You are on page 1of 24

BRB-4 :

Aralin 4
Larawang Kahulugan ng mga Salita
mula sa Letrang M, S, L, B, A
Balik - Aral
ama mesa saba

labi buko relo


Pagbasa ng Kwento:

“Larawang Hindi Malilimutan”


Naglilinis ng sala ang ama ni Bal nang
dumating siya buhat sa paaralan.
Marami itong hawak na mga larawan
galing sa isang lumang album. “Itay,
pwede ko po bang tingnan ang mga
larawang hawak ninyo?” ang pakiusap
ni Bal.
Iniabot naman ni Mang Absa ang mga
larawan. “Heto at tingnan mo,” sabay
abot ng mga ito sa kaniya . “Wow! Itay
, kayo po ba ito? Tila nagtitinda kayo sa
palengke! “ ang namamanghang tanong
ni Bal. “Tama ka anak, ako nga iyan!“
ang natatawang wika nito.
“Tumutulong ako noon sa Lola mo sa
palengke. Ibat’-ibang uri ng saging
tulad ng saging na saba, latundan at
iba pa ang aming itinitinda. Sa amin
humahango ang ilang mga tindahan dito
sa ating bayan,” kwento niya.
“Alam mo rin ba na mura lamang
ibinibigay ng Lola mo ang kanyang mga
paninda dahil nais niya na tumubo ang
kanyang mga suki lalo na yaong
itinitinda at iniluluto dito?” ang
paliwanag ni Mang Absa.
“Tulad din po ba ng mga nagtitinda ng
“banana cue” na paborito ko?”
nakangiting tanong ni Bal. “Oo naman.”
sagot ni Mang Absa “Kay buti naman
pala ni Lola. Inaalala pa rin niya ang
kapakanan ng ibang tao sa kanyang
trabaho.” wika nito .
“Oo, tama ka riyan, kaya nga siguro
ang Lola mo ay isa sa mga itinanghal na
Mamamayan ng Taon. Isa iyong
patimpalak para sa mga mamamayan
dito sa ating bayan na nagpakita nang
katangi-tanging pagmamalasakit sa
kanyang mga kababayan sa pagganap
ng kanilang tungkulin,”
ang dagdag pa ni Mang Absa.
“Kahanga-hanga pala si Lola. Nais ko
pong gayahin siya.” sabi ni Bal . “
Maliban pa roon , alam mo ba na dahil
sa negosyo ng inyong Lola ay
napakapag-aral at nakapagtapos
kaming magkakapatid at bilang ganti
sa kanyang
pagsasakripisyo sinikap naming mag-
aral nang mabuti , kaya heto kami
ngayon, matagumpay na rin sa kanya–
kanya naming propesyon, “ ang
paliwanag ni Mang Absa . “Oo nga po
Itay. Isang mahusay na rin kayong
negosyante.
Kaya nga po idolo ko kayo nina Inay.”
ang masayang wika ni Bal. Muling
tiningnan ni Bal ang mga larawan at
masayang ngiti ang nabanaag sa
kanyang mukha. Hinding-hindi niya
malilimutan ang mga nasa larawan.
Mga Tanong:
1. Ano ang nakita ni Bal na hawak ng
kanyang ama ?
Sagot:
Nakita ni Bal na marami itong
hawak na mga larawan mula
sa isang lumang album.
Mga Tanong:
2. Paano tumutulong noon si Mang Absa
sa kanyang nanay?
Sagot:
Tumutulong siya sa kanyang
nanay sa pagtitinda ng iba’t
ibang uri ng saging.
Mga Tanong:
3. Bakit hinahangaan ng mga tao ang
kanyang Lola?
Sagot:
Hinangaan ng mga tao ang
kanyang lola dahil nagpakita
siya ng malasakit sa kanyang
mga kababayan.
Mga Tanong:
4. Paano nakatulong ang pagtitinda ng
kanyang lola sa kabuhayan ng
kanilang pamilya?
Sagot:
Dahil dito ay, napagtapos nya
ng pag aaral ang lahat ng
kanyang mga anak.
Mga Tanong:
5. Paano naman ginagantihan ng mga
anak ang kanilang ina?

Sagot:
Bilang ganti sa sakripisyo ng
kanilang ina, nagsumikap
silang mag aral ng mabuti.
Mga Tanong:
6. Ikaw, paano ka nakatutulong sa mga
gawain sa inyong tahanan?.
Pagsasanay: Ibigay ang salita ng katumbas
na larawan.
Pagsasanay: Ibigay ang salita ng katumbas
na larawan.
Pagsasanay: Ibigay ang salita ng katumbas
na larawan.
Gawain:
Hanapin ang Katumbas na larawan.Isulat sa iyong BRB4
Notebook ang naka kahong salita at sa tapat nito ay
ang titik ng katumbas niyang larawan.

You might also like