You are on page 1of 1

“Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”

I. Tauhan
-Wigan

Ang asawa ni Bugan ang sumangayon kay Bugan na maglalakbay ito patungo sa mga diyos dahil hindi nga sila magkaanak.

-Bugan

ang napakagandang babae na asawa ni Wigan ngunit hindi nagkakanak, kaya naman naglakbay siya patungo sa tahanan ng mga
diyos.

-Igat

isang hayop na naunang nakita ni Wigan sa lawa sa kanyang paglalakbay siya ay nagtanong kay Bugan kung saan ito patungo
ngunit ayon kay Bugan ay naghahanap siya ng kakain sa kanya sapagkat hindi sila magkaanak ni Wigan.Ngunit ayon kay Igat ay
huwag dapat malungkot si Bugan at inutusan na siya nito na maglakbay at makipagkita sa mga diyos.

-Buwaya

siya naman ang pangalawang hayop na nakita ni Bugan sa Lagud. Siya ang nagwika at nagtanong kay Bugan na Tao san ka
pupunta? Pero sinagot parin siya ni Bugan ng kapareho ng sinabi niya kay Igat na naghahanap siya ng lalamon sa kanya sapagkat
hindi sila magkaanak ng kanyang asawa na si Wigan.Ngunit ayon naman kay Buwaya ay hindi niya pwedeng kainin si Bugan
sapagkat napakaganda nito.

-Pating

ang pangatlong hayop na nakita ni Bugan na sa totoo lamang ay kanyang kinatatakutan,ngunit matapang niya itong hinarap at
sabi niya Pating kainin mo na ako sapagkat di naman kami nagkakaanak ng aking asawa, Ngunit ayon sa Pating ay isang
malaking kahihiyan daw kung kakainin niya si Bugan dahil ito ay napaka ganda, sa halip ay pinatuloy muna niya si Bugan sa
kanyang tahanan at pinagpahinga at pinakain.

-Bumabakker

ang unang diyos na nakausap ni Bugan ang unang nakakita sa kanya ng nakaupo siya sa isang lusong na nasa labas ng bahay ng
mga diyos, siya ay nagwika kay Bummabakker na nais na niyang masawi dahil hindi nga sila nagkakaroon ng anak ni Wigan,
Ngunit ayon kay Bumabakker ay isa iyong kahibangan inaya niya si Bugan na hanapin pa ang ibang diyos na sina Ngilin at Bolang
upang siya ay matulungan.

-Ngilin at Bolang

Sila ang mga Diyos na nag turo kay Bugan at Wigan ng mga ritwal upang mag kaanak ang mga ito, at hindi nga nabigo ang mag
asawa sapagkat natupad ang nais nila na sila ay magkaanak.

You might also like