You are on page 1of 13

Sa isang maliit na bahay sa bayan ng

Pulang Bato ay masaya kaming


namumuhay nina Lolo Waldo at Tatay Nag-iisang anak ako ni Tatay Sito.
Sito. Nang yumao si nanay, sa amin na
tumira ang mabait kong lolo na si lolo
Waldo
Habang si Tatay ay nasa trabaho,
kasa-kasama ko naman sa bahay ang nag-aalaga,
aking lolo- nagtuturo,
at nagpapayo.
Simple lang ang buhay
Maaasahan talaga si Lolo sa
naming tatlo. Napagkakasya
maraming bagay, lalong-lalo na
ni Tatay ang maliit niyang
sa pagluluto. Palibhasa, noon ay
sinusuweldo.
naging isang kusinero ang lolo
Madalas, arroz caldo ang
kong si Lolo Waldo.
inihahanda ni Lolo at
pambihira talaga ang sarap
nito! Parang may madyik na
sangkap na inihahalo si Lolo
Waldo.
Isang araw, maagang umuwi si Tatay “Huwag mabahala, mahal kong apo,”
Sito. Malungkot siya, panay ang bunting- sagot agad ni Lolo Waldo. “May naisip
hininga, at nakakunot ang noo. Nagsara akong paraan. Walang masama kung
raw ang pabrika at nawalan siya ng atin itong susubukan habang
trabaho. naghahanap ang tatay mo ng ibang
“Paano na po tayo?” ang nag-aalalang mapapasukan."
tanong ko.
“Magluluto ako ng arroz caldo!” ang
Biglang lumundag sa tuwa ang puso
masiglang pahayag ni Lolo Waldo. “At ilalako
ko. Nasabik ako sa magandang plano
natin ito sa iba’t ibang tao. Gagawin ko itong
ng lolo kong si Lolo Waldo!
masarap at malinamnam para marami ang
magkagusto!”
Sinimulan agad namin ang munti naming
Noong una, ang mga tao ay humihinto
negosyo. Umupa kami ng isang maliit na
puwesto sa may kanto. para lang mag-usyoso.
Ngunit hindi nagtagal ay dumami
ang suki na dumarayo.
Sa agahan, tanghalian, o meryenda
man, mabentang mabenta ang arroz
caldo ni Lolo!
Unti-unti, ang maliit naming tindahan ay
umasenso. Lumipat kami sa palengke ng
Pulang Bato. Doon ay nagkaroon kami ng
mas malaking puwesto. Nilagyan pa
naming ito ng karatulang “Arroz Caldo ni
Lolo Waldo.”
Lalong sumikat ang arroz caldo ni Lolo,
pati taga-ibang bayan ay dinarayo ito.
Hindi na lamang dine-in ang aming
serbisyo, mayroon na rin kaming take-out
at delivery na de-motorsiklo.
Ngayon, kasama na ni Lolo si Tatay
Sito sa pag-aasikaso ng aming
negosyo. Kapag walang pasok at
tuwing Sabado at Linggo, tumutulong
naman ako bilang tagasagot ng
telepono.
At tulad ng
kaniyang arroz caldo, Salamat sa masarap na arroz caldo
talagang pambihira ni lolo. Tunay na ikinararangal ko ito.
ang lolo kong si Lolo Hindi lamang nito binubusog ang tiyan
Waldo! Ang kaniyang ko at pinalulusog ang katawan ko,
pagsisikap ay pinagaganda pa nito ang kinabukasan
siguradong gagayahin ko.
ko.

You might also like