You are on page 1of 3

Isang Panaginip

“Paalam Papa, paalam Mama, gusto kong lumaban pero hindi ko na kaya”

Isa na namang normal na araw ang bumungad kay Jolo. Kasalukuyang


nagluluto ng umagahan ang kaniyang ina samantalang ligayang-ligaya naman
ang kanyang ama sa paghimas ng panabong na manok nito. Lagi na lamang
iyon ang nasasaksihan niya simula nang magsimula ang paglaganap ng
COVID19. Nawalan ng trabaho ang kaniyang ama at tanging paglalabandera
ng ina ang kinabubuhay ng kanilang pamilya. Kilala si Jolo bilang panganay
sa limang magkakapatid at nag-iisang lalaki. Matangos ang ilong, mapungay
ang mga mata at ang labi’y mamula-mula. Sadyang naiiba ang itsura niya sa
kaniyang mga kapatid na sabi nga ng kaniyang ama at ina ay nagmana sa lolo
niyang metizo na nagmula pa sa Espanya.

Sa umagang yaon ay tila nagkakainitan ang kaniyang magulang dahil sa


walang maipambili ng yosi ang kaniyang ama na si Terio “Porket wala na
akong trabaho ay ganiyan na lang ang trato mo sa akin. Kung magsalita ka ay
parang di kita binuhay ng mahabang panahon ah” galit na sbi ng kaniyang
ama. Marami pang pinag-awayan ang kaniyang ama’t ina hanggang sa ang
masarap na agahan sana nilang piniritong tuyo at dilis na may kamatis ay
humalik na sa lupang nagsisibing kanilang sahig. Nagsimula na ring
magliparan ang mga kasangkapan nila sa kanilang tahanan. Kaldero doon,
lumilipad na kawali dito at nagkakalansingang mga kutsarang nahuhulog
kung saan. Magiging laman na naman ng tsismisan ng mga kapit-bahay ang
pangyayaring ito. Isang normal na araw para kay Jolo.

Pinili na lamang niyang lumabas sa kanilang bakuran kung saan rinig na


rinig ang batuhan at kalansingan sa kanilang tahanan. “Pogi! Ano na naman
pinag-aawayan nina mareng Julie? Balita ko nahuling may kabet daw yang
nanay mo ah” saad ng tinuturing na kapitana ng mga tsismosa sa barangay
nila. “Wala po iyon Aling Marites, ipagpatuloy niyo na lang po ang pagroronda
niyo” sagot naman ni Jolo. Matapos lamang ng ilang sandali ay lumabas ang
kaniyang ama at umupo sa tabi nito. “nak, baka naman may pera ka diyan
pautangin mo naman ako” wika nito “ wala po Pa!” sagot naman ni Jolo “ ’di
bale konti na lang at maiaahon mo na kami sa hirap, mas Malaki ang
tiyansang makuha ka sa trabaho kapag nakapagtapos ka. Malapit ka na ring
maging sundalo o pulis? Naku iniisip ko pa lang na magkakaanak ako ng
pulis o sundalo pakiramdam ko mayaman na ako ” ana ng kaniyang ama na
may malaking ngiti sa labi na ipinagkibit-balikat na lamang niya. Batid niya
na ang kagustuhan ng kaniyang ama at ina ay kabaligtaran ng ninanais niya
sa buhay.

Dumaan ang mga araw at tulad ng mga nauna ay ganun pa rin ang naging
takbo ng kalagayan ng kanilang pamilya. Dumating ang araw na pagtatapos
ni Jolo, sa wakas ay magkakaroon na siya ng diploma na bunga ng ilang
taong pag-aaral. Naghanda ang kaniyang pamilya ng kaunting salo-salo na
dadaluhan ng mga kamag-anak at malapit na kaibigan ng kaniyang mga
magulang bilang pagdiriwang sa kaniyang pagtatapos. Labis na galak ang
nadarama ni Jolo sapagkat muli niyang makikita ang taong gumising sa
natutulog niyang puso, ang taong isa sa naging inspirasyon niya upang
ipagpatuloy ang pangarap na ninanais. Ang taong ito ay anak ng isa sa
kumpare ng kaniyang ama na dadalo rin sa araw na yaon.

Hindi nabigo si Jolo, muli ay nasilayan niya ang matamis na ngiti ng taong
pinakaaabangan niya, niyakap siya nito at binati “Congratulations Jolo, konti
na lang magkakadiploma na rin ako” matamis na ngiti rin ang iginanti niya
rito. “Halika sa loob naghanda sina Mama at Papa, kumain ka muna”. Nakita
naman ng magkumpare ang naging akto ng dalawa “Pre mukhang
magkasundong-magkasundo yung dalawa ah” wika ng ama ni Jolo, “Oo nga
pare e, napasungit kaya ng anak ko na iyan, ang sabi pa nga niya sa akin ay
kapag natapos na rin daw siya ay baka sabay pa raw sila ni Jolo na
mangibang-bansa” sagot naman ng kumpare nito. Gabi na nang matapos ang
kasiyahan sa kanilang tahanan at ‘di na rin namalayan nila Jolo ang oras
“Salamat sa pagpunta mo at Salamat din sa inihanda mong regalo. Tutuparin
ko ang sinabi ko sa iyo kanina, pangako” wika ni Jolo
Matapos ng ilang taon ay nagawa na ni Jolo ang mga kailangan niyang gawin.
Sa sampung taong pamamalagi sa Amerika ay nagawa na niyang maiahon
ang pamilya sa kahirapan. Ngayon ang araw ng kaniyang pagbabalik sa
Pilipinas, bitbit ang ilang mga pasalubong at ilang bagahe ay handa na siyang
makita ang pamilya at ang taong pinakapinananabikan niyang makita.
Panibagong Jolo ang kanilang makikilala. “Paano kaya nila ako sasalubungin?
Makikilala pa kaya “niya” ako?” ang mga tanong na patuloy na naglalaro sa
isipan ni Jolo habang nakasakay siya sa eroplanong galing Thailand pauwing
Pilipinas.
Ilang oras ang lumipas at sa wakas ay nakaapak na siya sa lupain ng bayang
kinagisnan niya. Pamilyar ang lugar at mga tao subalit bago ang pakiramdam
na nadarama niya sa pagbabalik niya sa munting barangay na iyon. Narating
na niya ang kinatatayuan ng dating barong-barong na tahanan nila noon na
ngayon ay natayuan na ng isang konkretong bahay. Papasok na sana siya sa
loob nang may biglang kumuha ng kaniyang atensyon, “ Ikaw na ba iyan
Jolo?” sa halip na sumagot ay sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
Lalong nahulog siya nang muling makita ang taong sa loob ng sampung taon
ay naging sandalan at lakas niya. Walang ano-ano’y ginawaran niya ito ng
halik na siya namang tinugon din nito.

Sa ganitong akto nakita ng kaniyang ama at ina, kasama ng mga kamag-anak


at malapit na kaibigan ng kanilang pamilya ang dalawa. “Peter anak! Bakit
diyan ka pa gumanyan ‘ni hindi mon pa nga pinakikilala sa akin ang
kasintahan mong iyan” wika ng malapit na kumpare ni Terio. Natigilan ang
lahat nang makita nila ang kabuuang imahe ng inakala nilang kasintahan ni
Peter, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, ang labi’y mamula-mula
at may mahaba at alun-along buhok. “Jolo…” wika ng kaniyang ina. Isang
malakas na suntok naman ang nagmula sa kaniyang amang si Terio. “Lalaki
ka nang umalis dito, matipuno at makisig na lalaki, anong ginawa mo sa sarili
mo!” nagpupuyos sa galit na tinuran nito. Walang naisip na isagot ang bagong
katauhan ni Jolo kundi ang mga ito…
“Paalam Papa, paalam mama, gusto kong lumaban pero hindi ko na kaya ang
anak ninyong si Jolo ngayon ay si Julia na”

Agad na napabalikwas ng bangon si Jolo nang dahil sa napanaginipan. “hindi!


Hindi ako magiging bakla, lalaki ako! Hindi totoo ang sinasabi ni Peter, Hindi
ako bakla! Magagalit sina Papa at Mama”

Ang akda na ito ay hindi naglalayong ibaba ang mga LGBTQ Community. ITO AY GINAWA UPANG
MAKAPAGBAHAGI AT HINDI PARA MAKAPANLIBAK.

You might also like