You are on page 1of 1

Si Pina ay nag-iisang anak ni Aling Rosa mahal na mahal niya ito kung kaya ninais niyang

lumaki itong may kaalaman sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pina ay hindi mahilig sa
paggawa ng mga ito. Ang tangi niyang nais ay makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Isang
araw na nagkasakit ang kanyang ina napilitan si Pina na gumawa ng mga gawaing bahay.
Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang sandok. Kanya itong itinanong sa
kanyang ina, sa inis ng ina sapagkat lahat na lamang ay tinatanong ni Pina sinabi niya dito
na sana ay magkaroon ito ng maraming mata upang makita nito ang mga bagay na
hinahanap nito. Umalis si Pina sa silid ng ina ng di umiimik. Kinagabihan hindi na bumalik si
Pina sa kanyang silid. Agad niya itong tinawag ngunit walang sumasagot sa kanyang tawag.
Hindi niya na ito nakita. Isang umagang nagwawalis si Aling Rosa sa kanilang bakuran
nakita niya ang isang halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Kinuha niya ito at
itinanim sa kanilang bakuran. Pagkaraan ng mga araw ito ay lumaki at namunga. Nagulat si
Aling Rosa sa itsura ng bunga ng halaman sapagkat ang bunga nito ay napapalibutan ng
mata. Kanyang naalala ang kanyang anak na si Pina at ang kanyang sinabi dito. Naiisip niya
na ang sinabi niya kay Pina ay tumalab dito. Kung kaya ang halaman ay tinawag niyang
itong Pinang. Nang magtagal ito ay tinawag ng Pinya.

You might also like