You are on page 1of 12

Ang Alamat Ng

Bubuyog
Noong unang panahon, may
pamilyang nakatira sa Barangay
Santiago. Sila ay pinagkalooban ng
dalawang anak na si Boboy at Bela.
Isang umaga, habang
namamasyal sina Boboy at
Bela ay nakakita sila ng
magandang bahay.Maraming
puno sa paligid at sari-sari
ang halamang
namumulaklak.
Nang makapasok ang dalawa ay
agad nilang tinungo ang likuran ng
bahay. Marami silang nakitang mga
bulaklak at paru-paro. Talaga
namang namangha sila sa nakita.
Nabighani ang dalawa
sa kanilang nakita, kaya
napagkasunduan ng
dalawa na pasukin ang
bahay.
Napakaganda
rito Bela, nais
kong manghuli
ng paru-paro”
sabi ni Buboy.

Huwag mong
gawin yan Buboy.
Masama yan,
magagalit sina
Tatay at Nanay.
Hindi nakinig si buboy sa
kapatid. Tinungo niya ang mga
paru-paro at hinuli ang mga ito.
Nagsiliparan ang mga ito sapagkat
natakot kay Buboy.
Nang naging bubuyog si Buboy,
biglang nagbago ng anyo ang reyna.
Dapat kang parusahan sa ginawa
mo. Wala kang awa sa mga paru-
paro” wika ng reyna.
Pinarusahan si Buboy ng reyna at
ginawa siyang Bubuyog. Anong
nangyari sa akin? Bakit nagbago
ang hitsura ko?
Hinanap ni Bela ang kapatid
ngunit hindi na niya ito nakita.
Buboy asan ka na?Bobooy……
Dahil sa labis na pagkawala ni
Buboy, nagtanim ng nagtanim si
Bela ng mga puno,gulay at
namumulaklak na halaman. Hindi
siya nawawalan ng pag-asa na
balang araw ay magbabalik ang
kanyang kapatid na si Buboy.
Aral
Makinig sa bilin ng magulang at
sikaping maging mabuting
bata.

JONALYN A. BAUTISTA

You might also like