You are on page 1of 1

KWENTO TUNGKOL KAY BISIRO

Isang araw, kasama ng kanyang ina si Bisiro. Naghahanap sila ng sariwang damo.
Maa! Maa! Maa! Inay, maaari po bang pumunta ako roon? Nakita ko po kasi na sariwa
ang damo roon, sabi ni Bisiro. Oh sige Bisiro, huwag ka lamang lalayo at baka maligaw
ka, sabi ng kanyang ina.
Napunta si Bisiro sa lugar na maraming damo. Napalayo siya sa kanyang ina. Napunta
si Bisiro sa lugar na hindi niya alam at hindi na rin niya alam ang daan pauwi sa
kanyang ina.
Naku! Wala si inay! Naligaw na yata ako. Maa! Maa! Maa!, ani ni Bisiro. Walang
sumasagot sa kanya. Sa paglalakad, nasalubong niya si Muning. Ngiyaw! Ngiyaw!
Ngiyaw! Kumusta ka? Tila nag.iisa ka kaibang Bisiro? Maa! Maa! Maa! Nawawala ako.
Nakita mo ba ang nanay ko? Patuloy sa paglalakad si Bisiro. Nasalubong niya si
Bantay. Aww! Aww! Aww! Nag.iisa ka yata Bisiro? Kumusta na? Matagal na tayong
hindi nagkikita. Maa! Maa! Maa! Naliligaw ako. Hindi ko na alam ang pauwi sa amin.
Tulungan mo ako! Sige, sasamahan kita sa pag.uwi.
Sa paglalakad ng dalawa,naraanan nila si Tango. Kra! Kra! Kra! Tila naliligaw kayong
dalawa. Nakita mo ba ang nanay ko? ani ni Bisiro. Sinamahan ko si Bisiro pauwi sa
kanila, ani ni Bantay.
Maya-maya, narinig nila na may tumatawag kay Bisiro!
Bisiro! Bisiro! Nasaan ka? Tuwang-tuwa na hinanap ni Bisiro ang naghahanap sa
kanya. Sumigaw siya ng malakas. Maa! Maa! Maa! Narito ako.
Nakita niya si Lito, ang nag.aalaga sa kanya at tumuturing sa kanya na kaibigan.
Hay! Salamat! Nakita rin kita Bisiro, akala ko mawawalan na ako ng matalik na
kaibigan. Halika! Umuwi na tayo!

You might also like