You are on page 1of 4

Si Jolo- ang Batang Mainitin ang Ulo

Ni: Sharlene S. Genobia


Si Jolo ay katulad rin ng ibang bata na mahilig maglaro at
makipagkaibigan sa iba. Ngunit may isang katangian si Jolo na hindi
maganda. Siya ay pikon, madaling magalit at walang pasensiya sa
halos lahat ng bagay. Ang inay at itay niya ay lubhang nababahala sa
katangian na ito ni Jolo.

“Inay, Itay, abkit po baa yaw nilang makipaglaro sa akin? Bakit po ba


hindi nila ako gusting kaibiganin?,” lumuluhang tanong ni Jolo sa
kanyang mga magulang.

“Eh kasi naman anak, ang dali dali mong mapikon. Ayaw mo kasing
pagbigyan ang iyong mga kalaro, lage kang galit kaya ayun, lumalayo
sila sa iyo para iwas gulo,” ang mahinahon na sagot ng Tatay.

“Ano? Ako ba ay masama? Ayaw ko lang naman na naiisahan ako eh.


Ayoko nang nalalamangan ako. At isa pa, lage naman akong
humihingi ng tawad eh!” inis niyang sagot sa ama.

“O kita mo na? Iyan ang sinasabi namin sa iyo eh. Masyadong


mainitin ang ulo mo, Jolo. Ikaw na kumausap diyan sa anak mo,
Nestor. Pupunta muna ako ng palengke.” sabay alis ng Nanay.

Umalis sa tabi ni Jolo ang ama saglit at pumasok sa loob. Pagkalipas


ng ilang sandali ay bumalik ito na may dala-dalang supot.
“O ayan, para sa iyo.” sabay abot sa kanya ng supot.

Binuksan ni Jolo ang supot at laking gulat niya nang Makita kung ano
ang nasa loob nito.

“Tay, anong gagawin ko dito sa mga pako?,” nagtatakang tanong ni


Jolo.

“Kapag naiinis ka, kumuha ka ng martilyo at ibaon mo ang isang pako


sa likod ng ating bakod,” ang tugon ng ama kay Jolo.

Sa unang araw, hinimok ng batang lalaki ang 37 na pako sa bakod.


Sa paglipas ng susunod na mga linggo, habang natutunan niyang
kontrolin ang kanyang galit, ang bilang ng mga pako na pinukpok
araw-araw ay unti-unting nawala. Natuklasan niya na mas madaling
mapigil ang kanyang init ng ulo kaysa ipako ang mga pako sa bakod.

Sa wakas ang araw ay dumating na si Jolo ay hindi na masyadong


pikon. Sinabi niya sa kanyang ama ang tungkol dito at iminungkahi ng
ama na kukunin ni Jolo ang isang pako para sa bawat araw na siya ay
hindi nagagalit. Ang mga araw ay lumipas, sa wakas ay nagawa ni
Jolo na makuha ang lahat ng mga pakong kanyang pinako sa bakod
tuwing siya’y nagagalit. Sinabi niya ito sa kanyang itay.

Kinuha ng ama ang kanyang anak sa kamay at dinala siya nito sa


bakod. Sinabi niya, "Magaling ka, anak ko, datapuwa't tingnan mo ang
mga butas sa bakod, at ang bakod ay hindi magkapareho." Kung
sasabihin mo ang mga bagay sa galit, iiwan nila ang isang peklat tulad
ng isang ito sa isang tao at ilabas ito. Hindi mahalaga kung gaano
karaming beses mo sasabihin na ako ay humihingi ng tawad. Ang
sugat ay naroon pa rin. "
Mga Tanong

1. Sino si Jolo?

2. Ilarawan ang mga katangian ni Jolo.

3. Ano ang ibinigay ng itay niya kay Jolo?

4. Ano ang gagawin ni Jolo sa mga pako tuwing umiinit ang


kanyang ulo?

5. Ano ang aral na natutunan ni Jolo galling sa kanyang ama?

You might also like