You are on page 1of 1

Noong unang panahon, ang mag-inang si Buboy at Bela ay nakatira sa isang malayong pook na napapalibutan ng mga

luntiang kabundukan at masasaganang halaman.

Si Bela ay mahilig magtanim ng mga halamang bulaklak kaya naman ang kanilang bakuran ay puno ng mga
mahahalimuyak na bulaklak. Habang si Buboy naman ay isang masigla na bata, ang kaniyang hilig ay maglaro sa kanilang
bakuran at palaging pinagdidskitahang pitasin ang mga bulaklak mg kaniyang ina.

Kahit ganoon si Buboy ay hinahayaan lamang siya ni Bela dahil noong una ay hindi naman ganoon karami ang pinipitas ni
Buboy, ngunit kalaunan ay grabe na kung pumitas ang anak na minsan ay nakakalbo na ang kaniyang mga halaman.

"Anak, pwede bang bawasan mo ang iyong pagpitas ng mga bulaklak? Dahil unti-unti nang nakakalbo ang ating mga
pananim." saad ni Bela isang umaga ang habang kumakain sila. Ngunit si Buboy ay hindi nakinig at nagpatuloy lamang sa
pagkain na para bang hindi nagsalita ang ina.

Pagkatapos kumain ay lumabas si Buboy sa kanilang bakuran habang si Bela naman ay pumunta sa ilog upang maglaba.

Habang si Buboy ay naglalaro sa kanilang bakuran at unti-unting kinakalbo ang mga pananim na bulaklak ng kaniyang ina,
biglang may isang napakagandang babae ang lumitaw sa kaniyang harapan at nagbibigay halimuyak na amoy sa buong
paligid.

"Dahil hindi mo sinunod ang iyong ina na huwag na pumitas ng mga bulaklak ay paparusahan kita." saad ng babae habang
kumukumpas ang kamay.

Lumiwanag ang buong lugar at bigla na lamang naglaho si Buboy.

Nang makauwi si Bela ay tinawag niya ang pangalan ni Buboy ng ilang ulit at hinanap ngunit hindi niya pa rin ito mahanap.
Naisipan niyang pumunta sa bakuran ngunit wala si Buboy roon at tanging isang hindi pamilyar na insekto ang kaniyang
nakita. Kulay dilay iyon na may halong itim na nakapatong sa isang bulaklak at sumisipsip ng pollen ng bulaklak.

Ito ay tinawag na bubuyog kalaunan dahil sa kaniyang biglaang paglitaw sa araw na nawala si Buboy.

You might also like