You are on page 1of 19

AP

Q2 – WEEK 2
DAY 2
Balik aral
Ano-ano ang mga gampanin na
ginagawa ng tatay? Nanay? Ate
at kuya? Ni bunso?
May ipapakitang larawan ng mga kasapi ng
pamilya. Tatawag ang guro ng magsasagawa ng
kilos na tungkuling ginagampanan ng nasa
larawan. Papahulaan sa klase kung sinong
kasapi ng pamilya ang gumagawa ng tungkulin.
Sino-sino sa inyo ang nagtatrabaho ay
tatay? Nanay?
Sino naman sa inyo na ang nanay ay nasa
bahay at gumagawa ng mga gawaing
bahay?
Sino sa inyo ang ate at kuya ay
nagtatrabaho pa?
Pagmasdan ang mga larawan
Ang bawat kasapi ng pamilya ay may
kaniya-kaniyang tungkulin.
Ang ama ang nagsisilbing haligi ng
tahanan.
Ang ina ay kaagapay ng ama sa
pamilya. Siya ang ilaw ng tahanan.
Ang mga anak ay katulong ng mga
magulang sa mga gawaing bahay.
Pananagutan ng mga magulang ang
mahusay na pag-aaral ng mga anak.
Idikit ang larawan ng kasaping pamilyang
gumaganap sa tinutukoy na tungkulin.
Tungkulin Sino-sino ang gumaganap dito?

1.Katulong ng ina sa mga  


gawaing-bahay.
2. Nagtatrabaho para sa  
pangangailangan ng pamilya.

3. May pananagutang mag-  


aaral nang mabuti.

4. Pinananatili ang kaayusan  


ng tahanan.
5. Nagkukumpuni ng mga  
kasangkapan.
Pagtambalin ang mga kasapi ng pamilya na nasa
Hanay A sa kaniya-kaniyang tungkulin na nasa
larawan sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1.nanay

2. tatay

3. ate at kuya
Paano mo masasabi na kayo ay
isang pamilya?
Tandaan
- Ang bawat kasapi ng pamilya
ay may bahaging dapat
gampanan upang maging
maayos ang pamilya.
-Mahalaga ang bawat kasapi ng
pamilya.
-Hindi sa lahat ng pagkakataon,
ay si tatay ang
naghahanapbuhay.
Halimbawa:
Mas mataas ang pinag-aralan ni
nanay kaya mas maganda ang
nakuhang trabaho ni nanay.
Mayroon din namang mga
tatay na hindi
makapagtrabaho dahil may
karamdaman o sakit.
Iguhit ang 😊 kung ginagawa
ng kasapi ng pamilya ang
kaniyang tungkulin at ☹
naman kung hindi.
1.Nag-aayos si Tatay Gerry ng
sirang upuan.
2. Nag-aaral nang mabuti ang
mga anak.
3. Pinananatili ni Nanay Alice
ang kaayusan ng tahanan.
4. Katulong ni Nanay Carmen ang
mga anak sa mga gawaing-bahay.
5. Nagtatrabaho sina Tatay Ador at
Nanay Roda para sa
pangangailangan ng pamilya.
Takdang Aralin

You might also like