You are on page 1of 3

Aralin 3

Pagkamagalang

Pagtuklas

Tayong mga Pilipino ay likas na magalang. Ang mga salitang “po” at “opo” ay ginagamit bilang
paggalang sa mga taong nakatatanda. Nag-uumpisa pa lamang magsalita ang isang bata tinuturuan na
siyang magsabi ng “po” at “opo” sa lahat ng nakatatanda. Ang pagkamagalang ay isang magandang ugali
ng bawat Pilipino kahit saan siya magpunta saan mang panig ng mundo. Ito ay nakatatak na sa kulturang
Pilipino.

Basahin ang maikling kuwento tungkol sa isang batang lalaki na hindi marunong gumamit ng “po” at
“opo” at kung paano siya nagbago.

Si Popoy
Si Popoy ay isang batang mausisa at maingay. Mahilig siyang makipag-usap sa tao, kahit hindi niyaqn ito
kilala. Kaya lang, walang paggalang si Popoy sa kanyang kinakausap.

Isang araw, may kumatok sa bahay nina Popoy. Lumapit si Popoy sa pintuan. “ Sino ka? Anong kailangan
mo? Walang sumasagot. Binuksan niya ang pintuan. Nagulat siya nang makita ang isang matandang
babae.” Sino ka ba talaga? Bakit hindi ka sumasagot?” pasigaw na sabi ni Popoy sa matanda.

Nadinig ni Nanay ang pasigaw na pagsasalita ni Popoy.” Bakit ka sumisigaw Popoy? Sino ba ang kausap
mo?” tanong nito.

“Nanay, tingnan mo nga ang matandang babae dito,” sagot ni Popoy.

“Isang matanda ang kausap mo? Bakit wala akong nadidinig na “po” at “opo” sa pagsasalita mo? At bakit
mo siya sinisigawan?” sunod-sunod na tanong ni Nanay kay Popoy sabay lapit sa pintuan. Binuksan niya
ito, pero wala na doon ang matandang babae.

“ Nasaan ang sinasabi mong matandang babae? Siguro kaya siya umalis ay dahil sinigawan mo.” Ang sabi
ni Nanay. “ Ikaw Popoy, dapat maging magalang ka sa lahat ng tao. Huwag mong sisigawan ang kahit sino
lalo na at isang matanda.” Hindi pinansin ni popoy ang pangaral ng ina. Bigla siyang tumakbo upang
maglaro.

Paglabas ng bahay, nakita ni Popoy ang matandang babae. Nakaupo ito sa tabi ng kalsada at halatang
pagod na pagod. Sa halip na tulungan ang matanda, kinausap niya ito ng pasigaw, “ Ikaw matanda ka,
napagalitan ako ng Nanay ko dahil sa iyo. Huwag ka na uling kakatok sa bahay namin!”

Kinagabihan, maagang nakatulog si Popoy. Nakita niya sa kanyang panaginip ang matandang babae.
Nakita din niya ang kanyang sarili habang sinisigawan ang matanda. Biglang may lumapit na isang
aninong nakasuot ng puti at nagsalita, “ Popoy, masama ang ginawa mong pagsigaw sa matanda. Wala
kang pag galang sa kanya. Kasalanan ‘yan sa Diyos. Magiging marumi ang puso mo kapag hindi ka
nagbago.”

Paggising sa umaga, hinanap agad ni Popoy ang matandang babae. “ Patawad po, Lola sa pag-sigaw ko po
sa inyo. Hindi ko na po uulitin. Sumama po kayo sa bahay namin ngayon. Mag-almusal po tayo,” ang sabi
ni Popoy sa matanda. Laking gulat ng Nanay niya nang makitang kasama ni Popoy ang matandang babae.
Sinabi ni Popoy sa kanyang Nanay ang tungkol sa panaginip. Sinabi din niya na humingi na siya ng tawad
sa matanda. Ipinangako niya na magsasalita na siya ng “po” at “opo” kapag matanda ang kanyang kausap.

Masayang nag-almusal ang pamilya ni Popoy kasabay ang matandang babae. Mula noon, magalang na si
Popoy sa pakikipag-usap sa lahat ng tao. Hindi lamang si Nanay ang natuwa. Pati ang Diyos ay natutuwa
at nalulugod sa pagkamagalang ni Popoy.

Isaisip
A. Isulat sa kahon ang mga sagot.

Mga salitang walang Mga pangaral ng ina ni popoy


paggalang ni Popoy sa kanya

Sabi ng matanda kay Popoy sa Ginawa ni Popoy matapos


panaginip malaman ang aral sa kanyang
nanay at sa matandang babae

B. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang tamang salita ng paggalang na may
kasamang “po” sa bawat patlang.

1. Pagpasok mo sa umaga nakasalubong mo sa paaralan ang iyong guro. Ano ang sasabihin mo?
_____________________________________________________________________________________

2. Binigyan ka ng magandang regalo ng Tatay mo. Ano ang sasabihin mo?

_____________________________________________________________________________________

3. Nagtampo ka kay Nanay at nasaktan mo siya. Ano ang sasabihin mo sa iyong Nanay?

_____________________________________________________________________________________
4. Bago ka umalis at pumasok sa paaralan, ano ang sasabihin m okay Nanay at Tatay?

_____________________________________________________________________________________

5. May dalawang taong nag-uusap sa gitna ng pintuan. Kailangan mong dumaan para lumabas ng silid-
aralan. Ano ang sasabihin mo?

_____________________________________________________________________________________

Isagawa
Bilugan at kulayan ang larawan na nagpapakita ng pagkamagalang. Lagyan ng ekis (x)
ang larawang hindi nagpapakita ng pagkamagalang.

You might also like