You are on page 1of 19

Pagsagot sa mga Literal

na Tanong Tungkol sa
Talatang Pinakinggan
Prepared By:
Sylvia R. Orcajo
Tingnan ang Larawan
1. Masaya ba ang pamilyang ito?

2. Ano ang ibig sabihin ng pamilya?

3. Sino-sino ang bumubuo ng pamilya?

4. Bakit mahalaga ang pamilya?


Gawin Natin!
Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga
tanong:
Nakaipon ng halagang Ᵽ500.00 si Aling Flor
mula sa kanyang paglalabada. Sinubukan
niyang magtinda ng lutong pansit mula sa
perang ito. Matiyaga niyang inilalagay sa
sisidlang plastik ang pansit at inihuhulog niya
ito sa kalapit na paaralan. Madali itong
nauubos.
Gustong-gusto ng mga mag-aaral ang
kaniyang luto. Wala pang isang taon ay
nakaipon siya ng malaki-laking halaga at
ito ay ipinatayo niya ng isang maliit na
tindahan. Dito’y nagtitinda pa rin siya ng
mga lutong pagkain gaya ng lugaw, puto,
at iba pa. Ngayon ay may mga katulong
na siya sa pagluluto at pagtitinda ng mga
kakaning pagkain.
Mga tanong:

1. Sino si Aling Flor?


2. Magkano ang naipon niyang pera?
3. Ano ang ginawa ni Aling Flor sa perang naipon?
4. Saan niya itinitinda ang kanyang paninda?
5. Nang nakaipon nang malaki si Aling Flor, ano ang
kanyang ginawa sa pera?
Alam mo ba na……
Ang bawat bahagi ng pamilya ay kinakailangang magkaroon ng
pagkakaisa, pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. Ang
pinakabuod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak.
Ang ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at
nagpapasya sa pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang
pakainin, bigyan ng matitirhan at papag-aralin ang mga
miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang nagtratrabaho at
kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-
aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at
pinagkakasya ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak
naman ay may responsibilidad rin- maging mahusay sa pag-aaral
at pagtulong sa bahay.
Basahin ang sanaysay at humanda sa mga
katanungan pagkatapos
Ang mag-anak ang siyang pinakamaliit na institusyon
sa ating bansa ngunit siyang pinakaugat. Kung walang
puno, walang bunga. Kailangang itanim natin sa ating
isipan ang pagpapanatili ng buong pamilya kahit
dumating ang anumang suliranin at tukso. Mahalaga
ang buong mag-anak sa malusog at maayos na paglaki
at pag-unlad ng bawat kasapi. Kailangan ang
pagkakabuklod at pagkakaisa ng bawat kasapi sa
anumang gawain o mithiin ng isa’t-isa.
Samantala, may mga pagkakataong dumarating sa
isang mag-anak na isa o dalawang kasapi nito ay
kailangang mawala sa kanilang piling upang maghanap
ng mabuting kapalaran sa ibang bansa. Suriin ang
situwasyong tulad nito:
Nang umuwi si Mang Castro sa Pilipinas buhat sa
pagtatrabaho sa Saudi Arabia ay isa na siyang malamig na
bangkay. Umiiyak sa dalamhati ang kanyang asawa at anak na
maliit pa.
Si Mang Castro ay nagkasala sa batas ng Saudi Arabia, dahil
hindi siya pinasusuwelduhan ng kanyang among Arabo sa loob
ng maraming buwan. Kaya napilitan siyang looban ito ng ilang
daang rial upang may maipadala siyang pera sa kanyang
pamilya. Sinamang-palad namang napatay nito ang kanyang
amo kaya hinatulan siya ng kamatayan.
Gawin ninyo!

Panuto: Gumawa ng limang katanungan na hango sa nabasang


sanaysay.

1. __________________________________________________________?
2. __________________________________________________________?
3. __________________________________________________________?
4. __________________________________________________________?
5. __________________________________________________________?
Panlinang na Gawain
Panuto: Basahin ang sanaysay at humanda sa mga katanungan pagkatapos

Ang Batang Matulungin at Masunurin


Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan
upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina kapag mahuli siya
sa pag-uwi.
Habang naghihintay siya ng sasakyan, may lumabas
na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang, kitang-
kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ito
sa tabi niya upang mag-abang din ng masasakyan.
Maya-maya may humintong sasakyan sa harapan ni
Paul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na
namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali
siya sa pag-uwi dahil pagagalitan siya ng ina kapag
nahuli sa pag-uwi subalit naawa siya sa bata.
Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na
sumakay kaagad, kaya ipinaubaya nalang niya ang
sasakyan sa kanila. Nagpasalamat ang ina ng bata.
Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na
masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa
munting paraan lang.
Tandaan!

Upang masagot ng tama ang mga tanong sa teksto,


kailangang maunawaan ang nilalaman nito sa
pamamagitan ng pagbuo ng konsepto.

Ang mga sagot sa mga literal na tanong ay makikita sa


tekstong binasa. Ito ay sumasagot sa tanong na ano,
sino, saan at kailan.
Pagtataya:

Panuto:Suriing mabuti ang maikling talaarawan


ni Hanna at sagutin nang tama ang mga
sumusunod na katanungan.
Ang Aking Bakasyon
Nagbakasyon ako sa Lola ko sa lalawigan. Masaya kami ng
mga pinsan ko roon.
Aktibo si Lola Rosa sa gawaing pansimbahan. Kagawad
naman ng barangay si Lolo. Pareho na kasi silang retirado sa
pagtuturo.
Titser sila dati sa paaralang sa bayan. Lagi akong kasama
ni Lola sa pagsisimba kung Linggo. Katulong din niya ako sa
pag-aalaga ng mga orchid. Abala naman si Lolo sa
proyektong Linis-Kapaligiran. Natutuhan ko sa kanila na
kahit matanda na, marami pa ring maitutulong sa
pamayanan.
Mga tanong:

1. Saan siya nagbakasyon si Hanna?


2. Ano ang dating trabaho ng Lolo at Lola ni Hanna?
3. Kailan nagsisimba sina Hanna at ang kanyang Lola?
4. Sino ang abala sa proyektong Linis-Kapaligiran?
5. Ano ang kasalukuyang trabaho ng Lolo ni Hanna?
Takdang Aralin:
Panuto: Sumulat ng talata ayon sa pamagat sa ibaba at
bumuo ng limang (5) tanong.

“Ang Aking Hindi Malilimutang Karanasan”

You might also like