You are on page 1of 1

Sanaysay tungkol sa Wikang Pambansa: Panahon ng Hapones

INTRODUCTION
Ang wikang pambansa ay may makulay at makasaysayang kasaysayan, ito ay hindi lamang
isang dumaan na pangyayari kundi isang pagpapahayag ng pagkakakilanlan at pagsusuri ng
pagiging pilipino sa harap ng mga pagbabago. Madaming malalim impluwensya ang panahon
ng pananakop ng Hapones sa ating wika at kultura. Sa sulating ito, pag uusapan natin ang mga
epekto ng pananakop ng mga Hapones sa wikang pambansa, at paano ito naging daan upang
umusbong at magdulot ng pagbabago.

BODY
Sa unang panahon ng pananakop, ang mga Hapones ay nag uutos na maging Opisyal na wika
ang Tagalog at Nihonggo, at itaguyod ang paggamit ng wikang Nihonggo sa mga paaralan.
Subalit, ang determinasyon ng mga Pilipino yakapin ang kanilang wika ay nag resulta sa
pagtutol at pag-aklas. Ito din ang naging kasangkapan sa pagsasalin-salin ng impormasyon at
koordinasyon para sa mga gerilya laban sa mga Hapones. Masasabi natin na ito ay naging
simbolo ng pagkakakilanlan at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Ang paggamit ng ating wika ay naging mahalaga din sa pagpapalaganap ng mga ideya at plano
laban sa mga dayuhang mananakop. Ito ang naging daluyan upang mapanatili ang ating
pagiging Pilipino sa gitna ng pang-aapi.

Isa pang mahalagang bahagi ng epekto ng pananakop ng mga Hapones ay ang


pagpapalaganap ng mga ideya at kultura nila sa atin. Maraming mga salita/kultura ng mga
Hapones ang sumilip sa atin, at nagdulot ng pagbabago sa ating bokabularyo. Bagamat marami
sa mga ito ay nalimutan at di na ginagamit pagkatapos ng pananakop, may ilan pa rin ang
nananatili hanggang sa kasalukuyan na parte ng ating buhay.

CONCLUSION
Sa pagwawakas, masasabi natin na ang pagsakop ng mga Hapones ay nagkaroon ng malalim
na epekto sa ating wikang pambansa. Ito ang naging kasangkapan sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari noong panahon ng pananakop, at ang naging simbolo ng pagmamahal sa ating
bayan. Masasabi din natin na hindi lamang limitado sa wika ang pagbabago, kundi sa kultura
nating mga Pilipino na ginagamit pa natin hanggang sa ngayon.

Sa kabila ng pagbabago, nananatili pa rin ang wikang pambansa bilang isa sa mga simbolo ng
pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Ito ay patuloy na nagpapahayag ng ating pagmamahal sa
bayan, at ng ating pagiging matatag sa gitna ng pang-aapi. Ito ang nagpapalakas sa atin bilang
bansa, at mamamayan, at patuloy na nagbibigay-daan upang mapanatili ang ating
pagkakakilanlan sa gitna ng napakaraming kultura at wika.

You might also like