You are on page 1of 15

Week 11

Ako ay bahagi ng
isang PAMILYA
Most Essential Learning Competencies

Natutukoy na may pamilya ang bawat isa.


KMKPPAM-001-1
Masayang Pamilya

Sa lahat ng oras, kami ay masaya


Laging nagtutulungan sa hirap at sa
ginhawa
Laging magkasundo si Inay at Itay
Kami ay maligaya
Sa loob ng bahay.
Tingnan ang larawan.

Ang bawat isa ay may


pamilyang kinabibilangan.

MALIIT MAN O MALAKI ang


isang pamilya ang
mahalaga naman ay
NAGMAMAHALAN AT
MAGKAKASAMA ang mga ito.
Ang PAMILYA ang pinakamaliit na yunit
sa lipunan.
Binubuo ANG PAMAYANAN ng mga
PAMILYA.
Limon Family
Tatay Jerry
Nanay Helen FAMİLY PİCTURE

Jerlene
Jen
Jermaine
Family
Tatay Krist FAMİLY PİCTURE
Nanay Jen
Rinoa
Mga Kasapi ng Pamilya
Tatay
• Siya ang tinatawag na haligi ng
tahanan.

• Nagtatrabaho siya para sa kanyang


pamilya.

• Tumutulong rin siya sa gawaing


bahay upang maging magaan ang
gawain ni Nanay.
Nanay
• Siya naman ang tinatawag na ilaw ng
tahanan.
• Inaalagaan niya ang kanyang mga anak at
sinisiguro niya na ang kanilang tahanan
ay maayos, malinis at maganda.
Kuya
• Si Kuya naman ang katuwang ni Tatay
kapag may aayusin o kukumpunihin na
gamit sa bahay.

• Tinutulungan rin niya si Nanay upang


proteksyunan ang pamilya sa tuwing si
Tatay ay nagtatrabaho.

• Katuwang rin siya ni Ate sa pag-aalaga


kay bunso.
Ate
• Ang ate naman ang kaagapay ni Nanay sa
mga gawaing bahay.

• Siya rin ang nagbabantay kay bunso sa


tuwing si Nanay ay may ginagawa o hindi
kaya ay nagtatrabaho
Bunso
Si bunso naman ang nagbibigay
saya sa buong pamilya.

Siya rin nagpapawi ng pagod nina


Nanay at Tatay mula sa maghapong
pagtatrabaho.
Gawain:

Ipakilala ang iyong


PAMILYA.
Gawain:
Gawain 1: Pag-usapan ang larawan ng
pamilya. Magdikit ng larawan ng inyong
pamilya sa loob ng kuwadro. Pahina 4

Gawain 2: Iguhit sa kahon ang larawan ng


iyong pamilya. Isulat sa patlang ang bilang ng mga
kasapi ng iyong pamilya. Pahina 5

You might also like