You are on page 1of 1

Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa.

si aling Rosa
ay may isang anak na babae. Ito'y si Pinang.
Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan
nya ang anak sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay
madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng
kanyang ina.
Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi
makabangon ay napilitan si Pinang na gumawa sa
gawaing bahay.
Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si
Pinang at agad naman itong kumilos ngunit kalaunay
lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil napabayaang nakasalang
ang lugaw, namuo at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na
lang si aling Rosa, kahit papaano nga nama'y napagsilbihan sya nito.
Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos sa bahay. Nung minsang
magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa ina at
nagtanong. Nainis si aling Rosa.
"Naku Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita
mo ang lahat ng bagay at nang hindi kana tanong ng tanong".
Dahil sa inis ng ina ay tumahimik na lang si Pinang.
Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang
nag-alala si aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si Pinang. Napilitang
bumangon at tawagin ang anak ngunit walang lumapit sa kanya.
Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa ang
isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong. Kalaunay
namunga ito. Nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay tila
maraming mata.
Doon nya napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak na
magkaroon sana ito ng maraming mata.
MGA TANONG:
1) Sino ang babaeng balo?
2) Ano ang pangalan ng anak ng Balo?
3) Ano ang iniutos ng Balo sa kanyang anak?
4) Bakit niya ito inutusan?
5) Ano ang moral ng istorya?

You might also like