You are on page 1of 13

Tikbalang

Ate, totoo bang may tikbalang? Pananakot lamang iyon para magbait ang mga bata,
hindi ba? tanong ni Edith sa panganay na kapatid.
E sabi ni Tiyo Jose mayroon nga raw. Kasama pa raw siya noong makahuli sila nito.
Sige nga, Ate, ikuwento mo sa amin ang nangyari, pakiusap naman ng bunsong si
Teresa.
O, halikayo at makinig kayo.
Mayroon raw sa baryo nina Tiyo Jose na isang napakagandang dalagang
nagngangalang Linda. Ang dami raw lumiligaw dito dahil bukod sa maganda na ay
mabait pa.
Ngunit sa dinami-rami ng taga-baryong nangingibig sa kanya, walang nagpapatibok sa
kanyang puso. Isang araw, may nakilala ang dalaga na binatang taga-Maynila, guwapo,
matangkad, at mukhang kagalang-galang. Maraming mga dalagang nayon ang
nahalina kay Roberto ngunit ang napaglaanan nito ng pagtingin ay si Linda.
Ang pamimintuho ng binata ay sinuklian din ng pagmamahal ng dalaga kayat hindi
nagtagal at silay ikinasal. Maligayang mga araw, ang nagdaan sa mag-asawang lubos
ang pagmamahalan.

Ang naging supling ng kanilang pagmamahalan ay isang magandang batang babae na


pinangalanang Ligaya. Ngunit sa maaliwalas nilang langit ay dumating ang madilim na
ulap. Nagkasakit si Linda at di-naglaon ay pumanaw. Naiwan ang mag-amang parang
binagsakan ng sangmundong kapighatian.
Isang gabi nang binibigyan ni Roberto ang sanggol ng bote ng gatas, naramdaman
niyang may dumating na tao sa kanyang likuran. Laking mangha niya nang makita sa
pintuan ng silid ang asawa na kalilibing pa lamang nila noong nagdaang linggo. Hindi ito
nagsasalita ngunit nakaunat ang mga kamay at waring hinihingi ang bata.

Huwag, Linda, ikaw ay patay na. Hindi maaari! Hinigpitan ni Roberto ang
pagkapangko sa bata at umiiling.
Umalis ang babae, ngunit sa sunod na gabi ay naroon uli. Lalong mahigpit ang
pagtanggi ni Roberto na iabot ang bata. Ngunit hindi siya makatulog sa malaking takot
at pagtataka. Nang nangyari uli sa ikatlong gabi, naisip niyang sumangguni sa mga
matatandang taga-nayon.
Hindi multo ni Linda iyon, Roberto. Tikbalang iyon na nag-aanyong tulad ng asawa mo.
May mga tikbalang diyan sa ating parang. Doon sa mga puno ng lumbang sila natutulog
pag-araw at sa gabi lumalabas.
Tunay po bang may tikbalang? Akala ko poy mga istorya lang iyon, takang-takang
tanong ni Roberto.
Totoong may tikbalang. Kilala mo ba si Karyong sintu-sinto? Kaya naging ganoon ang
taong iyon ay dahil nakuha iyon ng tikbalang noong bata pa. Nawala nang dalawang
araw at natagpuan ng ama sa ilalim ng puno ng lumbang.
Naku, ano po ang aking gagawin? Gabi-gabi po ay lalong humihigpit ang pamimilit
niyang makuha ang bata, halos maiyak-iyak si Roberto.
Hayaan mot paghahandaan natin, pangako ng matanda.
Nang gabing iyon, dumating sa dating oras ang tikbalang na mukhang si Linda. Nang
dudukwangin na sana nito ang batang pangko ni Roberto, biglang naglabasan sa silid
ang mga lalaki. Nagitla ang tikbalang at dagling tumalon sa bintana.
Ngunit sa ibaba ay nakahanda rin ang ilang taong bigla siyang nasunggaban sa buhok.
Pinagtulung-tulungan nila itong iginapos sa puno ng niyog. Hinampas nang hinampas
hanggang magsisigaw ito sa paghingi ng awa.
Patawarin! Aalis na ako rito sa lugar ninyo, pakawalan lamang ninyo ako. Isasama ko
lahat ng mga kampon ko. Lalayo na kami at di na kayo gagambalain. Maawa kayo.
Sa kasisigaw nito at sa pangakong di na maninikbalang uli, naawa ang mga lalaking
nayon at pinaalpasan na rin ang maligno.

Buhat nga noon, wala nang tikbalang pang nabalitaan sa baryo. Ang batang si Ligaya
ay lumakit naging isang mabait at magandang babaeng tulad ng ina. Kahit nang magasawa siya ay di niya iniwan ang ama at inalagaan niya ito hanggang sa katandaan.
Ang ganda ng kwento mo, pero nakakatakot, Ate, sabi ni Edith. Baka kami hindi
makatulog.
Magdasal muna kayo bago mahiga, paalala ng panganay, kung hindi, sige, dadalawin
kayo ng mga tikbalang!

Sugong kalapati
Katatapos pa lamang naming maglaro ng basketball noong Biyernes na yaon. Si Karl at
Bobby ay kasama kong nakaupo sa harap ng tindahan ng sarisari ni Mang Lucio at
umiinom ng pepsi habang nagpapahinga.
Matamang nag-uusap kami tungkol sa aming malapit nang pagtatapos sa paaralan
nang buhat sa madilim na karsada ay may nakita akong lumalakad na isang matandang
lalaki. Pinagmasdan ko siya habang papalapit siya sa kinaroroonan namin. Matangkad
siya, mahaba ang buhok, may balbas at nakasandalyas.
Tumigil siya sa pinto ng tindahan at nang makitang may mga tindang mga figurine sa
isang eskaparate, siyay pumasok. Binili niya ang isang figurine ng kalapating puti.
Nang binabayaran niya ito kay Mang Lucio, sumulyap siya sa akin at ngumiti. Ako
naman na halos namamalikmata rin sa pagtitig sa kanya ay napangiti rin.
Nang lumalabas na siya sa tindahan, hindi ko napigil na magtanong, Ginagabi kayo,
Tatang, Saan ba kayo pupunta?
Tiningnan niya ako at ang sabi, May pagbibigyan lang ako ng kalapating ito.
Nang makaalis na ang matanda, tinanong ko sa mga kaibigan ko kung nakita nila ang
mukha nitong tila kay bait-bait. Wala naman daw silang napansin di-karaniwan.
Kinabukasan, sapagkat Sabado at walang pasok, tanghali na akong nag-almusal.
Biglang may narinig akong kumakatok sa aming pintuan.
Nagulat ako nang makita ko si Tatang pagkabukas ko ng pinto. Pinatuloy ko siya sa
kusina at inalok na kumain. Pinagbigyan naman niya ako, naupo sa harap ko, at
kumain.
Naibigay na po ba ninyo ang inyong figurine na binili ninyo? tanong ko sa kanya.
Tiningnan niya ako, John, bakit ka nawalan ng tiwala sa Diyos?
Nagulat ako sa sagot niyang malayo sa tanong ko. Nanginginig ang tinig kong
nagtanong, Sino po kayo at alam ninyo ang aking pangalan? Wala na akong nasabi
pa at para akong nanghina at nangamba.
Psychic ako. Nababasa ko ang mga nangyayari sa buhay ng tao kapag tumitingin ako
sa mga mata nito. Bakit mo tinalikuran ang Diyos?

Pinilit kong sumagot. Kung mabait po ang Diyos, bakit namatay sa sakuna ang
dalawang pinakamamahal ko sa buhay?
Tumayo si Tatang. Anak ko, kapag tapos na ang misyon ng isang tao sa mundo, siyay
pinaakyat na sa langit.
Inihatid ko si Tatang sa sasakyan, may pupuntahan daw siya sa kabilang bayan. Bago
siya sumakay sa bus, dinukot niya sa bulsa ang kalapating figurine at iniabot sa akin.
Sa pagbabalik ko sa bahay, inilagay ko ang puting kalapati sa mesa. Umakyat ako sa
silid para magbihis. Inisip ko na isasama ko sa aparador ng mga figurine ang kalapating
bigay ni Tatang. Sino nga kaya si Tatang? Hanggang sa sandaling iyon tila naghihinala
pa ako na may kababalaghang nababalot sa katauhan niya.

Pagbaba ko uli wala ang kalapati sa mesang pinaglagyan ko. Hinanap ko ito sa lahat ng
dako na sisikdo-sikdo ang dibdib. Tila nga mahiwaga ang nangyayari, nasabi ko sa
sarili.
Napatingin ako sa labas ng bintana at sa sampayan doon, nakita ko ang isang buhay
na puting kalapati. Diyos ko, patawarin po ninyo ako, Diyos ko. Mahal ko po kayo.
Ngayong akoy naririto sa seminaryo, may mga ilan na ring taong napangangaralan
ako, mga taong nawawalan ng tiwala sa Diyos. Taos-puso ang pagtulong ko sa kanila
dahil katulad din nila ako noon.

Si Wigan at si Ma-i
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at
Mayaoyao. Itinu-turing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa
panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue na si Ampual.
Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa isang talon upang
magpahinga, nakakita siya ng isang dalagang naliligo. Naakit siya sa kagandahan nito
ngunit napansin niyang ito ay isang dayuhan at walang karapatang maligo sa lupain ng
Banaue.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala niya
na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.
Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan ang dalaga pauwi.
Nalaman niyang ang pangaian nito ay Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao na si Liddum.
Sa kanilang mahabang paglalakbay, nabuo ang kanilang pag-iibigan.
Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan. Siya na ngayon ang
dayuhan sa lupain ni Ma-i.
Nakiusap si Ma-i sa kanyang ama. Isinalaysay niya ang pangyayari.

Maaaring pinaslang niya ako nang mahuli niya akong naliligo sa kanyang lupain ngunit
siya ay nahabag. Sa halip, sinamahan pa niya ako pauwi nang ligtas sa anumang
kapahamakan.
Mahabag ka sa kanya. Ama, tulad ng pagkahabag niya sa akin, nagmamakaawang
sabi ng dalaga.
Nag-isip si Liddum. Ang kahilingan ng kanyang anak ay taliwas sa nais ng mga
mamamayan ng Mayaoyao.
Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili, pahayag
ng hari. Mga mamamayan ng Mayaoyao, piliin ninyo ang pinakamahusay nating
mandirigma upang makatunggali ng binatang mula sa Banaue. Ang magwawagi sa
labanan ang siyang magiging asawa ng aking anak.
Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang pinakamagiting
nilang mandirigma upang makalaban ni Wigan. Nagsimula na ang paghaharap ng
dalawa.
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma na naghahanap sa
anak ng kanilang hari. Nakita nila si Wigan na nakikipaglaban. Humanda silang
maipaghiganti ito kung sakaling magagapi ito.
Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sanay madugong pagtutuos ng
mga maiidirigma ng Banaue at Mayaoyao.
Isang canao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa sayaw ng kasalan. Tuluytuloy ang pagtunog ng gansa. Umabot ang kasayahan sa loob ng siyam na araw.
Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandirigma ng Banaue, ay naglakbay pabalik sa
Banaue. Habang naglalakbay, naisip ni Wigan ang kanyang ama. Matanda na ito at
marahil ay naghihintay na rin itong magkaapo. Ngunit nag-asawa siya nang walang
pahintulot ng ama. Sasang-ayon kaya ito sa kanyang ginawa?
Sa hagdan-hagdang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual. Hinanda na ng binata
ang kanyang sarili.
Sa simula ng paggawa ng ikawalong baitang ng palayan, iyon ang magiging taon ng
aking pag-aasawa. Ama, narito na si Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao. Ang kanyang
amang si Liddum at mga mamamayan nito ay naging mabait sa pagtanggap sa akin.
Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni Wigan na naunawaan siya
ng ang ama. Habang naglalakad ay nag-iisip si Ampual ng sasabihin niya sa mga

nasasakupan. Masayang sumalubong naman ang lahat. Nagwika ang hari sa mga tagaBanaue.
Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin ang ating mga ninuno.
Bago ito mangyari ay nais kong makita ang aking anak na mag-asawa at handa nang
pumalit sa akin. Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga dalaga ng Banaue, piliin
ninyo kung sino sa inyo ang pinakamaganda na maaari nating itapat sa pana-uhing
padala ni Lumawig. Mula sa dalawa, pipiliin namin ng aking anak kung sino ang higit na
maganda.
Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak, at ang hindi ay mamamatay. Bilang
gantimpala sa magwawagi, ang kanyang karanasan ay magiging alamat sa ating mga
anak.
Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila kay Ma-i. Nang sila ay
makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga ang pinakamaganda sa mga tagaBanaue.
Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan ang mga
kagandahang nasa harap ni Wigan ngayon.
Nagtanong si Ampual.
Ano na nga ba ang pangalan ng dayuhan?
Ma-i, tugon ni Wigan.
Sumasang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?
Opo, sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.
Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa kasiyahang ito, nagwika
si Ma-i.
May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue. Hayaan niyong ang
dalagang aking nakatapat ay manatiling buhay nang walang kahihiyan. Itoy upang ang
kanyang karanasan ay magsilbing alamat ng ating mga anak.
Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na ang ikawalong baitang
ng hagdan-hagdang palayan at naganap muli ang kasalan nina Ma-i at Wigan. Ito ang
naging simula ng kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao na umabot
hanggang sa kasalukuyan.

Si Mario, Si Ana, At Ang Isda

Tuwang-tuwa ang mangingisdang si Mario nang may nabingwit siyang isang malaking
isda. Nang ilalagay na niya ito sa buslo, bigla itong nagsalita, Huwag! Muntik nang
mahulog sa bangka si Mario sa malabis na pagkagulat.

Ibalik mo ako sa tubig at bibigyan kita ng kayamanan, sabi ng isda, na nagpipilwag.


Nang mahulasan si Mario, tinanong niya ang isda, Ano ka ba, impakto?

Hindi, ako ay alagad ng mga sirena na naatasang magbantay dito sa malapit sa


pampang. May kapangyarihan ako mahika! Kaya ibalik mo lang ako sa tubig at
ipagkakaloob ko sa iyo ang hihilingin mo.
Naalaala ni Mario ang dampang tinitirhan niya. Lagi itong inirereklamo ng asawa dahil
sa kaliitan. Nais ko ang malaking tirahan, sabi niya sa isda.
Masusunod. Umuwi ka na at makikita mo ang iyong malaking tahanan, sabi ng isda na
kaagad namang ibinalik ng lalaki sa tubig.
Hindi lang malaki ngunit tila palasyo ng hari sa gara ang nadatnan niya. Sa palagay ko,
hindi na ako aawayin ni Ana. Malaki na ang bahay namin.
Ngunit hindi pa pala nasisiyahan ang asawa. Hulihin mo uli ang isda. Sabihin mong
walang mga kasangkapan. Dapat ay iyong magagandang mesa, silya, kama at mga
dekorasyon sa bahay.
Palibhasa y takot sa babae, bumalik si Mario sa dagat at namingwit. Sanay huwag ko
na siyang mahuli para hindi na ako makahingi. Nakakahiya naman ang asawa ko,
bulong niya sa sarili.
Nagkataong lumalangoy pala sa malapit ang malaking isda at nang makita si Mario,
itoy lumukso sa kanyang bangka. Ano, kaibigan, nagustuhan mo ba ang bahay mo?
Oo nga, maraming salamat. Ngunit nakikiusap ang asawa ko, kung maaari raw,
mabibigyan mo ba raw kami ng mga kasangkapan? nahihiyang tanong ng
mangingisda.
O, sige. Bumalik ka na sa inyo at naroon na ang mga hinihiling ng asawa mo.
Natitiyak ni Mario na matutuwa na ngayon si Ana. Malaking biyaya na talaga ang
ibinigay sa kanila ng isda. Pagdating niya sa bahay, sinalubong siya ng asawa sa
pintuan.
Balikan mo uli ang isda. Humingi ka naman ngayon ng magagarang alahas at
magagandang kasootan. Nais kong makita ng lahat dito sa bayan natin na tayo ang
pinakamayaman dito, utos ng babae sa asawa, na alam niyang hindi kayang sumuway
sa bawat sabihin niya.
Hiyang-hiya si Mario na humarap uli sa isda, na madali niyang nakita sa pampang na
pinaglalagian nito. Nakakahiya sa iyo, halos hindi niya maibuka ang bibig, ngunit may
hinihingi na naman ang asawa ko.
Matagal na hindi sumagot ang isda, parang nag-iisip. Kapagkaraka ay nagsalita,
Nakikilala ko na kung ano ang uri ng pagkatao ang asawa mo. Isa siyang sakim at

walang pakundangang babae. Hindi siya marunong mahiya, at hindi rin siya mabait na
asawa. Parurusahan ko siya. Kukunin ko uli lahat ng naibigay ko na sa kanya.
Lumukso sa tubig ang isda at matuling lumangoy papunta sa laot.
Nang umuwi si Mario, nakita niya si Ana na nakaupong umiiyak sa hagdang kawayan,
ng dati nilang dampa.

si Juan , ang pumapatay ng higante


Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa
bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.
Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga
niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.
Saan mo dadalhin ang baka? tanong ng matanda. ,
Sa bayan po, para ipagbili, sagot ni Juan.

Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,
alok ng matanda,
Siyanga po? Mahiwaga? Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan, at madali
ring mapaniwala. Sige po, payag ako.
Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka. Nasaan ang perang
pinagbilhan mo sa baka? tanong ng kanyang ina.
Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito. Mahiwaga raw po ito,
sabi ng matanda.
Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga buto sa bintana.
Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka pa ring maniwala sa mga
manloloko.
Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong mataba sa labas
ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla na lamang na lumitaw na puno at
nakita niyang pagkataas-taas nito. Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil
nasa mga alapaap na.
Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto! Aakyatin ko po.
Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas, may nakita
siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito. May babaeng sumalubong sa kanya.
Naku! Bakit ka pumarito? Hindi mo ba alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na
siya, dumarating! Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.
Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko? Malakas ang tinig ng higante. May ibang tao ba
rito?
Wala po, sagot ng babae. Naaamoy lang po ninyo ang masarap na pagkaing luto ko.
Sige po, kumain na kayo.
Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na inihain sa kanya.
Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, Dalhin mo rito ang manok ko.
Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae ang isang
makulay na inahing manok sa higante. Mangitlog ka, manok, at pagkatapos ay umawit
ka para ako makatulog, utos ng higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok.

Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na tuwang-tuwang


isinilid sa bulsa ng higante. Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo.
Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing ang higante.
Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa mesa, at
nagtatakbo sa punong inakyatan niya.
Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, Tak-ta-la-ok! Malakas at
hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang higante.
Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko? Nakita niyang halos nasa kalagitnaan
na ng puno si Juan at itoy hinabol niya.
Inay, dali! tawag ni Juan sa ina.
Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.
Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa puno. Halos nasa
ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno. Patay ang higante nang bumagsak
ito sa lupa.
Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok nilang umiitlog
ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat tumulong sila
sa maraming salat sa buhay.

You might also like