You are on page 1of 2

Si Buloy At Si Bugang

Sa isang malayong baryo nakatira sina Buloy at Bugang. Sila ay matalik na magkaibigan na
parehong lumaki sa mahirap na buhay pero kinakaya ang malupit na kapalaran. Palipat-lipat sila
ng trabaho dahil sa Grade 4 lang ang natapos nila sa pag-aaral. Ubod na kasiyahan ang ibinigay ng
Panginoon sa kanila nang makapasok sila sa isang construction site na may anim na buwan ang
kontrata.

Isang araw, habang sila ay pauwi na sa trabaho ay naisipan nilang subukin ang mga putahe ng
bagong bukas na karinderya sa harap ng kanilang pinagtatrabahuan. Pagka-tuntong nila sa hagdan
ng karinderya ay nakita nila ang kanilang iniibig na si Lucy! Agad nilang nilapitan ang dalaga.

Ang pamilya ni Lucy ay mayroon sa kanilang baryo. Isa na ang karinderya sa iba’t ibang negosyo
na kanilang pinasukan, Nagkaroon sila ng pagtingin sa dalaga ngunit hadlang ang kanilang
kahirapan sa buhay.

“Lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo!” wika ni Bugang.
“Ako Lucy kahit hindi kalakihan ang kinikita ko magiging masaya tayo basta magkasama lagi sa
hirap at ginhawa” wika naman ni Buloy.
“Naku! Hindi ninyo ako kayang pakainin. Magkano lang kaya ang kinikita ninyo sa pagiging labor
sa construction! Mabuti pa ay umalis na kayo at magpahinga pareho kung ‘di, ayaw ko na talaga
kayong makausap.”

Agad na nagmamadali sa pagkain sina Buloy at Bugang. Nag-usap ang dalawa kinagabihan
matapos ang trabaho.

“Pare, balang araw yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging ganap akong kilala sa baryo at
kakatok sa pinto para manghingi ng tulong. May maipapamukha rin ako kay Lucy” wika ni Bugang.
“Ako naman, kung hindi man ako gusto ni Lucy ay ayos lang. Ang mahalaga ay yung mahal ako.
Balanga raw titingalain din ako ng mga tao” wika naman ni Buloy.
“Buloy gusto mo bang sumama sa akin? Malaki ang kikitain natin dito. Tiba-tiba tayo!”
“Baka kung ano iyan Bugang. Umayos ka naman sana. Ayos na ako sa trabaho ko ngayon kahit
papaano. Ikaw nalang pare dito nalang ako. Sige na matulog na tayo.”
“Ah basta! Bahala ka Buloy iiwan talaga kita.”

Lumipas ang isang linggo habang nagpipintura si Buloy ay sinigawan siya ng kanilang kapitbahay
patungkol sa nangyari kay Bugang. Patay na si Bugang, nabaril habang nang-hoholdap ng banko
sa bayan. Natupad nga ang kanyang pangarap. Ang mga tao ay isa-isang yumuyuko sa kaniyang
harap sa loob ng isang kahon na may salaming bubog. Tinitingala naman ng tao si Buloy sa
pagiging isang pintor sa malalaking gusali na kaniyang natutunan sa masikap na pagtiya-tiyaga at
kumikita ng sapat para sa kanilang mga anak ni Lucy.

You might also like