You are on page 1of 6

‘Ang Magkaibigang Palaboy’

Mga Karakter:

Pol: Isang batang sampung taong gulang pa lamang, ngunit sa kanyang murang edad ay namulat

na ang kanyang inosenteng pagiisip sa marahas na realidad matapos syang iligaw ng kanyang

mga magulang nung siya’y limang taong gulang pa lamang. Sya ang nagsisilbing kuya ni Pol.

Jon: Bunga ng isang pagkakamali ng kanyang Ina at ang customer nitong ‘kano, madalas siyang

napagdidiskitahan ng kanyang mga kapwa dahil sa kanyang matangos na ilong at berdeng mga

mata.

Tagpuan:

Kinagabihan, Sa isang matao at maingay na kalye ng Luneta.

(Si Jon ay may dala-dalang isang tinapay habang patungo sa kinauupuan ni Pol ng may mga

ngiti sa kanyang labi)

Pol: Hoy Jon, ano nanaman ‘yan? Hindi ba’t sabi ko sayo wag kanang magnanakaw?

Jon: Grabe ka naman! May dala lang ako na pagkain ninakaw na kaagad?

Pol: Eh saan nanggaling yan?

Jon: Duon! (tinuro ang magandang babae na sa kasalukuya’y nakakapit ang mga kamay sa

isang mukhang mayaman na foreigner) Sabi nya ibibigay nya saakin yung kinakain nya kung

ituturo ko sakanya yung pinakamalapit na hotel eh. Edi sinunod ko, gutom na gutom na kasi ako

eh.
Pol: (pabulong) Sana lang hindi magbunga ang gagawin nila.

Jon: Ano iyon kuya?

Pol: Base sa mga kwento mo saakin, tingin ko gan’yan din ang trabaho ng nanay mo. Kung hindi

sila magiingat, madadagdagan lang ang walang kwentang palaboy sa mundo.

Jon: Hindi naman tayo walang kwenta. Malay mo, isang araw may isang mayaman na aampon

saatin, tapos makakapag-aral na tayo, tapos magtatrabaho tayo dun sa mga matataas na

building! Edi hindi na tayo walang kwenta.

Pol: Sa tingin mo? Minsan napapa-isip ako kung nagrarugby ka o hindi eh. Imposibleng

mangyari satin yun, ‘wag kang ilusyonada. Mag-aral mag-aral ka dyan, eh hindi ka nga

marunong bumasa.

Jon: Ah basta! Naniniwala parin ako na hangga’t may buhay, may pag-asa!

Pol: Pag-asa mo mukha mo. Pinanganak tayong mahirap mamamatay din tayong mahirap.

Hindi ako naniniwala sa ampon ampon nayan, sa hirap ng buhay ngayon. Mga magulang ko nga

nagawa akong itapon nalang ng basta, tapos aasa pa akong may pupulot sa basurang tulad ko?

(tumayo si Pol at naglakad papaalis)

Jon: Teka lang! Saan ka ba pupunta?

Pol: Wala, magtatanggal lang ako ng init ng ulo at nagugutom na ako.

Jon: Eh kuya papaano kung balikan ka nila?

Pol: Balikan nino?


Jon: Ng mga magulang mo. Pano kung balikan ka nila para kunin na ulit?

Pol: Wala na silang babalikan. Para saakin patay na sila simula nung araw na niligaw nila ako ng

parang isang kuting. Mas gugustuhin ko pang maging palaboy habang buhay kaysa makasama

muli ang mga taong pinabayaan lang ako, at syempre sinong magaalaga at titingin sayo? Yung

nanay mong walang inatupag kundi mag hanap ng lalaking mabibingwit at mahuhuthutan para

lang makakuha ng pera pang-yosi nya? Hindi kita puwedeng iwan nalang ng basta dito. Ayokong

maramdaman mo sng dinanas ko nung mga panahong ni sino man wala akong masandalan.

Jon: Masyado ka naman atang gigil na gigil sa kanila. Ilang taon narin ang lumipas ah, baka nga

tigok na sila ng ‘di natin nalalaman eh. Anong meron?

Pol: Oo nga, ilang taon na nga ang lumilipas pero hindi nila ako nagawang hanapin man lang,

masaya na sila ng wala ako.

Jon: Papaano mo naman nasabi ya—(napatigil si Jon ng nakita nyang may nangingilid nang

luha sa mata ni Pol) Anong nangyari?

(nanahimik lamang si Pol, hangang sa ilang segundo’y bigla syang nagsalita)

Pol: Masaya na sila sa buhay nila, buhay nilang wala ako. . . nakita ko sila sa isang kainan sa

tapat ng simbahan kaninang hapon. Hindi na sila mukhang mahirap tulad ng dati, may sanggol

pa nga na bitbit yung nanay ko eh.

Jon: Hindi mo sila nilapitan?

Pol: At bakit ko naman sila lalapitan? Para magmukhang kawawa sa harap nila at sabihing “Ma,

Pa, ako nga pala yung anak nyong iniwan nalang ng basta, nung bata pa lang ako” at
maglupasay sa kanila? Ayoko nang makita pa pagmumukha nila. Nakakasuka na kaya nilang

tawaging magulang ang mga sarili nila matapos nilang mag abandona ng sarili nilang anak.

Jon: Kuya, kahit balibaligtarin mo ang mundo magulang mo parin sila.

Pol: Nababaligtad ba ang mundo?

Jon: Kuya naman eh!

Pol: Bakit? Ikaw ba, hindi mo kinamumuhian ang tatay mong ‘kano na nagmamadaling bumalik

ng america matapos malaman na pinagdadala ka ng nanay mo? O yung nanay mo na walang ni

isang kusing na pagmamahal sayo?

Jon: (Napatahimik) kuya may kaylangan nga pala akong aminin sayo. . .

Pol: Ano naman ’yon?

Jon: Narinig kong may kausap si nanay sa telepono nya nung isang araw. Hindi ko gaanong

narinig pero nung pagkababa nung tawag nagtatalon sa tuwa si nanay at sigaw ng sigaw na

babalikan daw sya ng tatay ko. Nung tinanong ko si nanay ang sabi nya kukunin na daw kami ng

Papa ko.

Pol: Masaya ako para sayo,(binigyan ni Pol si Jon ng malungkot na ngiti) at nagawa kang balikan

ng magulang mo. Kukunin ka na nila?

Jon: Oo. . . (nalulumbay)


Pol: Mamimiss kita. Mukhang matutupad nga ang pangarap mong makapag-aral ah? Wag mo

na akong intindihin dito, kaya ko ang sarili ko dito. Hindi ba’t sinabi ko sayo na habang buhay na

akong palaboy dito? Tanggap kona kapalaran ko, wag kana malungkot ano ba!

Jon: Pero kuya ayokong iwanan ka. . .

Pol: Pero kailangan mong iwanan ako. Minsan hindi natin maiiwasan na iba ang tatahaking

direksyon ng ating buhay mula sa ating kagustuhan.

Jon: Malay mo aampunin ka din ni Papa?

Pol: Malayo. Ano ba, tigilan mo nga ako, masyado nakong umasa at nabigo.

Jon: Papaano kung ito na yung pagkakataon na hindi ka mabibigo? Sasayangin mo lang dahil sa

takot mong mabigo muli?

Pol: (Natahimik)

Jon: Kuya, naniniwala akong may pagasa ka pang umayos yung buhay. Wag mong sayangin

buhay mo ng basta ganun-ganun lang

Pol: Hindi ko alam. Ewan ko. Baka nga. Hindi mo ako masisisi na panghinaan ng loob dahil sa

mga pinagdaanan ko.

Jon: Alam ko, pero ayaw mo bang kumalas sa bangungot na ipinataw sayo?

Pol: Gusto. . . Oo, gusto ko.


Jon: Tatanungin ko si Mama bukas. Sa ngayon ay matulog na muna tayo (Humiga silang

parehas sa bench sa gilid ng Luneta Park) Malay mo, yung tanong na iyon ang

makakapagpabago ng tadhana mo.

Pol: Sana nga, Jon. Sana nga

You might also like