You are on page 1of 13

N

AAN G
EDUKASY
ON
N
AT S I
BBUBUYOG
UBUYO
G
ISINULAT at IGINUHIT NI:
KRISTINE SOPHIA A. HERMOSA
Isang araw sa isang malayong komunidad ay
naroon si Aso, naglilibot siya sa komunidad upang
hinkayatin ang mga batang hindi nag-aaral tuwing
umaga bago siya magtungo sa paaralan.
Pagkatapos niyang maglibot ay agad na siyang
pumasok, pagdating sa kaniyang silid-aralan ay
naabutan niyang nagtatalo ang kaniyang mga
kaklase.

1
2
“Oh kaibigang Aso narito ka’na pala.” ang sabi ni Kalabaw.
“Oo kaibigan, kaibigan mukhang seryoso ang inyong pinag-
uusapan ah, tungkol saan ba iyan ? “ wika ni Aso.
“Kaibigang Aso tungkol ito sa kung paano tayo mas
makakatulong pa ng marami sa ating mga kababayan, lalo
na ang mga kabataang hindi na nag-aaral. “ sagot naman ni
Kalabaw kay Aso.
“Talaga nga? Bakit? Para saan pa ba? Sino ba ang
makikinig sa atin tungkol sa edukasyon na iyan?” sagot
naman ni Bubuyog kay Ka
labaw.

3
Oh, Bubuyog, tila ata kanina ka pa hindi sang-ayon sa amin,
seryoso ka na ba? Marahil ay dapat mo ring pagtuunan ng
pansin ang pag-aaral. Mahalaga ang edukasyon para sa
pag-unlad ng ating lipunan.” wika ni Kalabaw.
“Ano ba naman yan, Kalabaw! Hindi ko kailangan ng
edukasyon,sa totoo nga dapat ay hindi na lang ako
pumasok. Alam niyo naman matalino na ako at sapat na ang
aking kaalam, sabay tawa ng malakas ni Bubuyog. At isa pa
na dahil diyan may mga tao na wala nang ibang alam kundi
mag-aral.” mayabang na sagot ni bubuyog sa kaibigan
niyang si Kalabaw.
4
“Hindi lahat ng tao ay pare-pareho, Bubuyog. Pero alam
mo, mas maiintindihan mo ang kahalagahan ng edukasyon
kapag siniseryoso mo ang iyong pag-aaral. Tulad namin
dahil mayroon kaming pangarap sa buhay para sa aming
mga magulang.” mahinahong sagot naman ni Kalabaw.
“Tama ang ating kaibigan, Bubuyog. Higit na mahalaga sa
lahat ang edukasyon, kaya kung ako sa iyo pagbubutihin ko
pa ang aking pag-aaral” wika ni Aso.

5
Pagkalipas ng ilang oras na pagtatalo ng
magkakaibigan ay dumating na isa pa nilang
kaibigan na si Baboy.

“Magandang umaga, mga kaibigan. Pagpa-umanhin niyong


ako’y nahuli. Ano ba ang usapan dito?” wika ni Baboy.
“Magandang umaga, Kaibigang Baboy! Tungkol sa
kahalagahan ng edukasyon ang aming usapan, kaibigan.”
sagot ni Aso kay Baboy.
“Ah, edukasyon. Isang bagay na nagbibigay daan sa ating
mga pangarap. Pero tandaan natin, hindi lamang ang pag-
aaral ang nagbibigay halaga sa ating buhay. May mga ibang
aspeto rin tulad ng pagiging mabuting kaibigan at pagtulong
sa kapwa.” wika ni Baboy.
6
“Tama ka riyan, kaibigan. Ngunit edukasyon parin ang
pinaka-mahalaga!” sagot ni Kalabaw kay Baboy.
“Mga kaibigan tama na ang pagtatalo. Kanina pa andyan ang
ating guro sa may pinto. “ wika ni Aso.
“Tama ang sinasabi ng iyong mga kaibigan, Bubuyog. Ang
edukasyon ay susi sa pag-unlad. At ito rin ang dahilan kaya’t
ako’y naging isang guro, ngayon naipapasa ko na ang aking
mga kaalaman sa iba.” Wika ng kanilang guro na si B
aka.

7
“Ano pa po bang silbi niyan? Kung may kaalaman na po kami
at madami ng pwedeng gawin sa buhay.” tanong ni Bubuyog
sa guro.
“Oo nga, Bubuyog, marami nga. Pero alam mo, mas magiging
makabuluhan ang ating buhay kapag may layunin tayo at
ito’y naaayon sa kabutihan ng iba.” sagot ng guro.
8
“Teka, teka. Marahil nga, kailangan ko ng
baguhin ang aking pananaw sa buhay.” wika ni
Bubuyog.
“Huwag kang mag-alala, Bubuyog. Lahat tayo’y
ay may pagkakataong magbago. Ang
importante ay handa tayong matuto at
magbago para sa ikabubuti ng lahat.” wika ng
mga kaibigan niya.

9
“Kaya natin ito, mga kaibigan. Sa edukasyon,
determinasyon, at pagtutulungan, magiging
maunlad tayo bilang isang komunidad.” ang sabi ni
Kalabaw.
“Oo nga, kaibigang Kalabaw. At bukas, sisikapin
kong maging mabuting kaibigan at maging mas
mapanagot sa aking mga gawain. Salamat ng
marami sa inyo!” sagot ni Bubuyog.
10
At simula sa araw na iyon ay nagbago na si
Bubuyog. Nagkaroon ng pangarap sa buhay,
naging mabuting kaibigan sa lahat at natutong
tumulong sa mamamayan. Nagbago siya dahil sa
mabuting impluwensya ng kaniyang mga kaibigan
at guro.

11
12

You might also like