Professional Documents
Culture Documents
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino - Mary Cris Taneo
Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino - Mary Cris Taneo
sa Filipino
Mary Cris Taneo
BS Psychology
1. Ano ang mga naging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ayon sa kautusang
tagapagpaganap Blg. 184?
- Ang naging batayan sa pagpili ng wikang panbansa ayon sa kautusang tagapagpaganap Blg.
184 ay ang mga katutubong wika ng mga pilipinas. Kabilang na ditto ang walong
pangunahing wikang katutubo na ang Bikolano, Iligaynon, Ilokano, Kapampangan, Tagalog,
Pangasinense, Sebuano at waray na kung saan ang Tagalog ang napiling batayan ng wikang
pambansa.
Ang mga batis na nagpapatunay na ang tagalog ay ang naging batayan ng wikang
pambansa ay ang mga sumusunod:
a. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3
Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na
nasasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hangga’t walang ibang
itinadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ang mapapatuloy na wikang
opisyal.
b. Batas Komonwelt Blg. 184(1936)
Pagtatatag ng tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) at
pagbibigay ditto ng kapangyarihang gumawa ng pag-aaral sa lahat
sinasalitang wika sa kapuluan.
c. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.