You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
Schools Division Office 1 Pangasinan
District of Bugallon 1
BUGALLON INTEGRATED SCHOOL
Bugallon, Pangasinan

KONSEPTONG PAPEL SA
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGSUSURI SA EPEKTO NG MABABANG SAHOD NG MGA NARS SA


PILIPINAS

INIHANDA NINA:
CHRISTINE BEA B. PALMERO
EDU R. NAVATO
JIMM S. CASTRO
LALYN A. FERRER
KRISTINE MAE V. DALISAY

IPINASA KAY:
BB. HANNA JEANE M. ESTRADA
I. PAKSA
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa “Pagsusuri sa Epekto ng Mababang Sahod ng
mga Nars sa Pilipinas”.

II. RASYONAL/LAYUNIN
Mahalaga ang paksang ito sapagkat isa ito sa mga nakakasalukuyang suliranin na pang-
ekonomiya at kalusugan na narararanasan dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng pag-aaral
na ito, inaasahan na magkakaroon tayo ng mas malalim na kamalayan at pag-unawa sa mga
suliraning kaugnay sa mababang sahod ng mga nars at ang mga posibleng epekto nito sa
ekonomiya ng bansa.
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang sumusunod na katanungan:
a. Ano-ano ang mga epekto ng mababang sahod ng mga nars sa pilipinas?
b. Ano ang dahilan ng pangingibang-bansa ng mga nars?
c. Ano ang mga paraan na makapagbibigay ng solusyon sa mababang sahod ng mga
nars?

III. PAMAMARAAN
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon
at mga datos sa internet.

IV. PANIMULA
Ang mga nars ay isa sa mga pinakamahalagang sektor ng healthcare system sa Pilipinas.
Sila ang nagbibigay ng pangunahing pangangalaga sa mga pasyente at nagsisiguro na ang
mga ito ay nababantayan at nabibigyan ng mga kinakailangang serbisyong pangkalusugan. Sa
kabila ng kanilang mahalagang papel, kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagbaba sa sahod
ng mga nars sa Pilipinas.
Isa ang pilipinas sa may pinakamababang pasahod sa Asia. Dahil dito, patuloy ang hamon
na kinakaharap ng mga nars sa mababang sahod na kanilang natatanggap. Ang pagiging isang
nars ay isang mataas na uri ng propesyon na nangangailangan ng matinding pagsisikap,
dedikasyon, at propesyonalismo. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa
pangangalaga ng kalusugan ng bansa, marami sa kanila ang nakararanas ng patuloy na
pagbaba ng kanilang sahod na nagiging dahilan ng kanilang pangingibang-bansa o di kaya ay
mag apply sa ibang trabaho na may malaking sahod upang mabuhay at matustusan nila ang
kanilang pamilya.

V. PAGTALAKAY
Ayon sa Filipino Nurses United o FNU (2022), noong sa kasalukuyan mahigit 100,000
nurses sa pribadong ospital sa Metro Manila ay tumatanggap lamang ng P537 per day, mas
mababa ito kung ikukumpara sa mga ospital sa labas ng National Capital Region. Kumbaga,
P13,000 kada buwan lamang ang kanilang sinasahod.
MAYNILA - Iginiit ng Filipino Nurses United (FNU), noong 2020, na matagal na
panahon na silang nagbibigay ng serbisyo sa bayan kahit pa ang katumbas nito ay mababang
sahod at ‘di makataong kondisyon ng trabaho sa bansa.
Ayon sa GMA News (2021), “mababang sweldo at hindi naibibigay na benepisyo
ngayong panahon ng pandemya ang reklamo ng ilang healthcare worker. May ilang nurse
tuloy na napapaisip na raw magtrabaho na lang sa ibang bansa”.
Ayon sa grupong Filipino Nurses United o FNU (2018), mababang sahod ang dahilan
kung bakit may higit 20,000 Pinoy nurse kada taon ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Health o DOH, Undersecretary Maria Rosario Vergaire (2022)
106,000 na nurse umano ang kulang sa Pilipinas. Samantala, nakatala naman sa Professional
Regulation Commission na 915,219 ang registered Filipino nurses noong Disyembre 2021
ngunit sa data ng DOH ay 316,405 dito ay nasa abroad na. Isa ang Pilipinas sa may
pinakamababang pasahod sa mga nurse sa Asia, dagdag pa ni Andamo.
VI. LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang epekto ng kakulangan ng silid-
aralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, natukoy ang
kadahilanan ng pagkakaroon ng kakulangan ng silid-aralan at ang mga epekto nito sa pag-
aaral ng mga mag-aaral. Nalaman din sa pananaliksik na ito ang mga posibleng maging
paraan na makapagbibigay solusyon sa suliranin. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga
impormasyon at datos sa internet. Ang mga nakalap ay maingat at mabusising sinuri at pinag-
aralan.

VII. KONGKLUSYON
Natuklasan sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod:
a. Ang pangunahing suliranin ng bawat paaralan ay ang kakulangan sa silid-aralan.
b. Madalas na nagkakaroon ng kakulangan sa sapat na silid-aralan dahil sa patuloy na
pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral.
c. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na silid-aralan upang maitaguyod ang pagkatuto
ng mga mag-aaral.

VIII. REKOMENDASYON
Buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa bansa, mahalagang bigyang pansin ang mga nurse sa ating bansa at huwag
silang ipasawalang bahala. Mahalagang magkaroon ng batas na nagtatakda ng minimum
na sahod para sa mga nurse, na nakabatay sa kasalukuyang mga pamantayan at
pangangailangan ng industriya.
b. Para sa pamahalaan, ang pamahalaan at pribadong sektor ay dapat maglaan ng
insentibo at benepisyo upang mabigyan ng agarang solusyon ang problemang kaugnay
ng mababang sahod ng mga nars. Maaaring isama ang mga benepisyo tulad ng mas
malaking medical insurance, pagpapaunlad ng career path, at iba pang benepisyo na
naglalayong magbigay ng motibasyon at ginhawa sa mga nars.
c.Para sa mamamayan, mahalagang palawakin ang kaalaman ng mamamayan tungkol sa
mga isyung kinakaharap ng mga nurse, kasama na ang mababang sahod. Mahalagang
magkaroon ng malawakang kampanya para palawakin ang kaalaman ng mga
mamamayan tungkol sa kahalagahan ng mga nurse at ang kanilang mga paghihirap
dahil sa mababang sahod.
d. Para sa Kagawaran ng Kalusugan, mahalagang palakasin ang samahan ng mga nars at
ng kagawaran ng kalusugan upang magkaroon sila ng suporta galing sa kagawarang ito.
Ang samahang ito ay maaaring maging hakbang upang ipaglaban ang karapatan at
kapakanan ng mga nars, kasama na ang tamang sahod.
e. Para sa komunidad, ang komunidad ay maaaring magtulong-tulong sa pag-organisa ng
mga fundraising events o paghingi ng donasyon upang suportahan ang mga nurse. Mag-
organisa ng talakayan, seminar, o workshop na naglalayong palawakin ang kamalayan
tungkol sa kahalagahan ng pagtaas ng sahod ng mga nurse at ang epekto nito sa
pangkalahatang kalusugan ng komunidad.

IX. TALAAN NG MGA SANGGUNIAN


https://www.coursehero.com/file/175071364/KONSEPTONG-PAPELdocx/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2022/09/07/2208009/disenteng-
sahod-para-sa-mga-nurses/amp/
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/08/02/2032312/editoryal-dagdag-na-
sahod-sa-nurses-iprayoridad
https://news.abs-cbn.com/news/08/22/20/nakabubuhay-na-sahod-at-seguridad-sa-trabaho-
giit-ng-grupo-ng-mga-nurse?fbclid=IwAR2fBmc4VeWoOM0ilve__j1Fb3R-
Xq9i4bdbOxDjOLV-9VuwKuwPGi9f--o
https://news.abs-cbn.com/news/06/13/18/ibang-nurse-sumasahod-ng-mas-mababa-sa-
minimum
https://tnt.abante.com.ph/2022/10/09/106000-na-nurse-kulang-sa-pilipinas-mababang-sahod-
dahilan-ng-pag-alis/news/

You might also like