You are on page 1of 12

Ang Alamat Ng

Bubuyog
Noong unang panahon, may pamilyang
nakatira sa Barangay Santiago. Sila ay
pinagkalooban ng dalawang anak na si Boboy
at Bela.
Isang umaga, habang namamasyal
sina Boboy at Bela ay nakakita sila
ng magandang bahay.Maraming puno
sa paligid at sari-sari ang halamang
namumulaklak.
Nang makapasok ang dalawa ay
agad nilang tinungo ang likuran ng bahay.
Marami silang nakitang mga bulaklak at paru-
paro. Talaga namang namangha sila sa nakita.
Nabighani ang dalawa sa
kanilang nakita, kaya
napagkasunduan ng dalawa na
pasukin ang bahay.
Napakaganda
rito Bela, nais kong
manghuli ng paru-
paro” sabi ni Buboy.

Huwag mong gawin


yan Buboy. Masama
yan, magagalit sina
Tatay at Nanay.
Hindi nakinig si buboy sa kapatid. Tinungo
niya ang mga paru-paro at hinuli ang mga ito.
Nagsiliparan ang mga ito sapagkat natakot kay
Buboy.
Nang naging bubuyog si Buboy, biglang
nagbago ng anyo ang reyna.
Dapat kang parusahan sa ginawa mo. Wala
kang awa sa mga paru-paro” wika ng reyna.
Pinarusahan si Buboy ng reyna at ginawa
siyang Bubuyog. Anong nangyari sa akin? Bakit
nagbago ang hitsura ko?
Hinanap ni Bela ang kapatid ngunit hindi na
niya ito nakita. Buboy asan ka na?Bobooy……
Dahil sa labis na pagkawala ni Buboy,
nagtanim ng nagtanim si Bela ng mga
puno,gulay at namumulaklak na halaman. Hindi
siya nawawalan ng pag-asa na balang araw ay
magbabalik ang kanyang kapatid na si Buboy.
Aral
Makinig sa bilin ng magulang at sikaping
maging mabuting bata.

JONALYN A. BAUTISTA

You might also like