You are on page 1of 97

Ang

Aking Pamilya
ARALING PANLIPUNAN 1
IKALAWANG MARKAHAN-IKALAWANG
LINGGO
ARALING
PANLIPUNAN
UNANG ARAW
2
Layunin
Nakabubuo ng kwento tungkol sa
pang-araw-araw na gawain ng buong
pamilya. (Ina)
AP1PAM-IIb-5
3
Gawain:
Pagtapat tapatin ang
sumusunod

Masdan ang mga larawan sa ibaba. Isulat

iyong pamilya. “
sa iyong kuwaderno ang bumubuo ng

Ano-ano ang mga karaniwang


ginagampanan ng mga kasapi ng pamilya?
Magbigay ng halimbawa.

Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang patlang.
1. Ako si

__________________________.
2. Ang aking mga magulang ay
sina___________at________________.
3. Ang aking pamilya ay mayroong ______ (bilang)
na babae.

4. Ang aking pamilya ay mayroong
______ (bilang) na lalaki.
5. Kami ay nabibilang sa
______________na pamilya. (maliit o
malaki)

Talakayin ang kwentong binasa
at sagutin ang mga katanungan.

1. Sino ang nagsasalita sa kwento?


2. Tungkol saan ang kwentong binasa?

3. Ano ang ginagawa ng ina sa kwento?



Gamit ang graphic organizer
iguhit ang mga gawaing
ginagampanan ng nanay sa loob
ng tahanan.


Iguhit ang inyong ina sa loob ng puso
at isulat sa ilalim nito ang “Salamat
po sa masipag at maasikasong
nanay.”

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahon na


nagpapakita ng kahalagahan sa pamilya batay sa
kaugalian at paniniwala at ekis (✖) kung hindi. Isulat
ang
sagot sa sagutang papel.
❑ 1. Mahalaga sa pamilya ang tulong-tulong sa
gawaing bahay.
❑ 2. Mahalaga sa pamilya ang nagsisigawan.

❑ 3. Mahalaga sa pamilya ang may
respeto sa bawat isa.
❑ 4. Mahalaga sa pamilya ang nag-
aagawan.
❑ 5. Mahalaga sa pamilya ang
nagbibigayan.

Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kani-
kaniyang tungkulin at karapatan.
• Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan.
Siya ang nagtataguyod ng pamilya.
• Ang ina naman ay kaagapay ng


ama sa pamilya. Siya ang
itinuturing na ilaw ng tahanan.
Siya ang nangangasiwa sa mga
pangangailangan sa tahanan.
Ang mga anak ay katulong ng mga


magulang sa mga gawaing bahay.
Pananagutan ng mga magulang na pag-
aralin ang mga anak. Inaasahan naman na
ang mga anak ay mag-aaral nang mabuti.

Panuto: Kulayan ang larawan ng
pamilyang nagpapakita
ng pagmamahalan, pagtutulungan at
paggalang sa bawat miyembro ng
pamilya.

ARALING
PANLIPUNAN
IKALAWANG
ARAW
24

Ano ang mahalagang
gampanin ng isang ina sa
tahanan? Isulat sa loob ng
kahon

Ikahon kung sino ang kasapi na


naghahanapbuhay sa pamilya.

Lagyan ng tsek √ kung sino ang
palagi mong nakikitang gumagawa
ng Gawain bahay tulad ng
pagkukumpuni ng mga sirang
gamit?

Pakinggan ang kwentong


“Ang Tatay”
“Darating na ang tatay. Mag-uuwi ba siya ng
maraming mais, Nanay?” ang tanong ni Perla.
“Ang sabi niya ay mag-uuwi raw siya ngayon ng
mais. Panahon ng maraming mais sa bukid
ngayon,” ang wika ng nanay. Maaaring mag-uwi
rin siya ng kamote at mani.” Maya-maya ay
dumating na ang Tatay.

Nakasakay siya sa likod ng
kalabaw. Hila-hila ng
kalabaw ang kariton na may
sakay na apat na sako.
Lagyan ng

kung ang larawan ay
nagpapakita ng tungkulin ng tatay at
kung nagpapakita ng tungkulin ng
nanay.


Mahalaga ba ang papel na
ginagampanan ng isang ama? Paano
kaya ang mangyayari sa isang mag-
anak kung walang maghahanapbuhay
na ama?
Iguhit ang larawan ng iyong ama sa
loob ng ulap at isulat ang kaniyang mga


katangian sa kahon.
• Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang katangian. Iba-iba


ang miyembro, pinagmulan, tradisyon at kaugalian, maging
tungkulin at karapatan ng bawat miyembro ng pamilya.
• Sina tatay at nanay ay naghahanapbuhay para sa
pangangailangan ng pamilya. May pamilya na ang tatay
lamang ang nagtatrabaho at naiiwan ang nanay upang
gumawa ng mga gawaing-bahay.
Mayroon namang pamilya na ang tatay ang

para sa pamilya. “
naiiwan sa bahay at ang nanay ang kumikita

Pagkagaling sa trabaho ay may tungkulin pa


ring dapat gampanan sina tatay at nanay.
Minsan, sila pa rin ang magluluto at
maglilinis ng bahay

Ang ama ang may malaking responsibilidad
na maitaguyod ang pamilya upang
matugunan ang mga pangangailangan nito.
Matutugunan ang mga pangangailangang
ito kung ang pamilya ay nagtutulungan.
Isulat sa kuwaderno ang T kung tama ang
pahayag at M naman kung mali.

___1. Hindi dapat sabay- sabay na kumakain ang
isang pamilya.
___2. Hindi nagtatrabaho ang ama para sa
kanyang pamilya.
___3. Igalang at mahalin ang ating ama at ina.

___4. Pananagutan ng magulang na
mabigyan ng maayos na buhay ang mga
anak.
___5. Tungkulin ng ama sa loob ng
tahanan na magkumpuni at mag-ayos ng
mga sirang gamit.
ARALING
PANLIPUNAN
IKATLONG
ARAW
41
Tukuyin ang mga bahaging


ginagampanan ng isang ama bilang
kasapi ng pamilya.

Sino ang katuwang ng ama sa mga
gawaing bahay? Iguhit ang kanyang
larawan sa loob ng bituin. Ano-ano ang
kanyang kahalagahan sa loob ng tahanan?
Magbigay ng halimbawa.


Sino ang tumutulong kay tatay sa
paglilinis ng bakuran at
pagkukumpuni ng mga sirang
gamit? Ipaliwanag ang nasa
larawan

Basahin ang kwentong


“Sa Tumana”
Isang araw, kasama si Ben ng kanyang ama sa tumana.
Napasigaw siya sa tuwa ng makita na malalki at matataba
ang kanilang mga pananim na mga upo at
patola.Tinulungan niya sa pamimitas ng gulay ang tatay.
Maayos na inilagay ni Ben sa tikles ang mga napitas na
gulay.
Tumulong din siya sa pagbubuhat

upang madala sa palengke ang mga
gulay. Marami silang napagbilhan ng
kanilang ani. Tuwang-tuwa si Mang
Lando sa anak dahil sa pagiging
matulungin nito.

Gamit ang mga larawan sa loob ng kahon,
piliin ang mga larawan na nagpapakita ng
tungkulin ng isang kuya at idikit sa bag.
Gawin ito sa sagutang papel.


Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay magpapakita ng isang
maikling dula kaugnay sa mga gawaing
ginagampanan ng isang kuya. Maaring
magbigay ng mga halimbawa sa klase.
Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahon na


nagpapakita ng kahalagahan sa pamilya batay sa
kaugalian at paniniwala at ekis (✖) kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
❑ 1. Si Kuya ang katulong ni tatay sa pagkukumpuni
ng mga gamit sa bahay.
❑ 2. Palaging nag- aaway si ate at kuya.
❑ 3. Mahalaga ang tungkulin ng Kuya sa isang
pamilya.

❑ 4. Si Kuya ang nag-iigib ng tubig
at nagwawalis ng bakuran.
❑5. Igalang at mahalin ang lahat ng
miyembro ng pamilya.
Ang mga kasapi ng bawat pamilya ay mayroong


tungkuling ginagampanan sa tahanan. Ang pamilya
ang pinakamaliit na yunit ng
komunidad. Ang bawat pamilya ay may iba’t ibang
pinagmulan, komposisiyon, kaugalian at
paniniwala.

Isulat ang mahalagang gampanin ng
mga sumusunod na kasapi ng pamilya.
Gawin ito sa inyong kwaderno.

ARALING
PANLIPUNAN
IKAAPAT NA
ARAW
57
Sumulat ng tatlong gawain na


nagpapakita ng mahalagang
gampanin ng Kuya sa tahanan.
1._________________________
2.____________________________
3. __________________________

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng wastong kaisipan at MALI kung hindi.
_______1. Ang pagtutulungan ng mag-anak sa
tahanan ay nagdudulot ng kasiyahan.
________2. Bawat kasapi ng tahanan ay may
karapatan at tungkulin na dapat gampanan.
_______3. Sinisigawan ang nakakatandang
kapatid kapag kinakausap.


_________4. Magbigay galang at respeto sa bawat kasapi ng
pamilya para sa maayos na
pagsasamahan.
_____________5. Ang pagdarasal ng mag-anak ay nagpapakita
ng pananampalataya sa
Diyos.
Iguhit ang thumbs up kung

ginagawa ng kasapi ng iyong pamilya
ang kanilang tungkulin at karapatan.
Thumbs down
naman kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
1. Nag-aayos si Tatay Gerry ng sirang upuan.


2. Nag-aaral nang mabuti ang mga anak.
3. Pinananatili ni Nanay Alice ang kaayusan ng tahanan.
4. Katulong ni Nanay Carmen ang mga anak sa mga
gawaing-bahay.
5. Nagtatrabaho sina Tatay Ador at Nanay Roda para sa
pangangailangan ng pamilya.

Iparinig ang kwentong “Si Amelia”
Si Amelia ay tumutulong sa bahay tuwing Sabado.
Naglilinis siya ng bahay. Inaalagaan niya ang sanggol
niyang kapatid an lalaki. Namimitas siya ng sariwang
bulaklak sa hardin at inilalagay sa plorera. Pinakakain
niya ang mga baboy at mga manok. Tumutulong siya sa
nanay sa pagluluto.
Pagkatapos magluto, nagdadala siya ng pagkain sa tatay niya
sa bukid. Natutuwa siyang makatulong sa bahay.
Sagutin ang mga tanong :
1. Sino ang bata sa kwento? “
2. Anong kasapi ng pamilya si Aya?
3. Ano-ano ang kanyang mga ginagawa para makatulong sa
pamilya?
4. Katulad ka rin ba ni Aya?
Tukuyin ang mga larawan. Ilagay ang
angkop na pahayag na naglalarawan sa mga
ito.



Iguhit ang larawan ng ate sa loob ng
bilog at sumulat ng tatlong
mahalagang gampanin niya bilang
kasapi ng pamilya. Gawin ito sa
sagutang papel.

Ate

Ilagay ang angkop na larawan na
tumutukoy sa sumusunod na kasapi
ng pamilya.


Ang mga kasapi ng bawat pamilya ay
mayroong tungkuling ginagampanan sa
tahanan.
Siya rin ang nagbubuklod sa matibay na
pagsasamahan at pagmamahalan ng
pamilya. Binubuo ito ng tatay, nanay at mga
anak.
Ang ating mga magulang ang ating sandalan


kung tayo ay may problema. Sila ang ating
kasama sa lahat ng pagsubok sa buhay. Sila
ang gumigising sa atin tuwing umaga. Sila
ang naghahanapbuhay para tustusan ang
pangangailangan natin sa araw-araw.
Si nanay ang madalas na nghahanda ng pagkain para sa
umaga, tanghali at gabi habang si tatay naman ang


naghahanapbuhay . Gagawin nila ang lahat para tayo
ay mabigyan ng magandang buhay. Sa kanilang
pagsasakripisyo, nararapat lamang na sila ay
parangalan. Sila ang tunay na bayani sa bawat tahanan,
at mananatili sila sa puso, isip at diwa ng kanilang
pamilya.
Ang mga anak ay may mahalagang gampanin rin
bilang kasapi ng pamilya. Kagaya ni Kuya na


katuwang ni Tatay sa mga Gawain gaya ng
pagkukumpuni ng sirang mga gamit sa bahay, si Ate ay
katuwang rin ni Nanay sa mga gawaing bahay gaya ng
pagluluto, pagalaba, pag-aalaga ng nakababatang
kapatid, paghuhugas ng plato at paglilinis ng bahay.
Piliin ang titik ng tamang sagot.


1.Sino ang kasapi ng pamilya na itinuturing na
ilaw ng tahanan?
a. tatay
b. nanay
c. kuya
d. ate
2.Siya ang katulong ni Nanay sa paglalaba,
paghuhugas ng pinggan at pamamalantsa para


mapagaan ang mga gawaing bahay.

a. nanay
b. kuya
c. ate
d. lola
3.Kung si Bunso ang nagpapasaya ng


tahanan, sino naman ang haligi ng
tahanan?
a. Bunso
b. Tatay
c. Kuya
d. Nanay
4.Siya ang katulong ni Tatay sa


pagkukumpuni ng mga sirang gamit,
pagpapanday at pagkukumpuni sa bahay?
a. Nanay
b. Tatay
c. Ate
d. kuya
5. Siya ang nagbibigay ng kasiyahan sa


ibang kasapi ng pamilya sa loob ng tahanan.

a. nanay
b. bunso
c. tatay
d. kuya
ARALING
PANLIPUNAN
IKALIMANG
ARAW
80

Iguhit ang kung sang-ayon ka sa isinasaad ng


pangungusap. Iguhit ang kung hindi ka sang-
ayon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Igalang ang lahat ng miyembro ng pamilya.


2. Huwag makiramay sa kamag-anak na namayapa.
3. Batiin ang kasapi ng pamilya na may kaarawan.

Ano ang masasabi nyo sa larawan?
Masaya ba ang pamilya?
Sino-sino ang bumubuo nito?
Ilarawan ang mahahalagang gampanin ng
bawat kasapi ng pamilya.

4. Tulungan ang mga magulang sa
gawaing- bahay.
5. Mag-aral nang mabuti
Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat
tanong.


1. Ano ang katangian o kaugalian ang ipinapakita sa
unang pamilyang nabanggit sa kuwento?

A. matulungin
B. magaling
C. maiingay
D. mayayabang

2. Ano naman ang katangian o kaugalian ang ipinakita
sa ikalawang pamilyang nabanggit sa kuwento?
A. masayahin
B. magalang
C. magulo
D. maasahan
3. Ano ang kahalagahang maidudulot kung


magtutulong-tulong sa gawain ang pamilya?

A. Ang gawain ay lalong dumarami.


B. Madaling matatapos ang gawain.
C. Lalong magiging marumi ang bahay.
D. Ang buong pamilya ay magulo.

Masdan ang mga larawan. Lagyan ng
kung ang larawan ay nagpapakita ng kasapi ng
pamilya na gumaganap sa kaniyang tungkulin.
Lagyan naman ng kung hindi. Gawin ito sa
iyong kuwaderno


Nagpapatuloy pa ba ang kaugalian sa iyong
pamilya? Iguhit ang masayang mukha
nagpapatuloy sa inyong pamilya ang mga
kung

kaugalian. Malungkot naman na mukha


kung hindi ang mga kaugaliang nakasulat sa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Magkakasama ang pamilya sa pagsisimba.
2. Nagsasalo-salo ang pamilya sa pagkain.
3. Nagmamano ang mga bata sa mga
nakatatanda.

4. Nagsasama-sama ang pamilya
tuwing may okasyon.
5. Naghahanda ang pamilya kung
may kaarawan

Gumupit o gumuhit ng larawan ng bawat
miyembro ng iyong pamilya at idikit ito sa
wastong kahon upang mabuo ang iyong “Tala ng
Angkan o Family Tree”.
Isulat sa ilalaim ng larawan ang katangian ng
bawat miyembro ng iyong pamilya.

Punan ang mga patlang upang makabuo ng
makabuluhang pangungusap.


Maliit man o ____________, kompleto man ang magulang o
hindi, maituturing pa rin itong ____________. Ang bawat
pamilya ay may iba’t ibang ____________ at paniniwala.
Mayroon kang iba’t ibang ____________ at karapatan sa
iyong pamilya.

kaugalian pamilya
Malaki tungkulin
bayan

You might also like