You are on page 1of 19

ESPERANZA O.

DE JESUS
Author/Illustrator
S a Paaaralang Elementarya ng Morning Breeze ay may isang batang
laging napapansin dahil siya ay malusog at may magandang kutis.
Sa madaling salita, siya ay guwapo… siya si Bebot.

1
Ngunit sa kabila ng kanyang kaguwapuhan, siya ay maramot.

Sa tuwing oras ng rises, ang mga bata ay nagpupunta sa kantina

upang doon kumain.

2
“Halika Bebot sabay ka na sa aming kumain,” yaya ni Momon.

“Sige, Momon”, kayo na lang.

3
“Ayoko ngang sumabay sa kanilang kumain”, wika ni Bebot.

“Baka humingi lang sila ng pagkain ko”. Ang pabulong na wika ni Bebot.

4
Habang kumakain si Bebot mag-isa,

may nakita siyang batang

nakaupo sa ilalim ng puno.

Ang batang ito ay si Potpot,

na kapitbahay niya.

5
Alam niyang labandera lamang ang nanay ni Potpot,

kaya madalas wala siyang baon tuwing papasok sa paaralan.

6
Biglang binilisan ni Bebot ang pagkain niya, iniisip niyang baka

kapag nakita siya ni Potpot ay manghingi pa ito sa kanya.

7
Isang araw, inabutan sila sa paaralan ng pagbuhos nang
malakas na ulan. Ang mga kaklase ni Bebot ay halos nasundo na ng
kanilang mga magulang.
Masama ang panahon, madilim ang paligid, hindi namalayan ng
kanyang guro na nasa paaralan pa si Bebot.
8
Mangiyak-ngiyak na si Bebot sa takot.

At isa pa, nakakaramdam na siya ng gutom.

9
Si Potpot ay mag-isang umuuwi dahil walang susundo sa kanya.

10
Maya-maya may narinig siyang parang naglalakad

na papalapit sa kanya.

Unti-unting nawala ang takot niya kasi hindi na siya nag-iisa.

11
“Bebot…..Bebot”, tawag ni Potpot.

“Narito ako Potpot.”

12
“Halika, ihahatid na kita sa inyo,” ang sabi ni Potpot

habang iniaabot ang payong kay Bebot.

“Salamat Potpot,” sabi ni Bebot.

“Buti na lang pinuntahan mo ako dito.”


13
Ibinili ko kasi ng tinapay si inay, para pagdating niya ay may makakain siya
mula sa maghapon niyang paglalabada. Napansin ko kanina sarado pa
ang bahay n’yo, kayat naisip ko baka hindi ka agad masundo ng tatay
at nanay mo, kaya dumaan na ako dito.

14
“Oh! Bebot, kainin mo itong tinapay hanggang mainit pa”…

habang iniaabot ang tinapay sa kanya.

“Kumain ka para hindi sumakit ang tiyan mo”,

wika ni Potpot na alalang-alala kay Bebot.

“Maraming salamat Potpot.” ang sabi ni Bebot

15
“Saludo ako sa iyo..Potpot”,nakangiting sabi ni Bebot,

at nagpatuloy sila sa paglalakad.

16
Habang naglalakad sila pauwi, naisip ni Bebot

“Mabuti pa si Potpot”, kahit mahirap lang ay

marunong magbahagi ng anumang mayroon siya. Simula ngayon,

tutularan ko si Potpot na may malasakit sa kapwa. Handang tumulong

sa oras ng kagipitan, at higit sa lahat, batang mapagmahal.

WAKAS
17

You might also like