ang tatu? Ang tatu noon ay simbulo ng kabayanihan at katapangan. Tanging mga magigiting lamang na tao ang may mga tatu. Sa mga babae naman ibig sabihin ay meron siyang likas na kagandahan tulad na lamang ni Whang Od kilala bilang isang pinakamatandang nagtatatu sa Kalinga
Noong dumating ang mga
kastila at ipinakilala ang Kristiyanismo, naging sarado na ang isip ng mga tao sa pagpapatatu. Kaya’t hanggang ngayon ay di pa rin tanggap ng lipunan ang tatu. At nagkakaroon ng diskriminasyon sa trabaho at lipunan.
Ngayon, ang tatu ay isa ng
Sining. Marami ng nagpapatatu dahil isa itong self-expression.
Sa katunayan, may selebrasyon
ng Pintados Festival sa Leyte kung saan lahat ng taong sumasayaw ay may tatu sa katawan. Kung ako ay inyong tatanungin, balak kong magpatatu sa paglaki ko, dahil and aking mga magulang ay naniniwala na hindi tatu sa katawan ang nagsasabi kung anong klaseng tao tayo.