You are on page 1of 2

ANG AKING PANATA PARA SA KALIKASAN

Ako si Princes Hayley M. Bayag


Nangangako na aking bibigyang halaga ang inang kalikasan,
Nangangako na iingatan at pahahalagahan ang kapaligiran
Aking sisimulan ang aking panata, sa aking tahanan
Akin nang itatapon ang basura at kalat sa tamang basurahan
Aking ibabahagi sa iba kung gaano kahalaga ang ating planetang tinitirhan
Ito na lamang ang tahanan na meron tayo, kaya marapat lang na bigyang pansin.

Magsisimula ako sa pag iwas sa paggamit ng plastic at orocan.


Ang pagtatanim at pagpulot sa basurang nakakalat ay aking gagawin.
Ibabahagi ko ang kahalagahan ng kalinisan sa aking nasasakupan.
Bilang magaaral, nanunumpa ako na ang pagpapalaganap ng importansiya ng ating likas na yaman ay dapat
umpisahan.
Dapat itong simulan sa pag iwas sa pagka kalbo ng kagubatan.
At iwasan ang pag huli sa mga nilalang na bilang nalang, na siyang nakatira sa ating karagatan.
Huwag ipasawalang bahala ang maaring epekto nito sa kanayunan.
Ako'y namamanata na bilang mag-aaral ang pang aabuso sa kalikasan ay dapat ko ng iwasan.
Ako'y namamanata, aking binitawang salita ay aking isasagawa.
Ako'y maninidigan na kalikasan ay dapat isalba.
Mamamayan ay dapat magkaroon ng awa,
Nang sa gayon, ating kalikasan ay mailagtas

You might also like