You are on page 1of 3

Bai Fanwe

Tmulen: Gori Saliente


Gumdà: Polomolok, South Cotabato
Snulat: Joy E. Ante

Di munan, nun salay. Mdà tua libun gal mabal tabih di tah tanbeh na I tua lagi gal mligo.
Nun fat dad ngà la, tlu lagi na set libun dnagit la Bai Fanwe. Too fye baweh Bai Fanwe duenman
too kanlung dad tuan.
Satu du, man Bai Fanwe di kene yêan, “E Yê, mibal agu dyoh di sol yéél ditù di faltù.”
Magin yê Bai Fanwe gat di sol yéél. Dmaténg gintlu na lamsak ale lbung. Talmalà ale mabe
kabong ngatù di sol yéél.
Muna kel Bai Fanwe di sol yéél mdàrong di dlag. Sulun kabongan di saféd bong bateng
na bong kayu. Lam smulu Bai Fanwe, nun teenan lagi milè di tah kayu saféd sol yéél. Tlo lagi i
lmugan. Manan, “We, lmugan, kmutal ge do. Nabe gu ngà libun di gutngà mahin.” Kibò muraf
Bai Fanwe, ta mnè di blutut mahin mnè di tah bong aweng, tangal I lagi mile di tah kayu.
Mngel di klirù Bai Fanwe. Ti kayé Bai di tah labun, mayéng lmugan fdarong di aweng na
mdàf di tukè muna i aweng. Là garè I lagi santulen Bai i lmugan. “Manam kene yê gu, nang
mlirù du dini gu di blutut mahin,” man Bai.
Mayéng lmugan samfulè di gufanak dad tua Bai Fanwe. Manan dale, “Nang ayu mlirù du
mnè Bai Fanwe di blutut mahin. “Smalek di lmugan dad tua Bai Fanwe ku dét fakay mgimù la
mani gasfulê Bai Fanwe.
Tmimel lmugan na manna, “Lnalok yu i del dungan gumnè yu. Ti kalwà yu di dungan
del, ti tare ayu gkel di bong batel di sol yéél. Lê yu lnalok dungan bateng. “Kafnge la stolen, ta
lalò dad tua Bai Fanwe i man lmugan dale. Ti kuraf la, ta gkel ale di gusablà Bai Fanwe. Lê la
man kuraf, ta gasfulê ale di gumnè la. Klo la salkaf.
Bai Fanwe

Noong unang panahon, may mag-asawa na nakatira sa isang kubo. Ang mag-asawa ay
may apat na anak, tatlong lalaki at isang babae na si Bai Fanwe. Si Bai ay may angking
kagandahan kung kaya’t iniingatan siya ng magulang at mga kapatid.
Isang araw, nilapitan ni Bai Fanwe ang kaniyang ina habang gumagawa ng tabih (tela ng
B’laan). Nagpaalam siya na gusto niyang maligo sa balon. Sinamahan ng ina si Bai patungo sa
balon na malapit sa gubat. May dala silang lalagyan ng tubig na gawa sa kawayan.
Naunang dumating si Bai sa balon. Habang kumukuha ng tubig, nakita niya ang isang
lalaki na nakahiga sa itaas ng punong kahoy ngunit hindi niya ito pinansin. Dahil sa kagustuhan
ng lalaki na mapansin ni Bai ay tinawag niya ang ibong lmugan (isang makapangyarihang ibon)
para magpatulong. Hiniling niya na dalhin si Bai sa gitna ng dagat.
Sinunod ng ibon ang sinabi ng lalaki at sa isang iglap, nakasakay na sa barko si Bai na
nasa gitna ng dagat. Bigla siyang umiyak dahil sa lungkot. Tumingala sa langit si Bai at nakita
niya ang ibong lmugan na papalapit. Dumapo ito sa dulong harapan ng barko. Hindi alam ng
lalaki na nakiusap si Bai sa ibon upang makatakas. “Lmugan, pakisabi sa nanay ko na huwag
silang mag-alala. Nandito ako sa gitna ng dagat,” pakiusap ni Bai sa ibon.
Lumipad ang ibon papunta sa tirahan ng magulang ni Bai para sundin ang pakiusap nito.
Tinanong ng magulang ni Bai ang lmugan kung ano ang dapat nilang gawin upang makabalik si
Bai. “Dumaan kayo sa ilalim ng del (parte ng bahay kung saan nagbabayo) ng inyong bahay,”
utos ng lmugan. Sinunod naman nila ang utos ng ibon.
Sa lagusan ng ilalim ng kanilang bahay ay may nakaharang na malaking punong kahoy.
Sumuong sila sa ilalim ng kahoy. Sa dulo nito ay mayroong lagusan. Pumasok sila sa lagusan
hanggang sa narating ang kinaroroonan ni Bai. Nagyakapan sila at pagbalik ay muling pumasok
sa lagusan hanggang marating ang kanilang tirahan. Masayang-masaya sila sa pagbabalik ng
kanilang anak at mula noon ay hindi na nila iniwan si Bai kahit saan ito magtungo at namuhay
sila ng payapa.
Bai Fanwe

Long ago, there lived an old couple. The old woman’s work was weaving and the old
man tended his farm. They had three sons and a daughter named Bai Fanwe. Bai was very
beautiful that her parents were so protective of her.
One day Bai Fanwe said, “Mother, I would like to take a bath at the well across.” The
mother went with her to the well near a forest. They brought water containers made of bamboo.
Bai Fanwe arrived at the well near a big log and a big tree ahead of her mother. While she was
filling the containers she saw a man on the tree. The man called lmugan (an omen bird with
magica powers) and told it to bring Bai Fanwe to the core of the ocean.
In a wink, Bai Fanwe was already on a big boat in the middle of the ocean. Bai Fanwe
cried. She was very sad. She lifted her eyes and saw the lmugan and said, “Tell my mother not to
worry. I am safe here at the core of the ocean.”
The bird hurriedly flew to Bai Fanwe’s Parents and said, “Do not worry; Bai Fanwe is
safe in the middle of the sea.” They asked what they must do for Bai Bai Fanwe to be able to
return home. The bird instructed, “Pass under the del (a part of a house; a platform where mortar
is kept). As soon as you are out, you will find yourselves near a big log and a well. Pass under
the big log.”
The parents of Bai Fanwe did what the lmugan instructed them. In a wink, they were
already on the boat where Bai Fanwe was. They passed through the same path and after another
wink, they were back in their home. They happily hugged each other for Bai Fanwe is finally
back.

You might also like