You are on page 1of 22

ESP 5

Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa
pagbuo ng mga sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya EsP5PPP-IIIb-24
• Naisasabuhay nang taos-puso ang
pagkamalikhain upang higit pang malinang ang
talentong ipinagkaloob ng Diyos.
• Naisasadula ang kanilang pagkamalikhain
batay sa sitwasyong inilahad
• Naisasadula ang kanilang pagkamalikhain
batay sa sitwasyong inilahad
Isulat sa iyong kwaderno ang
salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag
sa bawat bilang at MALI naman
kung hindi.
_____ 1. Masayang-masaya si
Desiree na sumali sa sabayang pag-
awit sa paaralan.
_____ 2. Si Jamaica ay natatakot
lumahok sa patimpalak ng
pagsasayaw dahil
kinukutya siya ni Lucy.
_____ 3. Sinasanay ni Ashley ang sarili
sa paglalahok ng mga pakontes sa pag-
await ng mga katutubong awitin sa
paaralan.
_____ 4. Si Rizza ay nagmamayabang
sa sarili na siya ang pinakamagaling na
mang-aawit sa kanilang barangay.
_____ 5. Niyaya ng guro si Kenobi
na maghandog ng isang kanta sa
pagdiriwang ng Linggo ng Wika at
hindi ito tumanggi.
1. Ano ang
ginagawa ng
mag-ina sa
larawan?
2. Anong talento
ng mga bata ang
hinahasa ng ina?
3. Sa tingin ninyo,
sinusuportahan ba ng
ina ang kakayahan ng
anak?
4. Nakatutulong kaya
ang ginawa ng ina
upang maging
malikhain ang
kanyang mga anak?
Ipaliwanag ang iyong
sagot.
Basahin ang kuwento ng isang
pamilya kung paano nila nililinang
ang kanilang mga talent at ang
pagsusuporta nila sa kakayahan ng
bawat isa.
Isang Pamilyang Makasining
Constancia Paloma
Kilala sa Barangay Sampaloc ang mag-anak na Gomez
dahil sa mga talino nila sa sining. Madalas na
naanyayahan ang mag-asawang Gomez sa mga
kasiyahan,sapagkat pareho silang magaling umawit at
sumayaw. Si G. Gomez naman ay binibiro pa ng
kaniyang mga kaibigan na Ginoong Pinagpala dahil
bukod pa sa kaniyang galling sa pagsayaw at pag-awit
ay magaling din siyang gumuhit Isang araw, nag-
anunsiyo ang kapitan ng barangay na nagdaraos ng
paligsahan sa iba’t ibang talent para sa kabataang edad
pito hanggang labintatlo.
Maraming nakuhang isponsr ang barangay
kaya malaki ang premyo. Tamang-tama
naman, sa tatlong anak ng mag-asawang
Gomez, dalawa sa kanilang mga anak ay
nanalo sa kani-kanilang paaralan sa iba’t
ibang paligsahan sa sining. Si Rico, ang
panganay, ay magaling sumayaw at si Rica
naman ay magaling umawit. Ang bunso na
si Maya, pitong taong gulang, ay nakikitaan
na nilang magaling gumuhit.
Namana nito sa kanilang ama ang galling sa
pagguhit. Dahil ditto, sinabihan ng mag-asawa
ang kanilang bunso na sumali narin sa
paligsahan ng barangay, subalit agad itong
tumanggi sapagkat hindi pa niya naranasang
sumali sa kahit na anong paligsahan. “Ano kaya
ang gagawin natin sa ating bunso?” may pag-
aalala ang tinig ng nanay. “Aalalayan muna natin
at kuwentuhan natin siya ukol sa kahalagahan sa
paggamit ng talentong ibinibigay sa kaniya ng
Diyos,” ang mungkahi ng ama.
Niyaya ng mag-asawa ang bunsong anak sa
isang lugar na maraming ibon sa paligid at
may malaking aquarium na may iba’t ibang
isda. “Tingnan mo ang mga ibon at isda,
anak. Pare-pareho ba sila ng kakayahan?
ang tanong na ama kay Maya. “Hindi po,”
ang sagot naman ng anak. “Nakatutulong
ba ang mga ito sa atin?” “Opo,” ang sagot
ni Maya habang tinititigan ang mga hayop
na binabanggit ng ama.
“Ikaw din ay binibigyan ng Diyos ng talent na
kakaiba sa mga kapatid mo. Dahil bigay sa atin
ng Diyos an gating mga talent ay magagamit
natin sa kapaki-pakinabang at malikhaing
Gawain, at ang bunga nito ay ang pag-unlad ng
talent natin na makatutulong sa kaunlaran ng
tahanan, pamayanan, at daigdig.”“O sige pag-uwi
ko sa bahay, magsasanay na ako sa pagguhit,”
ang tugon ng bunso nilang si Maya. Sumali nga
sa paligsahan sa sining ang tatlong mga bata.
Si Rico sa pasayaw, si Rica sa pag-awit, at si Maya
sa pagguhit. Dahil tinutukan ng mag-asawa ang
pagsasanay ng kanilang tatlong anak, pare-
parehong nanalo ang mga ito. Ang dalawang mas
matanda ay parehong gantimpala, at si Maya, dahil
unang pagkaklataon pa lamang niyang sumali at
medyo may alinlangan pa sa kanyang talent sa
pagguhit, ay nakakuha lamang ng ikalimang
puwesto. “Di bale, mula ngayon, magsasanay na
ako. Sa susunod, unang gantimpala ang makukuha
ko.”“Diyan ka magaling!” ang sabay-sabay na sigaw
at tawanan ng buong mag-anak.
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Isadula ang
sumusunod na sitwasyon. ilarawan sa pagsasadula
kung paano maipapakita ang pagkamalikhain ng tauhan
I. Maraming natirang piraso ng kahoy sa ginawang mesa
ng iyong ama. Habang tumutulong ka sa pagliligpit,
bigla mong naisip na malapit na ang kaarawan ng bunso
mong kapatid at ito ay mahilig maglaro ng laruang
kotse. Naisip mo siyang bigyan ng regalo. Ano ang
gagawin mo?
II. Malimit mong marinig ang mga papuri ng iyong mga kaibigan sa tuwing
naririnig ka nilang kumakanta ng makabagong awitin. Ngunit sa sarili mo, alam
mo na hindi ka gaanong bihasa sa pagkanta. Ano ang pwede mong gawin
upang mapabuti pa ang iyong talent sa pagkanta?
III. Mahilig kang magsulat ng kuwento bilang libangan tuwing wala kang ibang
ginagawa. Nais mong maging isang mahusay na manunulat pagdating ng
panahon. Inanunsyo sa inyong klase na naghahanap ng mga manunulat na
maaaring magbahagi ng kanilang artikulo para sa pahayagan ng paaralan.
Paano mo maipakikita na karapat-dapat ka sa posisyon?
IV. Tindera ka sa palengke ang iyong mga magulang kaya’t madaling araw
palang ay pumupunta na sila sa palengke at naiiwan ka upang bantayan ang
nakababata mong kapatid. Dahil sa tanghali pa ang pasok mo sa paaralan,
halos wala kang ginagawa tuwing umaga. Gustong-gusto mong pakinabangan
ang libre mong oras sa umaga. Paano mo ito maisasagawa?
Bakit kailangang linangin ang
pagiging malikhain sa sarili?
• Ano ang inyong talento?
• Kayo ba ay nagpapasalamat sa
Diyos sa talentong ibinigay?
• Ihayag ang iyong pangako kung
paano mo mapagyayaman ito
Basahin ang sitwasyon at sabihin kung paano isasabuhay at
maipakikita ang pagkamalikhain o malilinang ang iyong talento.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

• Nagpatulong sa iyo sa paggawa ng saranggola ang iyong


nakababatang kapatid. Gusto mo siyang tulungang magkaroon ng
saranggola ngunit nanghihinayang ka sa perang ipambibili mo ng
papel de hapon. Ang pera ay puwede ng pambaon ninyong
dalawa sa pagpasok sa paaralan. May nakita kang mga lumang
diyaryo sa iyong bakuran. Paano mo magagamit ang iyong
pagkamalikhain?
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.
Iguhit puso ang kung wasto ang isinasaad sa
pangungusap at kung di-wasto. Gawin ito sa
iyong kwaderno.
_____ 1. Si Carlo ay nanonood ng mga sayaw sa
youtube at kumukuha ng ideya rito
para sa binubuong sayaw bilang pagtatanghal sa
paaralan.
_____ 2. Kusang loob na tumulong si Mortiz sa
mga gawaing pampamayanan at
pampaaralan.
_____ 3. Iminungkahi sa mga kasamahan na
tigilan na ang pagtulong at ibayad na
lamang ang mga gawain para di na mahirapan.
_____ 4. Sinulatan ni Farah ang pader ng
paaralan gamit ang pentel pen.
_____ 5. Hindi ako lumahok sa anumang
paligsahan dahil sa ako ay mahiyain.

You might also like