You are on page 1of 1

Kabuuan ng “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”

May mag-asawang nagngangalang Wigan at Bugan. Sa kasamaang palad ang mag-asawa ay hindi
magkaroon ng anak.

Masusi nilang pinag-isipan kung anong mga paraan ang maaari nilang gawin upang sila ay magkaanak.
Ilang saglit pa ay napagdesisyonan ni Bugan na magtungo sa tahanan ng mga Diyos sa Silangan na sina
Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.

Sa pagsisimula ng kanyang paglalakbay ay may nakita siyang igat sa lawa. Tinanong siya ng igat kung
saan tutungo at sinabi ni Bugan na naghahanap siya ng lalamon sa kanya dahil hindi sila magkaroon ng
anak ni Wigan. Tumawa na lamang ang igat at sinabing magpatuloy sa paglalakbay patungo sa mga Diyos
sa silangan.

Sa pagpapatuloy niya sa kanyang paglalakbay ay nakita niya ang isang buwaya sa lawa sa Lagud.
Tinanong siya ng buwaya kung sino siya. Sinabi niyang siya at si Bugan at naghahanap siya ng lalamon sa
kanya dahil hindi sila magkaroon ng anak ng kanyang asawa. Sinabi ng buwaya na hindi niya maaaring
lamunin si Bugan sapagkat napakaganda nito.

You might also like