You are on page 1of 48

Soulmates Forever

Prologue

"Kumapit kayo! Wala tayong preno!"

Nagkagulo ang mga pasahero ng bus dahil sa sinabi ng drayber noon. Nagtilian at
nagsigawan, takot na takot.

"Diyos ko!"

"Tulungan nyo kami!"

"Ayoko pang mamatay!"

Humawak si Yuna sa kamay ng katipan. Ramdam din niya ang takot pero alam niyang
wala silang magagawa. Iisa lang ang nasa puso niya. Kung mamamatay siya, kasama
niya ang mahal niya.

"Yuan, natatakot ako..."

Niyakap siya ni Yuan, mahigpit, parang gustong takpan ang buong katawan niya. Alam
niyang matatag ang loob ng binata, pero ramdam niya, umiiyak ito.

"Yuna, magdasal tayo..."

"Yuan, mahal na mahal kita. Anuman ang mangyari ngayon, dalhin mo ang pagmamahal
ko."

"Huwag kang magsalita ng ganyan, Yuna. May awa ang Diyos."

"Ipangako mo, Yuan. Mamatay man tayo, magsasama tayo sa kabilang buhay."

"Oo, mahal ko. Pangako. Hahanapin kita..."


Naramdaman nilang gumiwang-giwang ang bus. Narinig nila ang paglakas ng sigawan ng
ibang pasahero.

Padausdos ang daan patungo sa isang kurbada, pero dahil walang preno, hindi nagawa
ng bus na makaliko. Lumisya ito sa daan at dumiretso sa isang bangin.

"Yuan, huwag mo kong bibitawan ha..."

"Hinding-hindi, Yuna. Hinding-hindi..."

Chapter 1
"Brown Out"

"Yuna..."

Kinilabutan ako sa narinig kong iyon. Malamig na boses, parang galing sa hukay,
parang umiiyak.

Agad kong kinuha ang celphone ko. Idinayal ko agad ang number ng kaibigan kong si
Bruce.

"Brenda? Bakit ka tumawag?"

"Bruce, nasan ka na ba? Bakit ang tagal mo?"

"Di ba sabi ko bibili lang ako ng kandila at posporo?"

"E bakit ang tagal mo nga?"

"E malayo kaya yung tindahan. Eto na nga o, pabalik na ako."

"Bilisan mo! Kinikilabutan ako dito! Bakit kasi iniwan mo ako dito?"
"At kung isasama kita, bibitbitin natin yang mga bag natin papunta sa tindahan at
pabalik?"

"E bakit kasi nakakatakot itong bahay ng mga lolo mo?"

"At bakit ka matatakot diyan? Walang mumu diyan, oy. Born again ang lolo at lola ko
nung namatay. Siguradong sa heaven ang punta nila."

"Bilisan mo kasi, parang may narinig akong umiiyak."

"Baka ligaw na pusa lang yun."

"May pusa bang may tinatawag na pangalan ng tao?"

"E di ba yung mga pusa pinapangalanan din ng pangalang tao?"

"Sira! Papano naman makakapagsabi ang pusa ng pangalan ng tao? Bilisan mo na kasi!"

"Ayan na ko! Malapit na. Tanaw ko na yung bahay!"

Ilang minuto pa ay bumukas bigla ang pinto. Muntik na akong himatayin sa gulat.

"Nandito na ko!" pasigaw pang anunsyo ni Bruce.

Sa inis ko, pinagsusuntok ko siya sa balikat. "Sira ka! Abnormal ka! Tinakot mo
ako!"

Tawa siya nang tawa. Nagsindi siya ng kandila at ipinatong iyon sa mesita.

Agad naman akong yumakap sa braso niya. Takot pa rin ako.


"Bakit kasi nagba-brown out dito?" reklamo ko. "Bakit dito mo pa napiling
magbakasyon?"

"Uy, Zambales ito no?" sagot niya. "Malapit sa beach. Fresh pa ang air. Libre pa
ang bahay."

"Libre nga, haunted house naman yata."

"Ano ka ba? Hindi haunted house ito. Sampung taon pa lang ito naitatayo. Ipinatayo
ng daddy ko para kina lolo at lola. At hindi sila dito ibinurol noong namatay sila.
Sosi sila, sa memorial chapel sila ibinurol."

"Ano bang ikinamatay ng lolo at lola mo?"

"Aksidente sa bus."

Chapeter 2
"Ghost Hunting"

"Yuna..."

Napayakap ako kay Bruce nang di sinasadya. Hindi naman brown out noon. Nanonood
kami ng DVD, comedy pa.

"Bespren, ayun na naman. Ganun din yung narinig ko kanina."

Ramdam ko, kinabahan din si Bruce. "Hindi nga pusa iyon."

Lalo akong natakot. "May mumu nga yata dito..."

"Imposible naman. Ilang beses na kaming nagbabakasyon dito. Wala naman."

"E ano yun?"


Tumayo siya at hinaltak ako. "Tara hanapin natin."

Nasuntok ko tuloy siya sa balikat. "Ano? Sira ka talaga! Hahanapin natin yung
mumu?"

"Oo naman. Exciting yun. Ghost hunting."

"Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot, pero sabi ni Lolo noong nabubuhay siya, wala naman daw nagagawa ang mga
multo sa taong buhay maliban sa manakot."

"E papano kung atakihin ako sa puso sa takot?"

"Baliw. May sakit ka ba sa puso? E ang healthy-healthy mo. Athlete ka kaya."

"Oo nga. Pero natatakot ako e."

"Huwag kang matakot. Kahit makita natin yung mumu, hindi niya tayo maaano. Harmless
siya."

"Bespren, huwag na lang."

"Ano ka ba? Kasama mo naman ako e."

"Ayoko pa rin."

Humakbang siya palayo sa akin. "Sige ako na lang ang maghahanap. Iiwanan kita
diyan."
Agad akong humabol sa kanya. "Bespren naman e!"

"Ano? Sama ka o iwan ka?"

"Sama na lang..."

"Okey, tara na!"

Ayun. Nagpaikot-ikot na kami sa bahay. Silip sa mga kuwarto, silip sa kusina, silip
pati sa mga CR. Wala naman.

"May isa pang kuwarto," sabi ni Bruce. "Doon sa attic."

"Bespren, huwag na lang," pagsusumamo ko.

"Iwan kita diyan?" tanong niya agad.

"Sama na lang ako," sagot ko naman agad.

Umakyat kami sa ikalawang hagdan. Papunta iyon sa attic. Pagbukas ng pinto, namutla
kami pareho sa nakita namin.

Isang maputing anyo ng tao. Nakaupo sa isang gilid at umiiyak.

"Yuna..."

Chapter 3
"Crying Mumu"

Karipas kami ng takbo ni Bruce pababa. Pagdating namin sa sala, pareho kaming
humihingal sa pagod at takot.

"Sabi ko sa yo, may mumu e," reklamo ko.


"Oo nga, may mumu," sabi lang niya.

"E bakit pa kasi hinanap natin?"

"E syempre para alam natin kung meron nga o wala. Mahirap naman kung nakakarinig
tayo ng nakakatakot, hindi naman tayo sigurado."

"Anong gagawin natin, Bespren?"

"Ewan ko. Nagtataka nga ako kung bakit may mumu dito e."

"Baka lolo mo yun..."

"Imposible. Sabi ko nga, born again yung lolo ko. Hindi magmumulto yun."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Hindi siya yun. Saka ano ba yung pangalan na tintawag nung mumu?"

"Dinig ko, Yuna..."

"Hindi nga si Lolo yun. Paula yung pangalan ng lola ko. Ang galing nga e. Kasi
Paulo ang pangalan niya."

"Ano ba yan? Halos magkapangalan pa."

"Oo nga e. Destiny yata. Tingnan mo tayo. Bruce saka Brenda."

Nakurot ko siya. "Ano ka ba? Ano tingin mo sa atin, future couple?"


"Bakit hindi ba pwede?"

"Hoy mag-bespren tayo! Hindi tayo pwedeng maging couple!"

"Bakit naman hindi?"

"E papano kung maging couple tayo? Kung mag-away tayo? Kanino ka iiyak, aber?"

"Oo nga no."

"Pero teka, Bespren. Anong gagawin natin? Alis na lang tayo."

"Ano ka ba? Maghahatinggabi na. Wala na tayong masasakyan kahit traysikel."

"E papano yan, may mumu dito..."

"Hindi naman siguro siya masamang mumu. Umiiyak nga siya e. Kung masama siya, di
sana nung binuksan natin yung pinto, tinakot na niya tayo."

"Sana nga hindi siya masama."

"Baka ligaw na kaluluwa lang."

"Sana nga."

"Pero bakit may tinatawag siya?"

"Ewan ko. Bakit akong tinatanong mo?"


"Baka hinahanap niya yung asawa niya?"

"Asawa niya, Yuna ang pangalan?"

"Baka." Hinaltak na naman niya ako. "Tara, tanungin natin."

"Teka! Teka! Bakit natin tatanungin?"

"Baka nga hinahanap niya yung asawa niya. E wala naman dito. Kaya baka umalis na
siya."

"Kakausap natin?"

"Oo."

"Sira ka ba?"

"E para nga umalis na siya."

"Papano kung magalit yun?"

"Hindi naman siguro. Basta dapat mabait tayo."

"Nababaliw ka na, Bespren."

"Anong gusto mong gawin natin, manginig sa takot magdamag at mapuyat?"

"Ewan ko."

"Tara na. Para matapos na ito."


"Sige na nga."

Umakyat ulit kami ni Bruce sa attic. Nanginginig ako nang dahan-dahan niyang
binuksan ang pinto.

"Yuna..."

Nandoon pa rin yung mumu. Umiiyak. Ni hindi tumitingin sa amin.

"Excuse me po, Mr. Ghost," lakas-loob na sabi ni Bruce. "Sino po ba si Yuna?"

Biglang humarap sa amin yung mumu at pagalit na sumigaw.

"NASAN SI YUNA!!!"

_____________________________________

Author's Note:

Pause muna po ako dito. Update ko na lang po some other time.

Chapter 4
"Yuan"

"NASAN SI YUNA!!!"

Biglang sumara ang pinto at mga bintana.

Napasigaw ako sa takot.

Si Bruce, nanigas na sa takot. Hindi na makagalaw.

Sa isang kisap-mata, nasa harap ko na yung mumu. Halos isang dangkal na lang ang
layo sa mukha ko.

Sa takot ko, napapikit ako at napaiyak. Sa nanginginig kong boses, halos hindi ko
na alam kung ano ang sinasabi ko. "Para nyo na pong awa. Wala po kaming kilalang
Yuna. Patawarin nyo po kami kung naistorbo namin kayo..."

Biglang tumahimik ang paligid. Biglang nawala ang panginginig ko.

Pagdilat ko, nakita ko yung mumu, nakaupo ulit sa isang gillid, umiiyak pa rin.

"Kinuha nila si Yuna..." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi.

Napansin ko, nabawasan na ang lamig ng boses niya. Naging halos boses na ng tao.

"Nangako ako sa kanya na hindi ko siya bibitiwan... Pero hindi ko sila kaya...
Marami sila... Inagaw nila sa akin si Yuna..."

Si Bruce, bigla yatang natauhan at nawala ang paninigas. Bigla siyang napaupo.
Humihingal siya at parang nanghihina siya.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Natatakot pa rin ako noon pero parang bawas
na. Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko.

"Nararamdaman ko si Yuna..." sabi lang ng mumu. "Nandito pa siya... Kailangan ko


siyang makita..."

Nakaramdam ako ng awa para sa mumu. Parang totoo ang sinasabi niya. Siguro tama si
Bruce na asawa niya si Yuna. Inagaw daw si Yuna. Hindi raw niya natupad ang pangako
niya na hindi siya bibitawan. Kaya siguro iyak siya nang iyak.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob. Siguro dahil sa awa sa mumu.
Siguro dahil sa... ewan ko. Basta nagawa kong tingnan nang deretso ang mumu at saka
ako nagtanong.

"Pwede pong malaman ang pangalan nyo?"


Tiningnan niya ako.

Akala ko, mapapasigaw na naman ako sa takot. Pero hindi. Parang may kung anong init
sa puso ko na pumawi sa lahat ng takot ko. Sabi ni Bruce, pananakot lang daw ang
kayang gawin ng mumu sa mga buhay na tao. Maniwala kayo o hindi, pwede rin pala
nilang gawin ang kabaligtaran.

"Yuan..." sagot ng mumu.

Parang nagayuma ang puso ko sa pagbanggit niya ng pangalan.

Kumurap ako ng ilang beses. Pinilit kong paganahin ang isip ko dahil parang
nawawala na iyon.

Yuan... Yuna... Ano ba yan? sabi ko sa sarili ko. Magkahawig na pangalan na naman?

Naramdaman kong hinawakan ni Bruce ang kamay ko.

"Sabi sa yo, hindi siya ang lolo ko," sabi niya.

"Hindi nga," sagot ko.

"Anong pangalan mo?" tanong sa akin ng mumung si Yuan. Hindi niya inaalis ang mga
mata niya sa akin.

"Brenda po," sagot ko. "Ito naman si Bruce, bespren ko po."

Bahagyang ngumiti ang mumu. "Bagay kayo."

Lokong mumu ito a, sabi ko sa sarili ko.


"Salamat..."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit po kayo nagpapasalamat?"

"Salamat at dinamayan mo ako..."

Naisip ko, dinamayan ko ba siya? No choice lang ako, di ba? Closed windows. Closed
doors. No choice maliban sa makiusap at magmakaawa at makinig sa sasabihin niya.

Naalala ko, oo nga pala. Sabi nga pala ng psychology prof ko, llistening is the
best tool in couseling. Ha-ha-ha, nag-counsel ako ng mumu. Ano ba yan?

"Salamat at bumalik ka..."

Naisip ko, sa totoo lang, itong si Bruce ang nagyayang bumalik. Kesyo kausapin daw
namin. Kesyo baka daw umalis kung kakausapin. Eto ngayon, ako lang ang kausap. Para
ngang hindi siya nire-recognize.

"Bakit po kayo nandito?" tanong ko na lang.

"Hindi ko alam," malungkot na sagot ng mumu. "Parang may humahatak sa akin dito.
Parang may makakatulong sa akin dito."

Hindi ko rin alam kung ano ang sinasabi niya.

"Papano po kayo namatay?" tanong ko pa.

"Aksidente sa bus."

Naalala ko ang sinabi ni Bruce tungkol sa lolo at lola niya. "Bruce," kalabit ko sa
kanya.
"Narinig ko, Bespren," bulong niya. "Pareho sila ng ikinamatay ng lolo at lola
ko..."

"Bakit ganon?" tanong ko kay Bruce, pabulong.

"Hindi ko alam."

"Ano kaya yung sinasabi niyang makakatulong? Sino naman kaya yung umagaw sa
kaluluwa ng asawa niya?"

"Hindi ko alam. Bakit hindi mo itanong?"

"Ikaw na lang."

"E ikaw lang ang kinakausap e."

Lakas loob ulit. "Mr. Yuan... Sino po yung umagaw kay Yuna?"

Muli akong tinitigan ng mumu, pero hindi na siya nakakatakot sa paningin ko. Parang
may tumulong luha sa mga mata niya.

"Mga itim na espiritu," sagot niya. "Mga magnanakaw ng kaluluwa... Marami sila..."

"Ano po itsura nila?"

"Kamukha sila ni Kamatayan..."

Chapter 5
"Dark Spirits"

Kamukha ni Kamatayan? naisip ko. Marami sila? Lahat sila may pangalawit ng leeg?
Nakakatakot yata.
"Ano bang itsura ni Kamatayan?" tanong ni Bruce sa akin.

"Si Kamatayan lang, di mo alam?" tanong ko.

"Kaya nga ako nagtatanong e."

"Kamatayan. Grim reaper. Hindi mo alam?"

"Hindi nga. Ano ngang itsura niya?"

Biglang nagsalita ang mumung si Yuan. "Tumingin ka sa labas kung gusto mong
malaman..."

Napatingin kami sa kanya.

Seryoso ba siya? tanong ko sa sarili ko.

Bigla akong hinaltak ni Bruce. "Tara, tingnan natin."

"Baliw ka ba?" sabi ko. "Kung dark spirits nga yun na nangunguha ng kaluluwa, e di
tepok tayo."

"Hindi nila kayo pwedeng galawin..." sabi ni Yuan.

"Po? Bakit po hindi?" tanong ko.

"Hindi nyo pa oras..."

Napaisip na naman ako. So hindi kami pwedeng galawin kasi hindi pa namin oras
mamatay.
"Ayun naman pala e," sabi ni Bruce. "Tara na!" At hinaltak niya nga ako papunta sa
bintana.

Sumilip kami.

"Wala naman e," sabi ko.

"Sa ilalim ng puno..." sabi ni Yuan.

Nangilabot ako nang makita ko kung ano ang nasa ilalim ng puno.

Mga anino. Hindi. Mas masahol pa sa anino. Mukha lang silang anino sa simula, pero
nakakapangilabot ang itsura nila kapag tititigan mo sila. Parang lahat na yata ng
kapangitan at kasamaan sa mundo ay nasa kanila.

Agad akong sumandal sa pader. Ayoko nang tumingin.

Ganun din ang ginawa ni Bruce. "Ah, Mr. Yuan, sigurado kayong hindi nila kami
gagalawin?"

Tumango lang ang mumu. "Hindi sila nakakalapit sa bahay na ito..."

"Bakit naman po?"

"Hindi ko alam..."

"E bakit sila nasa labas?"

"Inaabangan nila ako..."

Huminga ako nang malalim at lumayo na sa bintana. "Mr. Yuan, kapag lumabas kayo,
aatakihin nila kayo?" tanong ko.
"Oo..."

"Ibig sabihin, hindi kayo makakaalis dito sa bahay na ito?"

"Ganun na nga..."

Nagkatinginan kami ni Bruce.

Patay ang bakasyon namin, sabi ko na lang sa sarili ko.

Chapter 6
"Noriel"

Nakaupo kami noon ni Bruce sa isang sulok ng attic room, medyo may kalayuan sa
mumung si Yuan, nang biglang tumayo ang mumu at nanlisik ang mga mata nito.

Napayakap ako kay Bruce nang makita ko ang tinititigan niya. Isang nilalang na
balot ng liwanag ang lumusot mula sa bubong papasok sa silid. Hindi ko maaninag ang
itsura ng katawan ng nilalang dahil sa liwanag. Tanging mukha lang ang bahagyang
naaaninag ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO!" galit na sigaw ni Yuan.

"Yuan, nandito ako para sunduin ka..." sagot ng maliwanag na nilalang.

"SINABI KO NA SA YO, HINDI AKO SASAMA!"

"Tinatawag ka na sa itaas, Yuan..."

"HINDI MO AKO PWEDENG ISAMA! HINDI KO IIWANAN SI YUNA!"

"Hindi pwede, Yuan..."


"SABIHIN MO SA AKIN KUNG NASAAN SI YUNA! ILILIGTAS KO SIYA!"

"Hindi ko pwedeng gawin yun..."

"PUWES, HINDI AKO SASAMA SA YO!"

"Yuan, hindi pwedeng tanggapin si Yuna sa itaas. Namatay siya na may kasalanan..."

"ALAM KO! PERO GINAWA NIYA LANG IYON DAHIL SA PAGMAMAHAL NIYA SA AKIN!"

"Ang kasalanan ay kasalanan, Yuan. Hindi iyon matatanggap sa itaas..."

Napasimangot ako sa pinag-uusapan nila. Hindi raw pwedeng makapasok si Yuna sa


langit? Dahil sa kasalanan? Kasalanan na ginawa ni Yuna dahil sa pagmamahal niya
kay Yuan? Masama bang magmahal?

Unfair naman yata yun.

"Hoy, Balot sa Puti!" tawag ko sa nilalang na maliwanag.

Lumingon sa amin ang nilalang.

Lalo akong napayakap kay Bruce. Hindi naman nakakatakot ang light creature na iyon,
pero baka kasi magalit, malalagot ako.

"Nakikita nyo ako?" tanong niya sa amin.

Sabay pa kaming tumango ni Bruce.

Tiningnan niya sandali ang galit na si Yuan, pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa
amin. "Binuksan ni Yuan ang mga mata nyo kaya nyo ako nakikita..."
"Hindi kami bulag, no?" sagot ko.

"Ibig kong sabihin, ang mata nyo na nakakakita ng mga espiritu..."

"Ano bang pinagsasasabi mo, ha Balot sa Pu...?"

Agad tinakpan ni Bruce ang bibig ko. "Sira, third eye ang ibig niyang sabihin."

Inis na inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. "Sus, totoo ba yun?"

"Nakita nyo ako," sabi ng nilalang na puti. "Ibig sabihin, totoo..."

"Sino ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Ako si Noriel, isang nilalang ng liwanag..."

"Angel ka ba, ha?"

"Hindi... Isa akong gabay..."

"Gabay?"

Kinurot ni Bruce ang pisngi ko. "Sira, spirit guide, ibig sabihin."

"Spirit guide?" tanong ko.

"Tungkulin kong bantayan ang mga tao at gabayan ang kaluluwa nila kapag namatay na
sila..."
"E di angel ka nga," sabi ko kay Noriel.

"Hindi. Tao ako dati."

"Wow, ibig sabihin, kapag namatay ako, magiging gabay din ako?"

"Depende..."

"Depende saan?"

"Kung mamamatay ka na walang kasalanan..."

Chapter 7
"Mercy"

"E bakit ba hindi pwedeng makaakyat sa langit si Yuna?" tanong ko kay Noriel.

"Dahil namatay siya nang may kasalanan," sagot ng nilalang na maliwanag.

"Ano bang kasalanan niya?"

"Pagsisinungaling... Pagnanakaw..."

"NAGSINUNGALING SIYA SA MGA MAGULANG NIYA PARA MAGTAGPO KAMI!" sigaw na naman ni
Yuan. "NAGNAKAW SIYA SA MAGULANG NIYA PARA MAY PERA KAMI SA PAGTATANAN NAMIN!"

"E ganun naman pala e," sabi ko kay Noriel. "Reasonable naman yun, di ba?"

"Ang kasalanan ay kasalanan. Hindi pwedeng makapasok sa itaas ang may kasalanan."

"Unfair naman yun. Nagmamahalan lang naman sila e. Di ba sabi ng mga pastor, God is
love?"
"Huwag mong ihambing ang pag-ibig ng Diyos sa pag-ibig ng tao."

"Hello? Look o, hindi na kaya sila tao. Kaluluwa na sila. Eventhough spirits na
sila, love pa rin nila ang isa't isa. Hindi ba counted yun?"

Natigilan sandali si Noriel. Maya-maya ay napailing siya. "Hindi pa nasusubukan ang


pag-ibig nila."

"Pagsubok?" naiinis kong tanong.

Pero hindi na niya ako sumagot. Hinarap na niya ulit si Yuan.

Kainis na gabay ito, sabi ko sa sarili ko. Suplado.

"Ang tapang mo, Bespren," bulong ni Bruce sa akin.

"E nakakainis e," pabulong kong sagot. "Hindi na naawa kay Yuan."

"Alam mo bang kapag sinapak na niyan, durog ang mukha mo."

Napatingin ako kay Noriel, sabay tago sa balikat ni Bruce. "Ganun ba?"

"HINDI AKO SASAMA SA YO, NORIEL!" sigaw na naman ni Yuan.

"Wala kang patutunguhan, Yuan..."

"HAHANAPIN KO SI YUAN!"

"Hawak na si Yuna ng mga alagad ng kadiliman..."


"AAGAWIN KO SIYA SA KANILA!"

"Hindi mo kaya..."

"MAS GUGUSTUHIN KO NANG MAPAHAMAK KESA IWANAN SI YUNA!"

"Kapag natalo ka nila, maglalaho ka. Maiiwan sa impyerno si Yuna na nagdadalamhati


sa yo..."

Nakita ko, parang pinanghinaan ng loob si Yuan. Napaupo siya at napaiyak na naman.
"Yuna..."

"Alam mo, Noriel Gabay, madaya kayo," sabad ko.

Sinubukang takpan ni Bruce ang bibig ko pero hinarang ko ang mga kamay niya.

"Akala ko ba mapagpatawad ang Diyos?" sumbat ko pa.

Masama ang naging tingin ni Noriel sa akin. "Mapagpatawad at maawain ang Diyos,"
sabi niya.

"E ikaw, hindi ka ba marunong maawa? Porke ba kaluluwa ka na, hindi ka mo na


nararamdaman ang sakit na nararamdaman ni Yuan?"

Sa isang iglap, nasa harapan ko agad si Noriel. Masama ang titig niya sa akin.
Napayakap na naman ako kay Bruce.

Lagot ako, sabi ko sa sarili ko. Nagalit na yata.

"Alam mo bang ako rin ang gabay ni Yuna?" sabi niya.


Umiling lang ako. Syempre, hindi ko alam, no?

"Alam mo ba kung gaano kasakit na ang binantayan mo nang napakaraming taon ay


maaagaw lang ng mga kaaway?"

Lakas-loob, sumagot ako. "E ganun naman pala e. Bakit hindi mo na lang siya
tulungang iligtas si Yuna?"

"Nawala na si Yuna sa paggabay ko. Ayoko nang mawala pa si Yuan..."

"Ikaw ba ang magdedesisyon noon?"

Natigilan siya. Humakbang siya palayo.

"Para mo nang awa..." narinig kong sabi ni Yuan.

Napatingin kami sa kanya.

"Bigyan mo ako ng pagkakataong iligtas siya... Bigyan mo siya ng pagkakataong


makapagsisi..."

Nakita ko, may pumatak na luha mula sa mga mata ni Noriel.

May puso rin pala ang mokong na ito, sabi ko na lang sa sarili ko.

Chapter 8
"Tulong"

"Sige," sabi ni Noriel bigla.

Napatingin si Yuan sa kanya, nabuhayan ng loob.


"Kung susubukan mong iligtas si Yuna, may posibilidad na maagaw ka ng mga kaaway,
at may posibilidad din na maglaho ka..."

"Handa akong magbaka-sakali para sa mahal ko..." sagot ni Yuan.

"Marami kang makakalaban..."

"Hindi ako susuko sa kanila..."

Napabuntung-hininga si Noriel. "Kung ganon, kailangan mo ng sandata."

Kumumpas si Noriel at biglang nagliwanag ang dibdib ni Yuan.

Napasigaw si Yuan sa kung anong nararamdaman niya dahil doon.

Gumapang ang liwanag mula sa dibdib niya papunta sa kanang kamay. Lumampas iyon at
unti-unting nagkahugis hanggang maging isang espada.

"Wow," nasabi ko tuloy.

"High tech," sabi naman ni Bruce.

"Parang light saber."

"Hindi. Parang laser sword."

Nakurot ko tuloy si Bruce. "Kadiri ka, Bespren. Oldies ka na ba? Laser sword, as in
Voltes 5?"

"Alam mo na siguro kung papano gamitin yan," sabi ni Noriel kay Yuan.
Tumango si Yuan. Tinitigan niya ang espada. Agad itong naging liwanag ulit at
bumalik sa dibdib niya.

"Hoy, Puting Gabay," tawag ko kay Noriel. "Sigurado ka, powerful yung espadang yun?
Di ba marami yung dark spirits? Baka kuyugin lang kayo ng mga yun."

Ngumiti si Noriel sa akin na parang nagyayabang. "Walang kadiliman ang


nangingibabaw sa liwanag."

"Nosebleed naman ng words nito," bulong ko.

"Ano ka ba, Bespren. Light saber nga, di ba? Dark spirits ang kalaban. Kapag
nagsindi ka ba ng ilaw sa dilim, may matitira bang dilim?"

"Meron, shadow."

"Bakit, may shadow ba sila?"

Napatingin ako kina Noriel at Yuan. Wala nga. Sa loob-loob ko, syempre wala, spirit
nga e.

Biglang nasa harap na namin si Yuan.

"Ay!" pagtili ko dahil sa gulat. "Ano ka ba, Mr. Yuan? Nananakot ka?"

"Pasensya na," sabi niya. "Kailangan ko ng tulong nyo."

"Ano namang tulong yun?"

"Kaluluwa na si Yuan," si Noriel ang nagpaliwanag. "Hindi na niya alam kung papano
maglakbay dito sa mundo. Pwede siyang makarating sa mga lugar na natatandaan niya
nang hindi naglalakbay, pero sa mga lugar na hindi niya alam, hindi niya magagawa."
"E di ikaw na lang ang tumulong sa kanya," sabi ko. "Gabay ka, di ba?"

"Hindi ko pwedeng gabayan ang isang kaluluwang pag-aari ng liwanag papunta sa


teritoryo ng kadiliman."

"Ibig mong sabihin, ako yung magdadala kay Yuan sa dark territory?"

Tumango si Noriel.

Kinilabutan ako. Naalala ko ang itsura ng mga dark spirits sa labas. "Teka lang,
teka lang. Sobra naman yata yun."

Nagulat ako nang lumuhod si Yuan sa harap ko. "Para mo nang awa..."

Napakamot ako ng ulo. Naawa ako sa mumung nasa harap ko. Love na love pa naman niya
si Yuna niya.

"Bespren," kalabit ko kay Bruce.

"Bakit?" tanong niya.

"Samahan mo naman ako."

"Ayoko nga."

"Ang daya mo naman. Para kang hindi kaibigan."

"Ayoko ngang maiwan dito."

______________________________________

Author's Note:
Comment naman diyan, please...

Chapter 9
"Berserk Mode"

"Saan ba yung dark territory na yun?" tanong ko kay Noriel.

"Sa isang lumang bahay na bato," sagot niya. "Sa paanan ng bundok sa silangan."

"Alam ko yun," sabad ni Bruce. "Haunted house yun a."

Kinalabit ko siya. "Alam mo naman pala, Bespren. Ikaw na lang kaya ang maggabay kay
Yuan?"

Agad siyang tumayo. "Sige. Maiwan ka diyan."

Agad din akong tumayo at humawak sa braso niya. "Biro lang."

Nakaluhod pa rin si Yuan sa harap namin. "Maraming salamat..."

"Hoy, Noriel Puti," tawag ko. "Ngayon na ba tayo pupunta doon?"

"Oo," sagot ni Noriel. "Kailangang mailigtas si Yuna bago mag-umaga."

"Bakit? Hindi ba siya pwedeng maarawan? Di ba kaluluwa na lang siya?"

"Kabilugan ng buwan ngayon. Sa huling oras bago lumiwanag sa umaga, kung saan
pinakamadilim ang gabi, bubukas ang lagusan papunta sa impyerno. Lahat ng mga
kaluluwang tinipon nila sa mga nagdaang gabi ay dadalhin na nila doon. Kapag hindi
tayo nakaabot, hindi na natin maililigtas si Yuna."

"Pero sabi ni Mr. Yuan, hindi raw kami gagalawin ng mga dark spirits dahil buhay pa
kami. Totoo ba yun?"
"Totoo, hindi kayo gagalawin. Pero pwede kayong saniban."

Kinilabutan ako sa sinabi niya.

Nanigas naman si Bruce sa kinatatayuan niya.

"Sigurado ka ba sa gusto mong gawin, Yuan?" tanong ni Noriel.

Tinitigan siya nang matalim ni Yuan. "Oo."

"Bespren, wag kang magpapasanib sa dark spirits ha," sabi ko kay Bruce. "Sige ka,
hindi na kita kakausapin forever."

"Ikaw din, Bespren," sagot niya. "Or else, goodbye."

"Tara na," yaya ni Noriel.

Atubili kaming sumunod.

Paglabas namin ng bahay, nagsuguran sa amin ang mga dark spirits.

"Nanay ko!" sigaw ko dahil sa takot. Yumakap ako nang mahigpit kay Bruce at itinago
ang mukha ko sa dibdib niya.

Naramdaman ko, nanginginig din siya sa takot.

"RRRRROOOOAAAAARRRR!"

Boses iyon ni Yuan. Napalingon ako. Kitang-kita ko, sinalubong ni Yuan sa ere ang
mga pasugod na dark spirits. Nakalabas ang espada niyang maliwanag. Para siyang
naghuhuramentado. Bawat wasiwas niya ng espada, naaagnas ang mga tinatamaan.
"Nakakatakot naman siya..." bulong ko kay Bruce.

"Astig nga e," sabi ni Bruce. "Berserk mode."

"Ano yan, anime?"

"Oo. Ang galing."

Napansin ko, nakatayo lang si Noriel sa harap namin.

"Hoy, Noriel in white, bakit di mo tulungan si Mr. Yuan doon?"

Biglang may dalawang dark spirits na lumitaw sa gilid namin.

"Huwag po!" sigaw ko, takot.

Bigla na lang naagnas ang mga iyon. Pagtingin ko, may espada na rin si Noriel. Siya
pala ang tumapos sa dalawang impakto.

"Ano?" tanong ni Noriel sa akin. "Tulungan ko ba si Yuan?"

Sunud-sunod ang pag-iling ko. "Huwag. Diyan ka lang."

Chapter 10
"Flashback"

Naglalakad na kami sa malubak na daan papunta sa paanan ng bundok. Siguro mga


kalahating oras na kaming naglalakad noon. Nalagpasan na rin namin ang huling bahay
sa dulo ng huling baryo at puro bukirin at kagubatan na lang ang nadadaanan namin.

"Bespren, malayo pa ba?" tanong ko.


"Mga isang oras pa," sagot niya.

"Ang layo naman. Pagod na ako."

"Sinungaling," sabad ni Noriel. Nandoon pala siya sa likuran namin. "Hindi ka pa


pagod. Tinatamad ka lang."

"At bakit mo naman nasabi na hindi ako pagod?"

"Kaluluwa ako," sagot niya. "Nakikita ko ang lahat ng detalye ng katawan mo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bigla kong tinakpan ng kamay ko ang
dibdib ko at ang pagitan ng mga hita ko.

"Bespren, anong ginagawa mo?" tanong ni Bruce.

"Bespren, nakikita daw niya lahat ng detalye ng katawan ko. Ang bastos niya."

Napakamot ng ulo ang kaluluwang maputi. "Ang dumi naman ng isip mo. Wala na akong
katawan, ano? Papano ako makakaisip ng bastos?"

"Aba, malay ko ba," sabi ko.

Inakbayan ako ni Bruce. "Bespren, kaluluwa nga siya ng liwanag, di ba?" sabi niya.
"Ibig sabihin, hindi siya nag-iisip ng masama o bastos."

Sinimangutan ko si Noriel. "Sige na nga, marumi nang isip ko."

"E Mang Noriel," hirit ni Bruce. "Ano bang kwento nina Yuan at Yuna?"

"Mahabang kwento yan," sagot ng gabay.


"E di iklian mo," sabi ni Bruce.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo naman."

"Ako din, gusto kong malaman," sabad ko.

"Tsismosa," pang-aasar ni Bruce sa akin.

"Sige, tigil muna tayo tapos pikit kayo," sabi ni Noriel.

Tumigil kami sa paglalakad at pumikit. Naramdaman ko, may kung anong mainit-init
ang dumapo sa noo ko. Biglang nagliwanag, nakakasilaw na liwanag. Nang humupa ang
liwanag, parang nag-iba ang kinaroroonan ko. Parang napunta ako sa beach,
tanghaling tapat, may mga nagsu-swimming.

"Hi," sabi ng isang dalaga sa isang binatang may dala-dalang sagwan ng bangka.

"Hello," sagot naman ng binata.

"Mamamangka ka?" tanong ng dalaga.

"Oo," sagot ng binata. "Titingnan ko kung may laman yung baklad namin."

"Pwedeng sumama?"

Parang gustong tumanggi ng binata pero hindi niya magawa. "S-Sige."

Pinagmasdan ko nang mabuti ang itsura ng binata. Kahawig siya ni Yuan. Sa loob-loob
ko, baka si Yuan na nga ito, mas bata nga lang. Ang macho niya ha. At yung babae,
si Yuna siguro yun. Napakaganda niya pala.

Sumakay sila ng bangka at inalalayan pa ng binata ang dalaga.

"Ako nga pala si Yuna," sabi ng dalaga.

"Hindi nga?" sabi ng binata.

"Bakit? Pangit ba ang pangalan ko?"

"Hindi. Kasi, parang magkahawig ang pangalan natin."

"Ano bang pangalan mo?"

"Yuan."

Biglang lumiwanag ulit. Nasilaw na naman ako. Paghupa ng liwanag, iba na ang
setting. Sa isang unibersidad na.

"Yuan, bakit nandito ka?"

Nakangiti lang si Yuan. "Dito na ako mag-aaral, Yuna. Nakakuha ako ng scholarship."

Nagyakap sila, mahigpit. Matagal bago sila nagbitiw.

"Pero Yuan, magagalit sila Papa kapag nalaman nila na nandito ka."

"E di hindi ako magpapakita. Magaling naman akong magtago e."

"Pero Yuan..."
Hinawakan ni Yuan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Ang importante, nagkikita
tayo. Hindi ko na kayang malayo ka sa akin."

"Ako rin, Yuan. Gusto ko, nakikita kita palagi. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita..."

Liwanag ulit. Nasanay na ako. Change setting ulit. Parang nagpapalit ng channel sa
T.V.

"Bilis, Yuna. Habang hindi pa nila alam na nawawala ka."

"Yuan, natatakot ako."

"Huwag kang matakot. Akong bahala sa yo. Hindi kita pababayaan."

"Pero Yuan, papatayin ka nila kapag nahuli nila tayo."

Naglalakad na kami sa malubak na daan papunta sa paanan ng bundok. Siguro mga


kalahating oras na kaming naglalakad noon. Nalagpasan na rin namin ang huling bahay
sa dulo ng huling baryo at puro bukirin at kagubatan na lang ang nadadaanan namin.

"Bespren, malayo pa ba?" tanong ko.

"Mga isang oras pa," sagot niya.

"Ang layo naman. Pagod na ako."

"Sinungaling," sabad ni Noriel. Nandoon pala siya sa likuran namin. "Hindi ka pa


pagod. Tinatamad ka lang."
"At bakit mo naman nasabi na hindi ako pagod?"

"Kaluluwa ako," sagot niya. "Nakikita ko ang lahat ng detalye ng katawan mo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bigla kong tinakpan ng kamay ko ang
dibdib ko at ang pagitan ng mga hita ko.

"Bespren, anong ginagawa mo?" tanong ni Bruce.

"Bespren, nakikita daw niya lahat ng detalye ng katawan ko. Ang bastos niya."

Napakamot ng ulo ang kaluluwang maputi. "Ang dumi naman ng isip mo. Wala na akong
katawan, ano? Papano ako makakaisip ng bastos?"

"Aba, malay ko ba," sabi ko.

Inakbayan ako ni Bruce. "Bespren, kaluluwa nga siya ng liwanag, di ba?" sabi niya.
"Ibig sabihin, hindi siya nag-iisip ng masama o bastos."

Sinimangutan ko si Noriel. "Sige na nga, marumi nang isip ko."

"E Mang Noriel," hirit ni Bruce. "Ano bang kwento nina Yuan at Yuna?"

"Mahabang kwento yan," sagot ng gabay.

"E di iklian mo," sabi ni Bruce.

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo naman."
"Ako din, gusto kong malaman," sabad ko.

"Tsismosa," pang-aasar ni Bruce sa akin.

"Sige, tigil muna tayo tapos pikit kayo," sabi ni Noriel.

Tumigil kami sa paglalakad at pumikit. Naramdaman ko, may kung anong mainit-init
ang dumapo sa noo ko. Biglang nagliwanag, nakakasilaw na liwanag. Nang humupa ang
liwanag, parang nag-iba ang kinaroroonan ko. Parang napunta ako sa beach,
tanghaling tapat, may mga nagsu-swimming.

"Hi," sabi ng isang dalaga sa isang binatang may dala-dalang sagwan ng bangka.

"Hello," sagot naman ng binata.

"Mamamangka ka?" tanong ng dalaga.

"Oo," sagot ng binata. "Titingnan ko kung may laman yung baklad namin."

"Pwedeng sumama?"

Parang gustong tumanggi ng binata pero hindi niya magawa. "S-Sige."

Pinagmasdan ko nang mabuti ang itsura ng binata. Kahawig siya ni Yuan. Sa loob-loob
ko, baka si Yuan na nga ito, mas bata nga lang. Ang macho niya ha. At yung babae,
si Yuna siguro yun. Napakaganda niya pala.

Sumakay sila ng bangka at inalalayan pa ng binata ang dalaga.

"Ako nga pala si Yuna," sabi ng dalaga.

"Hindi nga?" sabi ng binata.


"Bakit? Pangit ba ang pangalan ko?"

"Hindi. Kasi, parang magkahawig ang pangalan natin."

"Ano bang pangalan mo?"

"Yuan."

Biglang lumiwanag ulit. Nasilaw na naman ako. Paghupa ng liwanag, iba na ang
setting. Sa isang unibersidad na.

"Yuan, bakit nandito ka?"

Nakangiti lang si Yuan. "Dito na ako mag-aaral, Yuna. Nakakuha ako ng scholarship."

Nagyakap sila, mahigpit. Matagal bago sila nagbitiw.

"Pero Yuan, magagalit sila Papa kapag nalaman nila na nandito ka."

"E di hindi ako magpapakita. Magaling naman akong magtago e."

"Pero Yuan..."

Hinawakan ni Yuan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Ang importante, nagkikita


tayo. Hindi ko na kayang malayo ka sa akin."

"Ako rin, Yuan. Gusto ko, nakikita kita palagi. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita..."


Liwanag ulit. Nasanay na ako. Change setting ulit. Parang nagpapalit ng channel sa
T.V.

"Bilis, Yuna. Habang hindi pa nila alam na nawawala ka."

"Yuan, natatakot ako."

"Huwag kang matakot. Akong bahala sa yo. Hindi kita pababayaan."

"Pero Yuan, papatayin ka nila kapag nahuli nila tayo."

Chapter 11
"Yuna"

"Ayun yung haunted house o," sabi ni Bruce sabay turo sa lumang mansion.

Nangilabot agad ako sa nakita ko.

Napapaligiran kasi iyon ng mga dark spirits. Sa unang tingin akala ko kadiliman at
anino lang ang nasa paligid ng bakod. Puro pala dark spirits iyon.

At sumugod agad sila sa amin.

"Diyos ko po! Nanay ko po! Help! Help!" sigaw ko sa takot.

"Takbo na tayo!" sigaw naman ni Bruce.

Pero natigilan kami nang biglang sumugod si Yuan at nakalitaw na ang laser sword
niya.

"RRRROOOOAAAAARRRRR!"
Parang tigre talaga itong isang ito, sabi ko na lang sa sarili ko.

"Sobrang dami nila!" sabi naman ni Bruce.

"Hoy Gabay!" sigaw ko kay Noriel. "Tulungan mo naman siya!"

Halatang nagdadalawang-isip si Noriel. "Hindi pwede..." sagot niya.

"Sira ka ba? Kapag naagaw siya ng mga impaktong yan, sino pang gagabayan mo?"

Nakonsensya yata, inilabas niya ang espada niya at sumugod din.

"Bespren, tago tayo," sabi ni Bruce sa akin.

Tumakbo kasi sa isang gilid kung saan maraming halaman. Nagtago kami doon. Buti na
lang walang langgam.

Nakita ko kung papano makipaglaban si Yuan at Noriel. Pareho silang magaling.


Naalala ko tuloy ang narinig ko dati. Hindi daw magtatagumpay ang kadiliman sa
liwanag. Obvious naman. No match sa kanila ang mga dark spirits.

Pero kakaiba talaga si Yuan. Para talaga siyang naghuhuramentado. Isang wasiwas ng
espada niya, hindi lang isa o dalawa ang nalalagas na kalaban. Hindi rin siya
tamaan ng malalaking kalawit ng mga dark spirits.

Pero parami nang parami ang mga dark spirits na pasugod sa kanila. Kinakabahan na
ako dahil hindi ko alam kung hanggang saan makakaya ni Yuan ang pakikipaglaban.
Alam ko, ginagawa niya iyon para kay Yuna. Ginagawa niya rin iyon dahil sa galit
niya sa mga dark spirits.

Papano kung matalo siya?

Papano na sila ni Yuna?


"YUNNNAAAAAAA!"

Nakita ko, tinamaan siya ng isang kalawit ng kalaban sa tagiliran niya. Medyo
naagnas ang bahaging iyon ng katawan niya. (A/N: Sorry, katawan ng kaluluwa or
whatever. No words e.)

Napahawak ako sa bibig ko. Parang nakaramdam ako ng sakit. Naawa ako sa kanya.

Patuloy ang labanan. Nananaig pa rin siya pero sobrang dami na talaga ng kalaban.

Tinamaan na naman siya. "YUNNNNAAAAAAAA!!!!!"

Bigla, sa pintuan ng lumang bahay, may inilabas ang mga dark spirits na isang
kaluluwa. Babae. Maitim. Mahaba ang buhok. Nakagapos ng kadena.

"YUAAANNNNN!!!"

Nakita ko, sandaling natigilan si Yuan, dahilan para tamaan siya nang dalawang
beses.

Naisip ko, iyon ba ang taktika ng kalaban? Idi-distract si Yuan gamit si Yuna para
matalo?

Pero nakabawi agad si Yuan. Halata man na nasasaktan siya, lalo pa siyang
naghuramentado. Lalo siyang naging malakas. Mas marami na siyang nadudurog na
kalaban sa bawat atake niya.

"Noriel!" sigaw ko. "Nandun si Yuna!"

Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy siya sa pakikikpaglaban pero malayo siya kay
Yuan. "Hindi ako pwedeng makialam!" sagot niya.

Napatingin ako kay Yuan. Nahintakutan ako nang makita kong kinuyog siya ng
napakaraming dark spirits. Hindi ko na siya makita sa dami nila.
"Diyos ko," nasambit ko. "Tulungan mo po sila."

Biglang nagliwanag ang isang bahagi ng langit. Tumama ang liwanag sa dako kung saan
nandoon si Yuan na kinukuyog ng mga dark spirits. Parang mga bulang naglaho ang mga
dark spirits na tinamaan ng liwanag. Napaatras ang ibang dark spirits sa loob ng
bakuran ng mansion.

Bigla, napaligiran si Yuan ng mga espiritung nakaputi. Kahawig nila si Noriel.

"Wow," narinig kong sabi ni Bruce. "Nandiyan na yung resbak."

Napangiti ako. Akala ko, tapos na ang problema.

Chapter 12
"Soulmates"

Sa itsura ni Yuan, parang mas lalo siyang tumapang dahil sa pagdating ng mga puting
gabay. Tinitigan niya nang masama ang mga dark spirits sa loob ng bakuran ng
mansion.

Nakapaligid naman sa kanya ang mga puting gabay at lumulutang sila sa labas ng
bakod.

Tiningnan ni Yuan si Yuna. Nalungkot siya.

Tiningnan siya ni Yuna. Ngumiti ang kaluluwa ng dalaga.

Sinubukan ni Yuan na lumapit sa kinaroroonan ni Yuna. Pero inipit siya ng mga


puting gabay at hindi na siya nakakilos.

"BITIWAN NYO KO!" sigaw niya.

"Hindi pwede, Yuan," sabi ng isang gabay.


"BITIWAN NYO KO! ILILIGTAS KO SI YUNA!"

"Hindi mo siya pwedeng iligtas. Pag-aari siya ng kadiliman."

MGA WALANGHIYA KAYO! WALA KAYONG KARAPATANG MAGHUSGA SA AMIN!"

Nakita ko, umiiyak si Yuna. "Sumama ka na sa kanila, Yuan..." sabi niya. "Iwanan mo
na ko..."

Umiyak na rin si Yuan. "Ayoko, mahal ko. Hindi kita pwedeng iwanan. Nangako ako sa
yo..."

"Alam ko, Yuan. Pero okey lang. Sumama ka na sa langit. Mamuhay ka nang maayos nang
walang hanggan. Huwag mong ipahamak ang sarili mo dahil sa akin. Mahal na mahal
kita..."

"Mahal na mahal din kita, Yuna. Kaya hindi kita pwedeng iwanan. Kahit ikapahamak
ko, magsasama tayo!"

Naiyak ako sa tagpong iyon. Sa loob-loob ko, bakit ba nakikialam ang langit at
impyerno sa pagmamahalan ng dalawang kaluluwa?

"Dahil may mga bagay na mas mahalaga," sagot ni Noriel na katabi ko na pala at
binabasa ang isip ko.

Tinitigan ko siya, galit. "Ano bang mas mahalaga pa sa pagmamahal?"

Umiwas siya ng tingin. "Kung banal ang pagmamahal nila," iyon lang ang sinabi niya.

"ROOOAAARRRRR!!!" narinig ko na naman ang galit na atungal ni Yuan.

Napatingin ako sa kanya.


Pumipiglas siya sa mga gabay na nakahawak sa kanya. "MGA WALANG KWENTA KAYO!
SINUNGALING KAYO! SABI NYO, PINAKAMAHALAGA ANG PAG-IBIG! BAKIT PINAGHIHIWALAY NYO
KAMI NG MAHAL KO?"

"Yuan..." sabi lang ni Yuna. Tulala siya, pero puno ng pagmamahal ang mga mata.

"YUNA! MAGTITIWALA BA TAYO SA MGA DUWAG NA ITO? LIWANAG? PWE! MGA SINUNGALING SILA!
PATI NA ANG DIYOS NILA!"

"Diyos ko..." Iyon lang ang nasambit ni Yuna. Yumuko siya at nanahimik.

Nanlaki ang mga mata ni Noriel. "Imposible," sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"Nagdadasal siya. Humihingi siya ng tawad. Nakikiusap siya na patawarin si Yuan sa


mga sinasabi nito. Di bale na daw na mapunta siya sa impyerno basta ligtas si Yuan
sa langit..."

"Mali ba yun?"

"Wala nang kakayahan ang isang kaluluwa ng kadiliman para magdasal!"

"E papano niyang nagawa iyon?"

"Kaya nga imposible! Maliban na lang kung..."

"Maliban na lang kung ano?"

"Maliban na lang kung kambal ang kaluluwa nila! At magkadikit pa rin ang diwa
nila!"
Bigla akong nakarinig ng isang kakaibang huni. Nanggagaling iyon kay Yuna. Parang
umaawit siya. Parang awit ng isang anghel. Hindi ko maintindihan ang salita, pero
palakas nang palakas ang huni na iyon.

Bigla ko ring narinig na humuni si Yuan. Kakaibang huni rin, pero mas matigas, mas
matapang.

Naghalo ang mga boses nila. Boses na Yuan na parang handang makipaglaban. Boses ni
Yuna na parang nagbibigay ng lakas.

"Imposible!" sabi lang ni Noriel.

Nagawang makakilos ni Yuan sa gitna ng paghawak sa kanya ng isang dosenang puting


gabay.

Nagawang makakilos ni Yuna kahit nakakadena siya at hinahawakan din ng ilang dark
spirits.

Pinipigilan si Yuan ng mga puting gabay pero wala silang magawa. Dahan-dahang
nakakalapit si Yuan kay Yuna. Kahit tumulong pa ang iba pang puting gabay.

Pinipigilan din si Yuna ng mga dark spirits pero unti-unti rin siyang nakakalapit
kay Yuan.

"Diyos ko," dasal ko. "Pagbigyan mo na po sila..."

Bigla, nadurog ang mga kadenang bumabalot kay Yuna. Iniunat niya ang kamay niya
papunta kay Yuan.

spinner.gif

Iniunat din ni Yuan ang kamay niya papunta kay Yuna.

Konti na lang.
"Mahal kita, Yuna. Hindi kita iiwan."

"Mahal din kita, Yuan. Kakampi mo ako kahit anong mangyari."

Nagdikit ang mga kamay nila.

Biglang sumabog ang liwanag mula doon. Parang isang nuclear bomb na purung-purong
liwanag.

Nasilaw ako. Napapikit. Narinig ko na lang ang daing at alulong sa paligid ko.
Parang panaghoy ng mga namamatay.

Akala ko mamamatay na rin ako. Pero wala naman akong naramdamang sakit o
kapahamakan. Kahit pagkatakot, wala akong naramdaman. Sa halip, parang nararamdaman
ko pa na lumulutang ako sa gitna ng liwanag. Parang ramdam ko rin sa dibdib ko ang
bahagi ng pag-ibig na meron ang dalawang kaluluwang ipinaglaban ang pag-ibig nila.
Isang dakilang pag-ibig.

Pinakamahalaga sa lahat ang pag-ibig, parang ibinubulong sa akin ng liwanag.

Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari. Pero ngumiti na lang ako at
nagpasalamat sa Diyos.

Epilogue

"Bespren..."

Boses iyon ni Bruce. Ginigising niya ako.

Dumilat ako at humupa na pala ang liwanag. Lumingon ako sa silangan at nagsisimula
nang magbukang-liwayway. Wala na ang mga dark spirits. Wala na rin ang mga puting
gabay, pero nandoon pa si Noriel at nakangiti sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.


"Akala ko imposible," sagot ni Noriel sa akin. "Pero tagumpay sila."

Napatingin ako sa itaas. Lumulutang sa ibabaw ng mansyon sina Yuan at Yuna.


Magkayakap sila, mahigpit, balot ng liwanag na galing sa langit. Iba na rin ang
itsura ni Yuna. Hindi na siya maitim. Maputi na ang kaluluwa niya. Ang ganda-ganda
niya.

Napangiti ako. Nanlambot ang puso ko sa mga ala-ala ng dinaanan nila. Isang
dakilang pag-ibig, sabi ko sa sarili ko.

"Bespren, umiiyak ka," bulong ni Bruce sa akin.

"Hindi a," tanggi ko. "Happy nga ako e."

"Umiiyak ka nga," pagpipilit niya.

Kinapa ko ang mga mata ko. Basa. Umiiyak nga ako. "Tears of joy," sabi ko na lang.

"Dahil sa banal na pag-ibig," sabi ni Noriel, pinagmamasdan din ang dalawa.

"Sabi ko sa yo, tunay ang love nila e," sagot ko sa kanya.

Umiling-iling siya kahit nakangiti. "Akala ko, wala nang ganun sa mga tao."

Tiningnan ko siya. "Sabi mo, kambal na kaluluwa sila?"

Nginitian niya ako. "Dalawang kaluluwa na magkasamang nilikha. Isang beses lang
nangyayari iyon sa isang bilyong nilalang ng kalangitan. Akala ko nga, hindi na ako
makakakita ng katulad nila."

"Ano nang mangyayari sa kanila?" tanong ko.


"Isasama ko na sila sa langit. Napatawad na si Yuna. Handa kasi siyang
magsakripisyo para kay Yuan. Wagas kasi ang pag-ibig niya."

"E di happy ka na rin? Hindi ka nawalan ng ginagabayan mo?"

"Oo naman. Masayang-masaya ako. At pag-akyat namin, siguradong magbubunyi ang


kalangitan."

Napangiti ako. "May celebration?"

"Nagbubunyi ang kalangitan sa bawat isang kaluluwang naliligtas mula sa kadiliman."

"E di hero ka?" tukso ko sa kanya.

Umiling siya. "Hero? Ako? Hindi. Sila ang hero."

Napatango na lang ako. "At least, makakasama ka sa party nila."

Huminga siya nang malalim. "Ah, sandali lang siguro ako doon. Babalik pa ako dito."

"Sino namang babalikan mo dito? May iba ka pang kaluluwang gagabayan?"

Tumango siya. "Babantayan. Gagabayan..."

"Sino?"

Tinitigan niya ako at ngumisi na parang demonyo. "Ikaw!"

------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:
The End.

(06/29/2012) I'm so happy po at maraming bumasa sa story na ito. Parami pa po kayo


nang parami as the days go by. Thank you thank you thank you po! Thank you rin po
sa mga nagcomment. I appreciate it so much. Like I said before, first full story ko
po ito dito sa Wattpad. Ngayon, more than 45,000 reads na po at maraming beses na
po siya sa first page ng What's Hot list sa Paranormal at Thriller categories.
Maraming beses na rin po siya nag-appear sa What's Hot feature, and twice na po
siyang nag-number one! Maraming maraming salamat po talaga!

Sa mga kababasa lang po, please comment po sana. I would love to know where I
should improve my work. Kung pwede rin, paki-vote na rin po. Thank you!

May sequel po siya na completed na rin po. Click nyo po yung Open External Link sa
upper right side, sa ilalim po ng Reads, Comments, Votes.

Sana po ay magustuhan nyo din.

This is lovingly dedicated to my soulmate Jules. I love you, Bespren.

F.Y.I.'s

FOR YOUR INFORMATION:

This story is a work of fiction. Though there were mentions of spiritual aspects
(angels, demons, heaven, hell, etc.), these were meant to be elements of the story
and were not intended to credit or discredit any religion or belief.

Having said that, let's proceed.

Ano nga ba ang soulmates?

Marami na pong nababasang definitions and explanations kung ano ang soulmates, pero
may sarili po akong interpretation nito. Actually, mas malapit po ang pakahulugan
ko sa mga salitang twin souls, twin flames, o twin hearts. Kung igu-google po nyo
ang mga ito at pagsama-samahin ang madi-discover nyo, baka po magkapareho tayo ng
interpretation.

Dalawang kaluluwa na nilikha ng sabay sa langit. Ipinanganak sila sa lupa nang


magkahiwalay pero ang destiny nila ay para magtagpo. Habang hindi pa sila
nagtatagpo, nabubuhay sila kagaya ng mga karaniwang tao, kain-tulog, aral-laro,
trabaho-gimik. At syempre, pwede rin silang magmahal ng iba.

But once they meet, kakaiba ang nangyayari. Isang dakilang pag-ibig, sabi nga sa
story. Hindi lang spark, kundi parang nuclear bomb. Sa pagtatagpo ng dalawang
kaluluwa na itinakda para magsama, hindi na sila mapapaghiwalay kahit harangan man
sila ng kamatayan.

Siguro, the one good illustration that I can mention about this is a scene from the
movie Twilight, Breaking Dawn. Iyon pong scene kung saan nag-eye to eye contact si
Jacob at ang sanggol na si Renesmee (you guessed it right, the imprint). Take note
ha, in love si Jacob kay Bella dati, but when he sees the infant girl in the eye,
all things changed. Suddenly, it's magic. It's heavenly love and it's awesome!

And so, I've finished Soulmates Forever, book one. (May book two dapat, di ba?)
It's my first story here in Wattpad, excluding some one-shots na tinanggal ko na.
It was not actually a serious story at first. Kasabay ko kasing isinulat ito sa
Simple Heart 2. Pero yung SH2, draft typing and editing pa ako, samantalang ito,
diretso lang. Kung anu-anong pangalan lang na naisip ko ang ginagamit ko (Brenda-
Bruce, Yuan-Yuna, etc.) Basta magkatunog, pwede na. I can't imagine nga na ito pa
ang mas maraming makaka-appreciate. Syempre, I owe it to you, my readers.

And so I would like to thank again all my readers. Salamat at going beyond 45,000
reads na ito. Compared to the heavyweights na almost a million reads na, payat pa
ang numbers, pero it doesn't matter naman. I've written something that you like,
and no matter how many you are, I'm very happy about it.

Syempre, special thanks to some special people. Una na ang bespren kong si Jules,
who did most of the editing kahit na busy siya and sometimes she would end up
enjoying reading instead of editing, kaya may nakakalusot. Haha. Love you, Bespren.

Some credits goes to Jonathan Paul Diaz, whose story "Beyond Forever" gave me this
idea of lovers staying in love beyond life and death. Wala pa po akong nakikitang
account niya dito sa Wattpad (baka wala nga), so if you want to read his stories,
nandoon po sa blog niya na "A Journey Towards Nowhere." I-google nyo na lang po.

And finally, thanks to my mentor, Sir Yoan, who taught me how to write with life.
Yo, Sir Yo! Love ka ni Lord!

You might also like