You are on page 1of 2

Lovely G.

Linogao
Setyembre 26, 2021
BTLEd- 1 IA

Ito ang nagawa kong slogan "Huwag Maliitin Ang Kapangyarihan at Kahalagahan ng
Mahusay na Panitikan" dahil bilang isang mag-aaral o mamamayang Pilipino, malaki
ang kontribusyon at unti unting umusbong ang kultura at Panitikan sa Kasaysayan.
Sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay o naging karanasan ng mga tao noon.
Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, talumpati at iba pa kaya wag nating maliitin ang
mga minanang kaisipan at mga taglay na katalinuhan at karunungan ng ating mga
ninuno noon. Kaya dapat mahalin at pahalagahan ito sapagkat ito ay maaari nating
magamit sa kasalukuyang buhay natin ngayon.
"Ang Batang Makasarili"

Isang araw sa bayan ng Bumbengan may isang babae na nagngangalang Bebe at


ang isang lalaki naman ay nagngangalang si Bubo. Si Bebe ay isang napakasariling
bata. Kahit kailan hindi niya ibinahagi ang kanyang mga laruan at hindi marunong
tumulong sa kapwa. Nag-alala ang kanyang mga magulang kung paano siya turuan
tungkol sa kabaitan at pagbabahagi.

Isang araw, si Bebe ay papunta patungong paaralan gamit ang kanyang bagong
bisikleta. Habang nagbibisikleta si Bebe, nakakita siya ng isang batang lalaki na ang
pangalan nito ay si Bubo na nahulog sa kanal at halos dugoan ito. Sumigaw si Bubo,
"Ah! Hindi ko maigalaw ang braso ko".

Kailanman hindi tinulungan ni Bebe si Bubo. Ngunit sa araw na iyon, nalungkot siya
sa nangyari kay Bubo. Kaya, agad-agad niyang pinuntahan at tinulungan niyang
tumayo si Bubo. "Mukhang nasugatan ang iyong kamay," sabi ni Bebe. "Umupo ka sa
likuran ng bisikleta ko at dadalhin kita sa ospital." sabi ni Bebe.

Kalaunan, sa gabing iyon, pumunta ang mga magulang ni Bubo sa ospital at


pinasalamatan nila si Bebe dahil sa pagtulong niya nito. "Napakabait mong bata,
pagpalain ka palagi ng Diyos." Sabi ng magulang ni Bubo. Pagkaalis nila, sinabihan si
Bebe ng kanyang ama, "Anak, tingnan mo ang mga pagpapalang natanggap mo sa
pamamagitan ng pagiging mabait, matulungin at pagbabahagi." Naintindihan ni Bebe
ang kahalagahan ng pagiging mabait, matulungin at nagpasyang ibahagi lagi sa kung
anong meron siya.

You might also like