You are on page 1of 3

ANG ISLAM AT ANG MGA BAYTANG NG BUHAY NG TAO

E-journal ng Group 1:
Monica Clare C. Bergado
Mariah Jenrose D. Castor
John Patrick M. Hayag
Katrina Paula B. Jalbuna
Jarod Ivan Dom F. Marucut
Russell A. Portugalite
Ang ating mundo ay binubuo ng 149,000,000 kilometro kwadradong
bahagdan ng lupa na hinati sa pitong kontinente. Ang pitong kontinente na
ito ay binubuo ng 196 na bansa. Bawat bansa o rehiyon ay may sari-sariling
kultura. Nakapaloob sa kultura na ito ang relihiyon na isang salik na
nakakaapekto sa paniniwala o tradisyon ng tao. Mayroon tayong 4,200 na
relihiyon sa buong mundo kabilang dito ang Roman Katoliko, Protestante,
Islam, atbp. Dahil sa pagkakaiba ng relihiyon, nagkakaroon tayo ng ibatibang pananaw sa pamumuhay natin sa mundong ating kinagagalawan, at
hindi tayo nagkakaintindihan. Ang isang halimbawa nito ay ang ibat-iba
nating paniniwala sa buhay ng tao katulad ng mga Muslim na mayroong
pitong na baytang ang buhay ng tao. Anu-ano nga ba ito? Ano ang
importansya nito sa atin? Kailangan ba natin itong malaman? Ang mga
sumusunod ay ang mga nakalap naming datos tungkol dito.
Una sa lahat, ang ibig sabihin ng Islam ay pagsuko o pagsunod sa
kagustuhan ni Allah. Ang mga yumayakap sa Islam ay tinatawag na Muslim.
Ang salitang Muslim ay nagmula sa salitang Peace. Si Allah ang nag-iisa
(The One) at tanging Diyos (The Only God) na lumikha ng daigdig at ang mga
nilalaman nito. Ang pitong baytang ng buhay ng tao: ang unang baytang ay
ang buhay sa Lau Ho Mahfuz. Ang baytang na ito ay kung saan ginagawa ni
Allah ang mga kaluluwa na nakatala sa Lau Ho Mahfuz o tablet board in
heaven. Ang ikalawang baytang ay ang buhay sa sinapupunan ng ina.
Pagkatapos magawa ng mga kaluluwa, ito ay ipinadadala sa mundo sa
pamamagitan ng fetus sa sinapupunan ng ina kung saan pagkalipas ng
siyam na buwan ay ipapanganak na ito. Ang ikatlong baytang ay ang buhay
natin sa mundong ito. Ang mga muslim ay may mga dapat gawin at sundin
katulad ng pagsasagawa ng 5 Pillars of Islam o 5 haligi ng Islam:
pagpapahayag ng pananampalataya (Shahadah), pagdarasal ng limang
beses sa isang araw (Salah), tungkulin sa pagbibigay ng kaloob (Zakat), pagaayuno ng isang buwan (Saum), at pagsasagawa ng paglalakbay sa banal na
pook o sa Mecca (Hajj). Ang ikatlong baytang ay importante dahil dito
nakabase ang paghahatol ni Allah. Ang ika-apat na baytang ay ang
kamatayan. Pagkamatay ng tao, ang kaluluwa nito ay itatago ni Allah sa
isang lugar na tinatawag na Alam Barzaak. Ang mga mabubuting kaluluwa
ay mapupunta sa mabuting lugar samantala ang mga masasamang kaluluwa
ay mapupunta sa masamang lugar. Ang ika-limang baytang ay ang Muling

Pagkabuhay sa Judgement Day. Ang lahat ng kaluluwa ay babangon sa mga


libingan at ang mga siwain na kaluluwa ay mapupunta sa Impyerno habang
buhay (ika-anim na baytang) at ang mga masusunuring kaluluwa ay
mapupunta sa paraiso kung saan sila ay mabubuhay ng walang hanggan.
Kami man ay mga Kristiyano, naniniwala/sumasang-ayon kami sa
paniniwalang ito ng mga Muslim dahil may pagkakapareho parin ito sa
paniniwala naming mga Kristiyano katulad ng ika-limang baytang ng buhay
(muling pagbabalik ni Jesus kung saan siya din ay hahatol sa ating mga tao
kung karapat-dapat tayong mabuhay ng walang hanggan). Subalit, may
mga parte ng paniniwala nila na tumututol kami. Isa na dito ay ang nakasaad
na paghahanda sa ikatlong baytang sa Ang Ikatlong Baytang ni Shannon
Ahmad dahil naniniwala kami na Habang may buhay, may pag-asa.
Gayunpaman, ito parin ay aming nirerespeto dahil may ibat-iba naman
tayong pinaniniwalaan.
Importanteng mapag-aralan at malaman natin ang mga paniniwala,
hindi lamang ng mga Muslim, kundi pati ng iba pang mga bansa o relihiyon
dahil sa pamamagitan nito, maiintindihan at marerespeto natin sila, at hindi
natin sila mahuhusgahan. Kapag mayroon tayong pagkakaunawaan,
magkakaroon tayo ng magandang relasyon sa ibang bansa/tao na
magreresulta sa pagkakaisa at kapayapaan ng buong mundo.

You might also like