You are on page 1of 4

KOMPREHENSIBONG PAGBABASA SA MGA PILING AKDANG DAGLI

NI EROS ATALIA NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 8 NG LLANERA


NATIONAL HIGH SCHOOL: ISANG PAGSUSURI

INTRODUKSYON
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang antas ng pag-unawa ng mga
estudyante sa kanilang binabasang mga akda na alinsunod sa kurikulum ng K to 12.
Bawat baitang ng mga estudyante ay may iba’t ibang babasahin na angkop na kanilang
basahin. Nariyan ang mga maikling kwento, nobela, alamat, pabula at iba pa.
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya ay siya ring paglawak ng ilang mga
babasahin. Iba’t ibang genre ang makikita sa ilang mga babasahin. At dahil dito, ang
kurikulum ng K to 12 ay sumabay sa modernong estilo ng mga babasahin. Makikita ang
modernong babasahin na ito sa ikatlong markahan alinsunod sa Curriculum Guide na
ginawa ng Departamento ng Edukasyon. Ang mga estudyante ay hinihimok na basahin
ang iba’t ibang kwento na ito upang malaman ang lawak ng kanilang pagka-unawa sa
binasa.
Ang pagkatuto sa pagbabasa’y pinakapangunahing layunin ng edukasyon. Ngunit
sa paglipas ng panahon, ang pagbabasa ng mga estudyante na may kasamang pag-unawa
ay unti-unti ng humihina. Ayon sa Philippine Reading Inventory (2010), 97.5 % ng
literacy rate ay tunay ng nakamamangha ngunit kung titignan ang naging resulta ng
National Achievement Test noong 2012, ang mga estudyante sa ikatlong baiting ay may
Mean Percentage Score ng 54.42% sa komprehensibong pagbabasa sa Ingles at 58.61%
naman sa Filipino. At batay sa mga nakuhang datos, ang mga mag-aaral ay nasa
katamtaman mambabasa lamang.
Karagdagan nito, ayon sa pahayag ni Dr. Yolanda Quijano (2010), Ulong- Guro
ng Departamento ng Edukasyon sa Elemtarya, “reading problems as the main culprit for
the poor performance of some students in the NAT.”
Kaugnay naman nito, sa pag-aaral ng National Assessment of Educational
Progress (2015), lumabas sa kanilang pag-aaral na ang porsyento ng pagbabasa noong
mga nakalipas na 20 taon ay naging 27 hanggang 34 porsyento lamang. Kung titignan
ang mga bilang na lumabas sa pag-aaral, masasabing maliit lamang ang iniangat na
pagtaas sa komprehensibong pagbabasa.
Ang pagtuturo sa pagbabasa na may kasamang pag-unawa ay kailangang bigyang
pansin ng Departamento ng Edukasyon. Sa makatwid, ang mga babasahin na kay haba-
haba sa lumang curriculum ay muli ng nirebisa at binago. Isa sa mga makikita na
babasahin sa binagong curriculum ay ang mga kontemporaryong mga babasahin na
katulad ng dagli na mas maikli sa anumang mga maikling kwentong kanilang nakagisnan.

1
Ang Dagli isang maikling- maikling akda na aabot lamang ng isa o dalawang
pahina ang haba. Bilang isang guro sa baiting 8 ng Filipino, kapansin-pansin ang tila
kahinaan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang dagli sa mga nakaraan taon. Kung
kaya ang mananaliksik ay nagsumikap na malaman ang antas ng lebel ng
komprehensibong pagbasa ng mga dagli ni Eros Atalia, alinsunod sa Gabay na
Kurrikulum sa Filipino 8. Nilalayon din ng mananaliksik na matukoy ng mga mag-aaral
ang tema at kahalagahang pampanitikan sa mga babasahing dagli ni Eros Atalia.

TEORITIKAL NA BALANGKAS

Ang pagbabasa ay isa sa mahahalagang makrong kasanayang dapat taglayin ng


isang estudyante. Lumalawak ang kaalaman ng isang mag-aaral kung kanyang
mauunawaan ang kanyang binabasa.

Ang pag aaral na ito ay gagamit ng Teoryang Interaktibo ni David E. Rumelhart.


Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng
komprehensyon ay may dalawang direksyon. Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-
up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y
nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit
ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay
ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.
Angkop ang teoryang ito dahil tinitignan sa pag-aaral ang sosyo- demograpikong
katangian ng mga estudyate katulad ng kanilang edad, kasarian, unang wika at marka sa
Filipino (academic performance). Sa una pa lamang makikita na ang kaugnayan nito sa
teorya na ipinapakita ang dating kaalaman ng mamababasa sa kanyang tekstong binabasa.
At mula sa tekstong binasa ng mga estudyante, nilalayon ng teoryang ito na ipakita ang
antas ng pag-unawa ng mga estudyante batay sa kanilang binasang kwento.
Sa kabuuan, ipinapakita sa teoryang interaktibo na ang pag-unawa ay isang
proseso at hindi isang produktibo. Ang kahulugan ng binasang ay hindi lamang
masusumpungan sa teksto. Kasama ang mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan. Kaya
mahalagang ang dati niyang kaalaman, pamilyaridad sa wikang ginamit ng awtor sa
talasalitaang ginamit at sa konseptong inihahatid ng awtor sa teksto.

2
KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Sosyo- demograpikong katangian:


a. Edad
b. Kasarian
c. Unang Wika
d. marka sa Filipino (academic
performance) Pagkilala sa:
1.Antas ng komprehensyon
a. mataas ang komprehensyon
b. may komprehensyon
c. katamtaman ang
Pagsusuri sa akda:
komprehensyon
Mga Piling Akda ni Eros Atalia
d. bahagya ang komprehensyon
1. Skyfakes
e. walang komprehensyon
2. Birthday vs Deathday
2.Kaugnayan ng sosyo- demograpikong
3. Balut Vendor
katangian ng mga mag-aaral sa pag-
4. Maligayang pasko
unawa sa binasang akda.
5. Pila- pila
Pagsusulit:
*Talasalitaan
*Simbolismo
*Pagkilala at katangian ng tauhan
*Pagpapahalagang pangkatauhan

Paglalarawan 1.Batayang Konseptwal ng Komprehensibong Pagbabasa Sa Mga


Piling Akdang DagliNi Eros Atalia Ng Mga Mag-Aaral Sa Baitang 8 Ng Llanera
National High School: Isang Pagsusuri

3
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa dahil sa pagnanais ng mananaliksik na


matugunan ang mga katanungan ukol sa komprehensibong pagbabasa sa mga piling
akdang dagli ni eros atalia.

Tiyakan ding sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mga mag-aaral na nagbabasa sa


mga piling akdang dagli ni Eros Atalia ayon sa kanilang:

1.1. Edad

1.2 Kasarian

1.3 Unang wika

1.4 Marka sa Filipino (academic performance)

2. Anong antas ng performans sa komprehensibong pagbabasa sa mga piling


akdang dagli ng mga mag-aaral ng Llanera National High School?

3. Ano ang kaugnayan ng sosyo-demograpikong katangian sa komprehensibong


pagbabasa sa mga piling akdang dagli ni Eros Atalia?

You might also like