Ahh, naalala ko na ikaw yung kaklase ko noon na palaging tumatanggol sa


akin kapag may kalaban ako.

Jake: Oo, ao nga yun.

Bruno: Sige best ikaw na bahalang dumiskarte ah. Bibili mo na ako ng meryenda natin.

Jake: Sige best

Bruno: Nga pala, ano ang gusto niyong meryenda?

Jake: Soft drinks tsaka banana cue

Rosario: Samahan mo narin ng biscuit.

Bruno: Sige

Jake: Kamusta kana?

Rosario: Okey lang naman, ikaw kamusta kana?

Jake: Okey lang din.

Rosario: Mabuti naman, matanong ko lang pala, saan ka na nag-aaral ngayun?

Jake: Sa Matalam High School, bakit mo pala naitanong?


Rosario: Wala lang, Masaya ka ba doon?

Jake: Oo Masaya, pero mas masaya kung nandun ka.

Rosario: Bolero ka talaga.

Jake: Hindi naman, namiss mo lang ako ehh.

Rosario: Syempre naman, ikaw lang kasi ang nakakaintindi sa akin noon eh.

Jake: Nga pala, naalala mo pa ba nung mga bata pa tayo, yung nasa gubat tayo
maglalaro?

Rosario: Oo naalala ko pa yun, yung naghahabulan tayo tapos nagbahay-bahayan.


Ang saya kaya nun.

Jake: Oo nga, lalo na yung nag kasal-kasalan tayu. Sana maulit muli, kaso mga dalaga
at binata na tayo eh.

Rosario: Oo nga, nakakamiss.

Bruno: Nandito na ako.

Jake: Ang bilis mo ahh.

Bruno: Syempre ako pa, heto nga pala ang biscuit at soft drinks mo Rosario.

Rosario: Salamat!

Bruno: Walang anuman, sya nga pala, kamusta ang pag-uusap ninyong dalawa?

Jake: Okey lang naman, diba Rosario?

Rosario: Oo ang ganda ng pinag-usapan naming tungkol sa pagkabata namin.

Bruno: Ahh ganun ba. Sige doon muna ako sa kabilang upuan.

Rosario: Okey

Jake: Rosario, matanong ko nga lang, ano ba ang katangian ang hinahanap mo sa
isang lalaki?

Rosario: Ang katangian na gusto ko sa lalaki ay mabait, masipag, mapagmahal,


marespeto at masarap kasama kahit saan man magpunta.

Jake: Ahh, ganun pala. May boyfriend kana ba?

Rosario: Wala pa, bakit mo naitanong?


Jake: Kasi gusto kitang ligawan, dahil matagal na kitang mahal at di ko lang maamin
sayo noon kasi nahihiya akong sabihin sayo ang totoo.

Rosario: Kaya pala palagi kang tumitingin sa akin pagbumibili ako dito sa tindahan ni
Aling Nena at tsaka lagi mo akong pinoprotektahan sa mga nang-aapi sa akin.

Jake: Oo Rosario, kasi nahulog na ang luob ko sayo noon pa man.

Rosario: Nga pala, bat di mo sinabi agad sa akin na may pagtingin ka pala sa akin?

Jake: Nahihiya kasi akong sabihin sayo Rosario, dahil hindi ko alam kung paano
simulan.

Bruno: Asus, sa itsura mong yan best may hiya ka pa pala?

Jake: Oo naman best.

Rosario: Sana noon mo pa sinabi na mahal mo ako, kasi may pagtingin din ako sayo,
mula pagkabata hanggang ngayun.

Jake: Totoo ba tung naririnig ko Rosario?

Rosario: Oo naman

Jake: Talaga?

Rosario: Oo nga, alam mo kung bakit kita nagustuhan?

Jake: Ano?

Rosario: Ang bait mo, marespeto tapos maalalahanin.

Bruno: Oo nga best, ang daming babaeng patay na patay sayu, pero siya parin ang
gusto mo.

Jake: Rosario! Kung sakaling man liligaw ako sayo, may pag-asa ba ako?

Rosario: Oo naman, ipakita mo lang na pursigido ka at kaya mung tiisin lahat para
maging karapat dapat ka na maging boyfriend ko.

Bruno: Ano bayan, kanina lang antahimik niyo, nayun para na kayong mga ibon na
nag-aawitan sa sanga ng puno.

Aling Nena: Shh. Tumahimik ka nalang Bruno, ang ganda ganda na nga ng pag-uusap
nilang dalawa, nambubulabog ka pa.
Jake: Oo nga naman Bruno, ang ganda ganda na nga ng mga diskarte ko sisirain mo
pa.

Bruno: Hay nako! Sige na nga lang.

Jake: Tumahimik kana ha.

Bruno: Oo na, tatahimik na.

Jake: Rosario?

Rosario: Ano yun?

Jake: Kung sakaling liligawan kita ngayun, sasagutin mo ba ako? Oo o hindi?

Rosario: Oo naman

Jake: Talaga?

Rosario: Oo nga, paulit ulit.

Bruno: Itong si Jake talaga oh, parang sira ulo, sinabi na nga ni Rosario na oo, uulitin
pa.

Jake: Okey Rosario, simula ngayun manliligaw na ako sayo.

Rosario: O sige basta’t magpaalam ka muna sa mga magulang ko kung papaya sila na
manligaw ka sa akin.

Jake: Bakit naman?

Rosario: Kasi strikto ang papa ko, dapat tapusin ko muna ang pag-aaral ko, bago ako
mag boyfriend.

Jake: Sige naintidihan kita, kasi babae ka, kaya kung maghitay basta’t ipangako mo
lang na hindi ka magbabago.

Rosario: Oo Jake, pangako, mag-aaral muna tayo ng mabuti para din naman to sa
ating kinabukasan.

Aling Nena: Mga bata, mag-aral muna kayu ng mabuti para matupad ninyo ang inyong
mga pangarap. Pwede din naman kayo mag boyfriend o mag girlfriend basta gawin niyo
lang inspirasyon ang isa’t isa, pero unahin niyo parin ang pag-aaral.

Bruno: Matanong ko lang po Aling Nena, noong bata pa ba po ba kayo, meron po ba


kayong boyfriend?
Aling Nena: Oo naman, pero inuna ko muna ang pag-aaral bago yung mga ganyan.

Jake: Aling Nena? Masarap ba ang buhay kapag may kinakasama ka?

Aling Nena: Oo naman syempre, may mag-aalaga, mag-aruga, at syempre di


mawawala ang pagmamahal. Pero ako sa inyo mga bata mag-aral muna kayo ng
mabuti.

Jake: Sige po Aling Nena, tatandaan po namin yung mga sinabi ninyo at sisiguraduhin
po namin na makakapagtapos kami ng pag-aaral.

Rosario: At magsisilbing inspirasyon naming ang mga sinabi ninyo.

Aling Nena: Sige na mga bata, baka hihanap na kayo ng inyong mga magulang kasi
gabi na.

Bruno: Sige po Aling Nena, mauna na po ako sa inyong lahat. Paalam na best bye.

Jake: Sige po Aling Nena, uuwi nap o kami ni Rosario. Rosario pangako maghihintay
ako.

Rosario: Sige Jake, aantayin kita, wag ka lang susuko, kakayanin natin to.

Jake: Sige Aling Nena, mauna na po kami. Tara Rosario?

Rosario: Tara.

You might also like