You are on page 1of 8

Ang Kuwento nina Bugan at

Kinggauan: Pag-ibig ng Isang


Bathala sa Isang Tao
Mito ng mga Ifugao
Salin sa Filipino ng The Story of Bugan and Kinggauan: Or the Marriage of a Goddess with a
Man ni H. Otley Beyer
May isang bathala, si Hinumbian, at ang asawa niya ay si Dakaue. Sila ay nagkaanak ng
isang babae, si Bugan. Magkakasama silang pamilya sa Luktag (ikalawa sa mga suson
o layer ng kalangitan. Ang pinakamataas ay ang Hudog, sunod ay Luktag, pangatlo ay
Hubulan, at panghuli ay Kabunian na pinakamalapit sa lupa.).
Noong si Bugan ay dalaga na, inanyayahan siya ng kanyang tiyong si Baiyubibi, bathala ng
ulan, na bumaba sa ikatlong rehiyon ng langit na Hubulan. Inimbitahan siya rito sapagkat
doon sa Luktag, wala siyang gustong mapangasawa. Pagkarating dito, pinayuhan siya ng
kanyang mga kamag-anak na humanap ng mapapakasalan. Ngunit ayaw pa rin niya.
Pinababa nila siya sa huling suson ng langit, sa Kabunian. Nanirahan siya sa bahay ni
Liddum, tagapangalaga sa Kabunian. Niligawan siya nito, ngunit inayawan niya rin ang
inialay nitong pag-ibig.
Malapit sa bahay ni Liddum (ang napangasawa ay nagngangalang Lingan) ay may isang
lugar na tinatawag na Habiatan na pinaninirahan ng diyos na gayon din ang ngalan.
Dumalaw si Habiatan kina Liddum, at dooy nakita niya si Bugan. Itinanong niya, Ang
magandang dalagang ito, bakit hindi pa siya nag-aasawa?
Sinagot siya ni Liddum, Sinabihan na namin siya, ngunit ayaw niya. Tinanong ko siya kung
bakit. At, alam mo ba? Tumawa lamang siya. Kayat winika ko, Kung hindi mo gustong magasawa rito sa Kabunian, ang mabuti pay umuwi ka na roon sa inyo sa Luktag. At tumugon
siya: Hindi mangyayari iyon. Nais kong manatili rito sa iyong bahay. Ako ang bahala kung
kailan ko gustuhing magpakasal. Kapag nakakita o nakatagpo ako ng maiibigan ko,
sasabihin ko sa iyo.
Pagkarinig niyon, nagsalita si Habiatan. Kung gayon, pasamahin mo sa akin si Bugan.
Dadalhin ko siya sa amin at ipakikilala ko sa aking anak na si Bagilat (diyos ng kidlat).
Mabuti nga kung gayon. Tatawagin ko lamang siya, sang-ayon ni Liddum. Si Bugan ay
pumayag naman.
Pagkarating sa Habiatan, dinatnan nila ang binatang si Bagilat na nagtatrabaho. Tinanong ni
Habiatan ang diyosa, O, Bugan, tingnan mo. Hindi bat maganda siyang lalaki? Nais mo ba
siyang pakasalan?
Sumagot si Bugan, Siya? Paano ko siya pakakasalan? Ang tapang at ang bagsik kaya niya.
Tingnan ninyo, nakapangingilabot ang paggamit niya sa kanyang nakatatakot na sibat! Hindi
rin siya marunong tumigil, takbo siya nang takbo rito sa buong kalangitan, sa hilaga, sa

timog, sa silangan, sa kanluran. At higit sa lahat, ayaw ko ng kanyang ginagawang


pagwasak sa mga halaman, sa mga puno, at sa mga prutas, dahil baka pati ako ay
masaktan niya!
Pagkatapos ay nawika ni Habiatan, Naku, maselan ka pala. Pihikan! Mapili! Tunay ngang
hindi madali sa iyo ang makapag-asawa. Kung ayaw mo rin lang palang magpakasal, dapat
ay bumalik ka na roon sa inyo sa Luktag.
Sumagot si Bugan. Ayaw ko nang bumalik pa sa Luktag. Ibig kong magpakasal, subalit doon
sa lalaking aking maiibigan. Paumanhin sa inyo. Akoy aalis na.
At umalis nga siya sa bahay ni Habiatan. Habang siyay naglalakad-lakad, napagmasdan
niya ang lupa sa ibaba. Maaliwalas at payapa ang panahon kaya maliwanag niyang nakikita
ang mundo. Natawag ang kanyang pansin ng isang lugar na tinatawag na Pangagauan. Sa
gitna ng gubat doon, may isang Ifugao na nagngangalang Kinggauan isang binata,
nakahubad, walang suot na bahag (sapagkat ang kanyang bahag ay lubhang luma na), at
nagtatrabaho. Gumagawa siya ng mga hukay na patibong para sa mga usa, at mayroon
siyang tirahang kubo. Nang makita siya ay biglang naibulalas ni Bugan: O! Kaawa-awang
lalaki! Kahabag-habag ang kanyang kalagayan! At, walang anu-anoy tumakbo siyang
pabalik sa Luktag. Ipababatid niya sa kanyang ama, si Hinumbian, na ibig niyang bumaba sa
daigdig at pakakasalan niya si Kinggauan.
Pumayag naman ang kanyang ama, at siya nga ay bumaba sa mundo. May dala-dalang
isang lalagyang naglalaman ng lutong kanin at isang bahag, nagtungo si Bugan sa kubo ni
Kinggauan. Pagkapasok, kanyang itinanong, Sino ang nagmamay-ari ng kubong ito?
Nagulat si Kinggauan at siyay agad na nagtago. Ako, sagot niya sa nagtanong, ngunit
akoy nahihiyang lumabas sapagkat babae ka at wala akong suot.
Wika naman ni Bugan, Di bale! Hindi ka dapat mahiya. Heto, may dala akong bahag para sa
iyo.
Ngunit hindi pa rin lumabas ang lalaki dahil sa hiya. Kung kayat inihagis na lamang ni Bugan
ang bahag na kinuhat isinuot naman ni Kinggauan. Laking gulat ng lalaki nang makita ang
babae at winika, Bakit ka naparito? Hindi mo ba alam na isang malaking kamalasan kapag
ang babae ay nakipagkita sa lalaki habang gumagawa ng mga patibong sa pangangaso?
Sagot naman ng babae, Bahala ka sa iyong iniisip, ngunit sinasabi ko sa iyo: sa halip na
kamalasan, isang malaking suwerte ang darating sa iyo dahil sa akin. Sa ngayon, halika,
sabay tayong kumain at matulog dito sa iyong bahay. Bukas na bukas din, makikita natin
ang iyong suwerte sa pangangaso mo.
Nang sumunod na araw, pinuntahan nila ang mga patibong na hinukay ni Kinggauan, at ang
mga iyon ay punung-puno ng mga hayop. Pinatay ni Kinggauan ang mga nahuli at buong
araw ay wala siyang ginawa kundi iyon at ang pagdadala ng mga ito sa kanyang kubo.

Nagtira lamang siya ng dalawang buhay na hayop dalawang biik, isang lalaki at isang
babae na pinaalagaan niya kay Bugan.
Kinabukasan, inusisa ni Bugan si Kinggauan. Matanong ko lang, bakit mag-isa ka lang na
naninirahan sa ganitong klase ng lugar?
Dahil ang mga magulang ko ay mahirap lamang at silay kuripot. Hindi nila kayang ibigay
ang aking pangangailangan, malungkot na sagot ng lalaki.
Halika. Pumunta tayo sa inyo, biglang yaya ng babae.
Ha? A e
Sige na. Gusto kong makita ang mga magulang mo, pangungulit ni Bugan.
Napapayag naman si Kinggauan. Iniwan nila ang kubo pati ang mga nahuling hayop. Ang
dala lamang nilay ang dalawang biik. Nagtungo sila sa Kiangan kung saan naroon ang mga
magulang ng binata.
Unang pumasok sa bahay si Kinggauan, kasunod si Bugan. Dinatnan nila roon ang kanyang
ina. Nagulat ang matanda, Aba, sino ang babaeng ito?
Naroroon lamang po ako sa aking bahay nang bigla siyang lumitaw. Ni hindi ko nga po alam
kung saang lupalop siya nanggaling.
Ang matandang nanatili sa pagkakaupo, matapos mapagmasdan ang dalawa, ay tinanong si
Bugan. Binibini, ano ang iyong pangalan? At saan ka ba nakatira?
Sumagot ang dalaga. Ako po si Bugan, anak nina Hinumbian at Dakaue, isa po akong
bathala sa rehiyon ng langit na tinatawag na Luktag. Subalit ako po ay bumaba rito sa lupa,
sapagkat nais ko pong samahan ang inyong anak. Nakita ko kasi siyang nag-iisa at lubhang
nalulungkot. Naawa ako kaya dinalaw ko siya sa kanyang bahay at pinagkalooban ng
suwerte sa pangangaso. A, siya nga po pala, bukas po, dapat tayong magpadala ng mga tao
roon sa kubo niya upang kunin ang napakaraming mga hayop na kanyang nahuli.
Namangha ang matanda sa mga sinabi ni Bugan. Nagkataong ang pangalan ng ina ni
Kinggauan ay Bugan din, na may karugtong na na kantalao.
Hindi naglaon, nagpakasal ang binata at dalaga, ngunit hindi maringal (enggrande) o pormal
na kasal. Nagsilang si Bugan ng isang malakas na sanggol na lalaking pinangalanan niyang
Balituk. Ang mga biik na dinala nila ay lumaki na at nagkaroon na rin ng anak.
Sapagkat galing sa langit, si Bugan ay hindi kumakain ng mga pagkaing gaya ng kinakain ng
mga tao. Ang gusto lamang niya ay kanin, mga ibon, at karne ng mga hayop na nahuhuli ng
kanyang bana (asawang lalaki). Ang mga tao sa kanilang lugar ay hindi siya nagustuhan

dahil hindi niya sila katulad, isa siyang estranghero sa kanila. Lalo pang tumindi ang
kanilang inggit at galit sa kanya nang makita nila ang napakarami niyang alagang mga ibon
at baboy. Pagkatapos ay kanilang nalamang ayaw ni Bugan ng ilang mga gulay at isda. Kung
kayat isang araw ay pinalibutan nila ang bahay niya ng mga ito. Nagtagumpay sila, at si
Bugan ay nagkaroon ng matinding pangangati sa katawan at mataas na lagnat. Lumisan
siya sa kanyang bahay at nanirahan sa ibang lugar, habang si Kinggauan naman ay tumira
sa isang kamalig o imbakan ng mga bigas. Subalit ang mga tao sa pook na kanyang
tinuluyan ay nagalit din sa kanya at naglagay na naman ng mga gulay at isda sa kanyang
paligid. Hindi siya gumaling sa sakit at nagdulot pa ang mga ito ng pagsusuka.
Bunga ng masasamang pakana ng mga tao, iminungkahi ni Bugan kay Kinggauan na
pumunta sila sa langit, sa Luktag, kasama ang kanilang anak. Sinagot siya ni Kinggauan,
Gusto sana kitang samahan, Mahal, ngunit lubha akong natatakot na umakyat sa gayong
kataas na lugar. At isa pa, tirahan iyon ng mga bathala. Akoy isang hamak na tao lamang.
Walang dahilan para ka matakot, Mahal, sabi naman ni Bugan, dahil ako mismo ang
magdadala sa iyo sa itaas gamit ang ayud (isang uri ng duyan). Ako ang bahala sa iyo.
Ngunit anumang pilit na gawin ni Bugan, hindi naisantabi ni Kinggauan ang kanyang takot.
Naisipan ni Bugan na gumamit ng lubid. Una siyang umakyat sa langit bitbit ang kanilang
anak. Siyay nakarating na sa itaas, subalit si Kinggauan ay hindi sumunod sa kanya. Kung
kaya, bumaba siyang muli, bitbit pa rin ang kanilang anak at hinarap ang bana.
Ano ka ba naman, Kinggauan? Alam mo naman ang ginawa sa akin ng mga kababayan mo.
Matindi ang galit nila sa akin sukdulang ikamatay ko. Kailangan kong lisanin ang inyong
bayan. Ngunit ayaw mo namang sumama sa akin sa Luktag. A, ang tanging magagawa
natin ay hatiin ang ating anak.
Ano?! gulat na tanong ni Kinggauan.
Ngunit bago pa man siya nakatutol, nakakuha na ng kutsilyo si Bugan at hiniwa ang batang
si Balituk. Hinati niya ito sa gitna, sa bandang baywang. Ang ulo at itaas na parte ng
katawan ay ibinigay niya kay Kinggauan sa pag-iisip na mas madali para sa banang
buhaying muli ang bahaging ito. Sa kanya naman ang ibabang parte hanggang paa. Ang
mga lamang-loob, bituka, puso, atay, maging ang dumi ng bata ay pinaghahati rin ni Bugan
at ibinigay ang mga kalahati sa kanyang bana. Pagkatapos nito, umakyat na si Bugan sa
langit. Doon ay binugahan niya ng hininga ng buhay ang dala-dala niyang bahagi ng
kanyang anak. Ito ay nabuhay muli at naging isang bathalang pinanatili ang pangalang
Balituk.
Sa kabilang dako, ang mga bahaging kay Kinggauan ay nabulok at nasira, dahil isa lamang
siyang tao at wala siyang alam at kakayahan sa pagbuhay muli ng mga patay. Ang mabaho
at umaalingasaw na amoy ng mga nabulok na laman at lamang-loob ay umabot sa tirahan ni
Bugan sa Luktag. Nagtungo siya sa Kabunian para malaman kung ano iyon, at natagpuan

niya ang mga bahagi ng katawang iniwan niya kay Kinggauan. Labis siyang nahabag at
naghinagpis sa nakitang nangyari sa anak. Bumaba siya sa Kiangan at dooy pinagalitan at
sinumbatan si Kinggauan. Anong ginawa mo sa anak natin?! Ang tindi mo! Wala kang awa!
Wala kang silbi! Binulok mo siya! Bakit wala kang ginawa? Bakit hindi mo siya binuhay?!
Ngunit anong magagawa ko?! Anong alam ko sa pagbuhay ng tao? Wala akong
kapangyarihan para gawin iyon! Tao lamang ako, Bugan! pangangatuwiran ni Kinggauan.
Sa huling sinabi ng kanyang bana ay nagimbal si Bugan. Nawika niya sa sarili, Hangal! Isa
akong hangal! Tao lamang siya! Bakit nawala sa isip ko ang bagay na iyon?! Pagkatapos ay
nagmadali siyang kunin ang mga nabulok na bahagi ng anak niya. Maingat niyang tinanggal
ang mga nasirang parte at inihiwalay ang mga ito. Sa mga nalabing bahagi, ang ulo ay
ginawa niyang kuwago, isang panggabing ibong tinatawag na akup ng mga Ifugao. Sa ibong
ito nagsimula ang isang pamahiin ng mga Ifugao nagdadala ang akup ng kamalasan, kung
kayat dapat silang mag-alay ng mga ibon kay Bugan upang hindi na sila lapitan o
gambalain ng akup.
Ang mga tainga naman ay itinapon ni Bugan sa gubat at tumubo ang mga ito sa mga puno
bilang mga mapanganib na halamang-singaw (isang uri ng fungi). Ang ilong ay inihagis din
niya sa gubat at ginawang isang uri ng mga kabuteng nakadikit din sa mga puno. Ang dumi
naman ng anak ay ginawa niyang tuka ng isang maliit na ibong tinatawag na ido* na
nagpapasya ng kapalaran o kamalasan ng tao.
Sa nabubulok na dila ay gumawa siya ng isang sakit pamamaga ng dila ng mga tao na
magagamot lamang ng nilagang itlog o manok na iaalay nila kay Bugan.
Mula sa mga tadyang ay lumikha siya ng mga makamandag na ahas. Mula sa puso, gumawa
siya ng bahaghari. Mula sa mga daliri, gumawa siya ng mga kabibe, mahahabang kabibeng
parang mga daliri. Ang buhok naman ng anak ay itinapon niya sa tubig, at iyon ay naging
maliliit na bulati at uod. Sa balat ay gumawa siya ng isang ibong kulay pula, ang kukuk. Sa
dugo ay lumikha siya ng maliliit na mga paniki (litalit). At gamit ang atay, gumawa siya ng
isang sakit sa dibdib ng mga tao. Mula sa mga bituka, lumikha siya ng medyo malalaking
hayop na kahawig ng kuneho o daga (amunin?). At gamit ang mga buto ng braso, gumawa
siya ng mga bulok na kahoy na nahuhulog mula sa mga puno at bumabagsak sa mga taong
naglalakad.
Ang mga nilikhang ito ni Bugan ay pawang mga bagay na mapanira sa mga tao, bilang ganti
at parusa sa kanilang mga ginawang pagpapahirap sa kanya noong siya ay namumuhay sa
mundo

ANG ALAMAT NG HAGDAN-HAGDANG PALAYAN -Ang Hagdan ni Bathala

Kuha ni Jonathan Velasco

Noong unang panahon, ang mga naninirahan sa mga bulubundukin ng Pilipinas ay


biniyayaan ng masaganang buhay ni Bathala. Ngunit, lumipas ng maraming taon,
unti-unting nakalimot ang mga tao at linapastangan ang kanyang mga linikha.

Nagtampo si Bathala sa mga tao, makalipas ng ilang taon di nakatiis at nagalit.


Lumapit ito kay Kabunian, isang anitong nakatira sa bulubundukin at inutusan
parusahan niya ang mga tao. Ngunit, tumanggi si Kabunian at nagmakaawa siya na
bigyan pa ang mga tao ng pagkakataon.

Naawa ang Bathala dahil minamahal ni Kabunian ang mga taga-lupa at sinabihan si
Kabunian na maghanap ito na isang tao na may mabuting puso at may takot sa
diyos upang di niya lilipulin ang sangkatauhan. Malugod na tinanggap ni Kabunian
ang hamon ng Bathala.

Nagtungo si Kabunian sa isang mag-asawang nakatira sa Bundok Pulog,


pinakamataas na bundok sa buong lupalop. Si Wigan ay isang mabait na
magsasaka, kasama niya ang asawang si Bugan. Di sila nasisilaw sa kayamanan at
piniling mabuhay ng tahimik sa paanan ng bundok.

Kuha ni James Bertuso

Nagpakita si Kabunian kay Wigan, ipinaalam nito na galit si Bathala sa mga tao at
sinabihan umakyat sa Bundok Pulog upang mag-alay kay Bathala. Nag-isip si Wigan
kung paano niya akyatin ang matarik na bundok dahil wala pang taong nakagawa
nito.

Habang nag-iisip si Wigan, napansin niya ang hagdanan ng kanilang balay patungo
sa tuktok ng kanilang bubungan. Gumawa ng plano si Wigan upang makabuo ng
pormang hagdanan paakyat ng bundok at linakihan ito para naman kay Kabunian.

Nawawalan na ng pasensiya si Bathala sa mga tao at binalaan niya si Kabunian.


Muling nagmakaawa si Kabunian na bigyan pa siya ng kaunting panahon. Makalipas
ng ilang taon, habang gumagawa ni Wigan ng hagdan sa bundok, biglang
nagkaroon ng digmaan sa lupa.

Nagalit si Bathala at linipol niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng malaking


baha.Kahit patuloy ang malakas na buhos na ulan, patuloy pa rin si Wigan na
gumawa ng hagdan. Dahil sobrang taas ang bundok, hindi pa inabot ito ng tubig

Sa wakas, inabot ni Wigan ang tuktok ng bundok at agad na nagsindi ng apoy


upang mag-alay kay Bathala. Nagmakaawa si Wigan na tigilan na ang baha.
Pinakinggan siya ng Bathala at nagpakita siya kay Wigan at sinabing bigyan pa niya
ang sangkatauhan ng isa pang tsansa.

Kuha ni Loraine Ricaborda


Dahil dito, katuwang na ni Wigan ang mga nakaligtas na tao upang gumawa pa ng
maraming hagdan. Sa tulong na rin ni Kabunian, gumawa sila ng maraming hagdan
at pagdaan ng maraming taon, tumubo ng mga palay at iba pang halaman upang
may makain ng mga tao.
Dito nabuo ang mga Hagdan-Hagdan Palayan sa Mt Province. Hanggang ngayon,
napanatili ng mga tao sa Ifugao ang ganda ng hagdan dahil sa pagmamahal sa
Maykapal. Ayon sa iba, ginamit daw ni Bathala ang hagdan-hagdang palayan upang
bumaba sa lupa at makihalubilo sa mga tao. #30

You might also like