You are on page 1of 3

ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa. si


aling Rosa ay may isang anak na babae. Ito'y si Pinang.

Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang


anak sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay madalas na may
katwiran sa tuwing inuutusan ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay


napilitan si Pinang na gumawa sa gawaing bahay.

Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad


naman itong kumilos ngunit kalaunay lumabas din ito ng bahay
para maglaro. Dahil napabayaang nakasalang ang lugaw, namuo
at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling
Rosa, kahit papaano nga nama’y napagsilbihan sya nito.
Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos sa bahay. Nung
minsang magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa
ina at nagtanong. Nainis si aling Rosa.

“Naku Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang


makita mo ang lahat ng bagay at nang hindi kana tanong ng
tanong”.

Dahil sa inis ng ina ay tumahimik na lang si Pinang.

Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay


lubhang nag-alala si aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si
Pinang. Napilitang bumangon at tawagin ang anak ngunit walang
lumapit sa kanya.

Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa
ang isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong.
Kalaunay namunga ito. Nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang
bunga ay tila maraming mata.

Doon nya napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak


na magkaroon sana ito ng maraming mata.

1. Ano ang katangian ni Pina?

2. Saan natagpuan ni aling Rosa si Pinang?

3. Kailan naging pinya si Pina?

4. Paano Naging pinya si Pina?

5. Bakit maraming mata ang Pinya?

You might also like