You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Unang Markahan – Ikatlong Linggo
Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya

I. Panimula:
Isang biyayang maituturing ang pagkakaroon ng mga
magulang o kapamilya. Mapalad ang isang batang katulad mo na
may matatawag na nanay, tatay, ate, kuya, lolo o lola. Sila ay may
tungkulin na pangalagaan at mahalin ka. Ituturo rin nila sa iyo ang
kabutihang–asal.
Bawat kasapi ng isang pamilya ay may kahalagahang
ginagampanan sa kanyang pamilya at sa komunidad nito. Sino-sino
ba ang mga kasapi ng pamilya? Ano-ano ba ang kanilang
ginagampanan, sa kanilang pamilya, at komunidad?
May nabubuo na bang mga kasagutan sa iyong kaisipan?
Kung meron, mahusay! Halika at ating pagyamin!

II. Kasanayang Pampagkatuto


Nakikilala ang sarili bilang mahalagang bahagi ng pamilya at
ng komunidad.
Koda: HGPS-Ie-11
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. matutukoy ang mga tungkulin ng bawat kasapi ng pamilya, at
2. masasabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng pamilya.

IV. Pagtalakay
Sino-sino ang bumubuo sa isang pamilya?
Tama! Ang bumubuo sa isang pamilya ay tatay, nanay, kuya,
ate at si bunso.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga tungkulin na dapat
gampanan. Kaya’t ang bawat isa ay mahalaga.

(Basahin ng may patnubay ng magulang)


Ang tungkulin ng bawat kasapi ng Pamilya

Siya si tatay, ang haligi ng tahanan. Siya


Ang naghahanapbuhay para sa pamilya.

Heto naman si
nanay, tinaguriang
ilaw ng tahanan. Siya
ang nag-aalaga at
gumagawa ng mga
gawaing bahay.

2
Si kuya ang katulong ni
tatay sa mga ibang
gawain sa loob ng bahay
tulad ng pagkukumpuni ng
mga sirang gamit.

Si ate naman ang kasama


ni nanay sa mga gawaing
bahay. Tinutulungan niya
si nanay sa pagluluto o
paglilinis ng bahay.

At siya naman ang nagbibigay


galak at saya ng buong pamilya,
si bunso.

Sa iyong gulang anong tungkulin ang ginagampanan mo sa


iyong pamilya?
Mahalaga ba ang bawat kasapi ng pamilya?
(Basahin ang tula sa gabay ng magulang at sagutin ang tanong sa ibaba.)

Ako Ay May Halaga Rin!


Isinulat ni Gng. Laura G. Del Rosario

Munti man ako sa inyong paningin,


ako’y may halaga rin.
Bilin ni inay huwag kalimutan,
pakalinisin munting tahanan.

3
Munti man ako sa inyong paningin,
ako’y may halaga rin.
Gawain ni itay,
ako’y nakaalalay.

Munti man ako sa inyong paningin,


ako’y may halaga rin.
Dala ko’y galak at sigla,
sa buong pamilya’y nagpapasaya.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang pamagat ng tula? ___________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sino ang tinutukoy sa ikalawang saknong? _____________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Sino ang nagbibigay saya sa buong pamilya?__________________
_________________________________________________________________

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain ( Patnubay at gabay ng magulang ay
kailangan )
A.1 Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung hindi.
___________1. Si tatay ang haligi ng tahanan.
___________2. Si inay ang tinaguriang ilaw ng tahanan.
___________3. Ang katulong ni tatay sa ibang gawain ay si kuya.
___________4. Si nanay ang katuwang ni ate sa gawaing bahay.
___________5. Si bunso ay naghahatid ng sigla at saya sa pamilya.

4
A. 2 Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Si ____________________ nagbibigay saya sa loob ng tahanan.
2. Si ____________________ ang naghahanapbuhay para sa pamilya.
3. Si ____________________ ang nag-aalaga kay bunso at
naghahanda ng pagkain.
4. Si ____________________ at (5) ____________________ ang
magkatulong sa pagkukumpuni ng sirang gamit sa bahay.

Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang


kinakailangan)
B.1 Panuto: Buuin ang talata upang makabuo ng isang pangako.

Ako si ___________________________________________
nangangakong _______________________ ko ang aking tungkulin
na ___________________________ bilang kasapi ng aking
__________________________ sa abot ng aking
_________________________.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan

Nabuo ang talata at naisulat lahat ang tamang sagot na hinihingi. 5

Nabuo ang talata ngunit hindi nakuha ang lahat ng tamang sagot. 3
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B.2 Panuto: Gumuhit ng tungkulin na ginagampanan mo sa loob ng


bahay.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Puntos
Pamantayan

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Malinis, maayos at akma sa aralin. 5

Sariling gawa ng bata ang iginuhit. Hindi malinis at maayos ngunit akma sa aralin. 3

Hindi gawa ng bata ang iginuhit. 1


*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI kung hindi.
__________1. Gawin nang buong husay ang iyong tungkulin.
__________2. Maari ring magkumpuni ng sirang gamit si ate.
__________3. Sina lolo at lola ang gumagawa sa gawaing bahay.
__________4. May sariling tungkulin ang bawat kasapi ng pamilya.
__________5. Si tatay ang naghahanapbuhay para sa buong
pamilya.

VII. Pangwakas
Panuto: Isulat ang mga nawawalang salita upang mabuo ang
konsepto ng aralin. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

Ang ____________________ ay binubuo ng ____________________,


nanay, ate kuya at bunso. Bawat ____________________ ng pamilya
ay may mga ____________________ na dapat ____________________.

pamilya kasapi tatay


tungkulin gampanan

6
VIII. Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade12 S.Y.
2020-2021.
https://www.google.com/search?q=clip+art&client=firefox-b-
d&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj6-
5SIl4byAhUCL6YKHbFjC_IQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=64

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain # 1 Gawain # 2
4. Kuya 5. bunso
3. Tatay A.2 1.tatay 2. Nanay
iba ang sagot
A.1 1./ 2.X 3./ 4./ 5./ A.1 at A.2. Maaaring magkaka-

Pagsusulit Pangwakas
TAMA 5. gampanan 5.
MALI 4. tungkulin 4.
TAMA 3. kasapi 3.
MALI 2. tatay 2.
TAMA 1. pamilya 1.

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Laura G. Del Rosario


Patnugot: Laura G. Del Rosario
Tagaguhit: Rhian Joy G. Fernandez
Tagapagsuri ng Nilalaman: Jeslie R. Bautista
Ruby Ann C. Soliven
Melchora E. Aduca
Patnugut ng Wika: Carmela M. Santos
Grupo ng tagapaglinang: Marissa M. Damian,PhD
Eden G. Tańedo

You might also like